****
- Riye -
Namumugtong mga mata ang iniharap ko sa walang malay pa rin na si Feb. Nung gabing iyon ay mabilis namin siyang isinugod sa pinakamalapit na hospital . She slashed her right wrist. Hindi lang basta laslas , nang dahil sa matalim ang kutsilyong hawak niya noon ay malalim ang pagkakalaslas na nangyari. Puno pa rin ng mantsa ng dugo na mula sa kanya ang mga damit namin, si Stan naman ang nagpresinta na umuwi upang malinis ang bahay namin.
Dapat ay noong mga panahong iyon hindi namin pinapabayaang mag-isa si Feb para hindi niya nakita ang nangyari kay Heaven. Bilang isang kaibigan, kung ako man ang nasa sitwasyon ni Feb ay isang trauma ang aabutin ko ngayon. Nang makita namin iyon ni Stan ay halos sumakit ng sobra ang ulo ko , samut saring mga alaala na hindi ko maaninag ng maayos ang lumabas sa isipan ko. Pero ang pakiramdam ko ay parang makailang ulit na iyong nangyari sa akin.Napatakip na lamang ako ng panyo sa aking mukha . Naramdaman ko namang dumating na si Kid at may dala dalang kape. Mababasa mo sa kanya ang matinding lungkot sa kanyang mga mata. Tila isinisigaw nito na, bakit kailangan itong mangyari ?
" Riye , sorry ... " paghingi niya ng tawad habang nakatingin lamang ang mga mata niya sa kanyang hawak hawak na kape. Naiintindihan ko naman siya , kung bakit ganoon ang ikinikilos niya at nasasabi niya samin bigla. Alam ko ang sitwasyong iyon , alam na alam ko.
" naiintindihan kita. " sambit ko at ngumiti ng bahagya ngunit napawi rin ito ng madaplisan ko ng tingin ang kalagayan ni Feb sa ngayon. Sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa nangyari , ako lamang ang tanging kasama at kaharap niya noong nangyari iyon , ako lang din ang makakapigil sa kanya ngunit nabigo ako , hindi ko nagawa. Wala akong nagawa para iligtas siya.
" hindi mo kasalanan iyong nangyari , naiintindihan mo ako di ba ? Dapat naiintindihan mo rin ang iyong sarili. Walang may kasalanan , magigising rin siya sa ngayong araw , iyon ang sabi ng doktor . Bantayan na lang natin siya , ang mahalaga ay buhay pa rin siya. " mahinahon niyang pagpapaliwanag.
Umupo siya malapit sa hospital bed na kinahihigaan ni Feb. Ako naman ay nasa couch nakaupo. Hindi tumalab ang kapeng iniinom ko , dinadala pa rin ako ng antok at matinding pagod. Unti unti ng lumalabo ang paningin ko kasabay nito ang pagbagsak ng aking mga talukap.
Sa aking pagpikit mga mukha ng payaso ang aking nakita , puno ng dugo ang bawat patalim na kanilang hila-hila.
****
- Morgiana -
Lumipas ang isang linggo ay napalapit na ako kay Hanne at sa kakambal nito na si Hilaree. Alas-nuebe pa ang aming pasok dahil iyon ang paliwanag ni sir Benafin noong nasa entablado siya. Napatanaw ako sa 'di kalayuan .
Lumangitngit ang pintuan ng aking kwarto at iniluwa si Hiro na nakapajamas pa at puting t-shirt. Taon ang lumipas parati siyang nasa tabi ko. Ni hindi siya nawala , ni hindi niya ako iniwan sa kahit anong sitwasyon. Tumabi siya sa gilid ko at binigyan ng matamis na ngiti. Walang halong kahit ano kundi totoo.
" uminom ka na ba ng gamot mo ? " marahan niyang pagtatanong sa akin. Tumango ako bilang tugon. Wala nanaman sa kabilang kwarto ang sinasabing kaibigan ni Hiro. Araw-araw niyang binabanggit sa akin ang kaibigan niya. Maliban sa akin. Ulila na si Hiro . At sa mga panahong lumipas , ako na lamang ang itinuturing niyang pamilya.
BINABASA MO ANG
The Another One Ⅱ: End This Game
Mystery / ThrillerHilaree Rain Remulla. She finally found her true family. She entirely wreck her old self . Pero totoo na nga ba ang lahat ng nasa paligid niya ? Ano ang gagawin niya kung lahat ng nakapaligid sa kanya ay gusto siyang patayin ?