Chapter 8

13 0 0
                                    

CHAPTER 8

Ngayon pala yung day na mamimili na kami kung ano yung Club na sasalihan namin. Puputulin ulit yung klase.. Gusto kong sumali sa Math Club… kahit alam ko na puro problem solving lang gagawin dun kapag club days… -_-  sasali pa rin ako. Para mahasa math skills ko. Alam ko makakatulong yun sa akin someday… tsaka kapag college na ko, maraming subjects ang may math.. ireready ko na yung sarili ko.

Anong Club kaya sasalihan nun ni Reiden?... sigurado dun pa rin yun sa dati. Sa Sports Club. Hindi naman yun lilipat ng ibang club eh.. Teka, ano kaya kung sumali ako sa sports club?... Hindi, hindi, hindi, ano ba yan, kung ano ano na lang naiisip ko… hindi ako sasali dun noh kahit na andun pa siya!. Hindi ko ipapagpalit yung Club ko para sakanya…

Habang naglalakad ako papunta ng classroom nakita ko si Maureen na naglalakad, malapit na siya sa stairs. Tinawag ko siya. Tapos lumingon siya at napahinto sa paglalakad. Lumapit ako kaagad sa kanya.

“Ngayon yung pilian ng Club ah, Meron ka na bang naisip na salihan?”

“Oo, Meron na sa Math Club ako sasali. Ikaw?”

“Sa Glee Club ako sasali eh”

Ngumiti ako sa kanya tapos ngumiti din siya.

Sabay na kaming pumasok sa room. Pagpasok namin sa room narinig ko na yung mga kaklase naming, nag-uusap sila tungkol sa sasalihan nilang club…. Hindi naman sila masyadong excited noh?..

“Good Morning”

Si Reiden! Naka smile siya sakin. Mukhang Good Vibes ata siya ngayong umaga.

“Good Morning din”

“May sasalihan ka ng Club?”

“Oo, Meron na sa yung sa math. Eh, Ikaw ano sasalihan mo”

“Naks!, Math Club!.. Hindi na rin ako nagtataka magaling ka dun eh. Ako, sa Sports Club.”

Ngumiti lang ako sa kanya at umupo, ngumiti rin siya sakin.. Ang gwapo niya pag ngumingiti!. Dapat hindi ko na tinanong, Mukha naman eh, alam ko din naman na dun siya.. para namang magkakainterest yun sa ibang Club…  -_-

Dumating na si Ma’am, pinapili na niya kami ng gusto naming salihan na club. Since 45 kami sa class at 9 yung clubs. Tig-fifive lang dapat per club.                                                                                    Yun na nga, katulad ng gusto ko mangyari  napunta ako sa Math Club. Si Azumi napunta sa Art Club, si Kristelle sa Science Club, si Maureen sa Glee Club at si Nikko sa Dance Club. Yung dalawang guys, si Reiden at Lester sa Sports Club samantalang si Harvey sa Filipino Club, tapos si Julian naman sa A.P Club.

Pagkatapos naming maubos yung 1 hour para lang sa pilian ng Club, Bumalik na yung klase namin tapos mamaya 1 hour ulit bago magdismissal puputulin ulit yung klase para sa Club Period. Excited na ako sa Club, mamayang club period gagawin naman yung elections para sa club officers, sana makasama ulit ako. Good Luck!.

My Crush or My FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon