Chapter 7

14 1 1
                                    

CHAPTER 7

Hayys, ang bilis ng 2 days na pahinga! Sa two days nay un hindi ko na feel na may pahinga pala kami. Kasi naman nung Saturday, gabi na ako nakauwi galing sa birthday party nung cousin ko.. tapos kahapon naman pinanood ko yung favorite gag show ko, late night show yun, tinapos ko kasi, kaya medyo inaantok pa ako ngayon.

Naglakad na lang ako papunta sa school para hindi na ako antukin. Walking distance lang naman kasi yun eh.. tsaka kailangan ko na rin magtipid tipid ngayon.

Nandun na ako sa labas ng school tapos may biglang tumawag ng “SEATMATE”. Noong una hindi ako lumingonbaka kasi hindi naman ako yung tinatawag, pero maya maya mayron nag-tap sa shoulders ko… napatingin ako. Pagtingin ko si Reiden pala. O_O.

“Oh, bakit hinihingal ka?, tumakbo ka noh?”

“Eh, kasi naman kanina pa kita tinatawag tapos hindi ka man lang lumilingon, kaya nagmadali na lang ako maglakad”

“Bakit naman kasi nagmamadali ka ha”

“Kasi nga sasabayan sa na kita maglakad, kung Ok lang sayo”

“Ano? Tara na?”

Nung mga oras nay un hindi ko maipaliwanag, di nanaman ako makapagsalita, kaya nginitian ko na lang siya. J  tapos ngumiti din siya, tapos sabay na kaming naglakad papasok ng gate.

Habang papunta na kami sa classroom, tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad. Siyempre nung malapit na kami sa room binilisan ko na yung lakad ko. Ayoko naman na magkasabay kami pumasok baka mamaya baka mamaya iba isipin nung mga kaklase namin.

Maya maya nagbell na. Pumasok na yung teacher naming at nag start nang magdiscuss yung teacher namin. Hanggang mag recess ganun yung nangyayari.

Hayys, siguro bored na bored na tong katabi ko. Bakit nga ba kasi ganto puro discuss , lecture, discuss, lecture, tapos quiz wala man lang mga palaro o activities para mabuhayan naman kami ng dugo. Hayay…..

So ayun nagbell na nga ibig sabihin recess time na. tumayo na kami kaagad. Pumunta naman kaagad tong si Crush sa mga kaibigan niya, tapos pumunta na rin ako sa mga friends ko. Habang nag-pupulbo pa sila (Azumi, Kristelle, Maureen at Nikko.) biglang lumapit sila Reiden....

“Gusto niyo sabay sabay na lang tayo mag recess?”

Nagkatinginan na lang kaming magkakaibigan.

“Ano? Sabay tayo?”

“Wala namang mawawala kung sasabay tayo” bulong ni Maureen.

“Girl, Chance nayan” bulong ni N.I.E.

“Ahhh, Sige sasabay kami.” Sinabi ko ng pa-shy type.

“E di ayos, ano tara na? baka mawalan tayo ng table, marami na mamayang tao dun”

Pumunta na kaming lahat sa canteen. Bumili na rin kami ng pagkain at umupo na sa table, yung mga guys bumili na nang pagkain dun sa nagbebenta ng rice at ulam tapos pumunta na silang apat sa table namin. Wow ha! Ano ba tong mga to? Naka extra rice pa silang apat. Hindi ba to nagbrebreakfast?. Sa tapat namin sila umupo. Si Reiden katapat ko. Hahaha..

“Ang lakas niyo namang kumain, may extra rice pa” pabiro kong sinabi.

“Hindi na kasi kami kumakain ng rice kapag lunch break.” Sabi ni Harvey.

“Baligtad kasi kami eh.”  Sabi ni Julian.

“Habang kayo nag rerecess kami nag lulunch na, tapos kapag kayo naman ang nag lulunch kami naman ang nag rerecess.” Sabi niya.

“Pero minsan kapag gusto naming magkanin sa lunch. Mag kakanin ulit kami.” Sabi ni Lester.

Pagkatapos naming kumain lahat, bumalik na yung mga guys kaagad sa classroom… kami naman sinamahan pa namin si Kristelle sa C.R.                                                                                        

Pagkatapos naming mag C.R. pumunta na kami sa classroom namin kasi kailangan pa naming mag sagot nang assignment namin sa Statistics. Pag balik namin sa classroom nandun nakaupo na lahat ng classmates naming. Busying-busy silang lahat sa paggawa ng assignment. Umupo na ako at nilabas ko na yung ballpen at notebook ko sa statistics.

“Pakopya naman ako sa assignment.”

“Wala pa nga akong sagot eh, magsasagot pa lang ako noh”

“Oh sige, pagkatapos mo na lang sagutan, pakopya ako”

“Wow ha, magsagot ka kaya.”

“Ganto na lang bigay mo sa akin yung sagot mo mamaya tapos ituro mo sa akin kung paano nakuha yun.”

“Sige na, please?.”

Ngumiti na lang ako sa kanya at nagsagot na ako ng assignment namin. Pasalamat siya at gwapo siya, kung hindi lang kita gusto eh, hindi ako magpapakopya at hindi ako magtitiyagang magturo sayo. Pagkatapos kong magsagot ng assignment binigay ko na sa kanya yung notebook ko tapos pagkatapos niyang kopyahin, tinuro ko naman sa kanya kung paano ko nakuha yung sagot. Hindi ko na nature sa kanya yung dalawag natitirang number kasi nagbell na at dumating narin yung teacher namin sa stat.

……………………………………………………………………………………………………………………………………………………

Hanggang Lunch ganun parin, mag kasabay na kaming lahat kumakain. feeling ko unti-unti na kaming nagiging close.. sana ganto kami lagi….

My Crush or My FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon