24 - The New Suitor

52 1 0
                                    

CHAPTER 24

CALI'S POV

Katulad ng napagkasunduan namin nung nagkita kita kame nina Chase sa cafeteria, magkakasama kame sa Christmas sa isang resort. Kame ni kuya, si DM, si Chase at Ces, band members except kay kuya Cho at si Mhigs. Ang bago kong suitor.

Marc Miguel Villongco. Mhigs kung tawagin ng marami. Pumapasok sa school na mahigpit na kalaban ng basketball team ng school namin. Mouth watering ang kagwapuhan. Heartthrob. Maputi. Brown ang mata. Mas curl pa ang eyelashes nya kesa sakin. May kissable lips. Medyo matangos ang ilong. Matangkad. Kapitbahay namin. Natalo pa si Mr. Perfect.

Mga 2 months na syang nanliligaw. Nagpaalam muna sya syempre kina mama at papa. Kabarkada sya ng kuya ko. Pinsan sya Kayzer, bestfriend ni kuya. 3 months bago sya magpaalam na manligaw, unang ipinakilala sya samin ni DM nina kuya. Kahit na kapitbahay namin sya, hindi ko naman sya napapansin. Pero nakikita ko sya. I didn't know na magpinsan pala sila ni Kayzer. I never hear him mention Mhigs pag magkakasama kami.

Nacrushan kagad sya ni DM nung una syang ipinakilala samin. Hindi na naman ako nagtaka kase makalaglag panty naman talaga. Pogi sya. Pero wala syang dating nung una sakin. Siguro kase nasa isip ko parin si Chase. Pero pogi talaga sya. ;D

Simula nun, madalas every thursday night iniinvite nya kame sa bahay nila. Wala syang kapatid. Wala na din syang papa. Ang sabi sakin ni kuya ang sabi daw sa kanya ni Kayzer matagal na daw patay dahil sa aksidente. 8 years old pa lang daw nun si Mhigs.

Pag pumupunta kame sa kanila, di naman kame naguusap. Siguro mga konteng question and answer portion lang. Pero yung usapan talaga, hindi. Ang sabi sakin ni DM, nahuhuli nya daw na tumitingin sakin si Mhigs pero syempre di naman ako nag-assume. Hello???!!! Si Mhigs yun. Balita ko ang mga nagiging girlfriend nun mga bigatin. Yung tipong pang Miss Universe. Ang huli nya ngang girlfriend e yung pinakapopular sa school namin, si Shady Davis. Pangalan pa lang halatang maganda na. Ang sabi nila si Mhigs daw ang nakipaghiwalay kase nahuli na may isa pang boyfriend so Shady.

Nagulat na lang ako nung biglang nagtext sya sakin one night. Kay DM nya daw nakuha ang number ko. From then on nagtetext na din kame. Wala naman sigurong masama dun. Besides, I'm single as mush as he is. Although I'm not really over Chase but I'm getting used to seeing Ces and Chase together. It's not that I can do anything about it, so why not accept it, right? At tsaka, textmates lang naman e.

Alam nya ang tungkol samin ni Chase bago sya nagsabe ng panliligaw sakin. Hindi naman nya ako minamadali at halata naman. Sa loob ng dalawang bwan nyang panliligaw masasabe ko na sa kabila ng kagwapuhan at kasikatan nya sa school nila, hindi sya mayabang.

Naaalala ko nung una nya akong inilabas. Dinala nya ako sa isang mataas na lugar at nagstargazing kame. Sobrang love ko ang mga stars at ganun din sya. Habang nag-istargaze ako, ramdam ko na nakatingin sya sakin..

"Akala ko ba mag-istargazing tayo dito Mhigs? E bakit parang ako naman ang tinitingnan mo?" Mula sa mga stars ay ibinaling ko ang mga mata ko sa kanya at tama nga ako. Nakatingin sya sakin at nakangiti. Pesteng nilalang na to! Ang pogi! :"))

"I find you more interesting than what you see up there."

Hindi ko napigilan ang sarili ko at napangiti.

"Ang ganda mo lalo pag ngumingiti Cali." Nasabi na sakin ni Chase yun. Pero sa di ko malamang dahilan, parang mas may sparks pag sai Mhigs ang nagsasabe nun. Feel na feel ko ang sincerity sa bawat salitang binibitawan nya..

"Alam mo Mhigs, you should write poems. Mabulaklak masyado ang mouth mo. :)"

"Sayo lang naman e.. I still wonder why that ex of yours doubt his love for you and chose his past over you." Napaisip ako at naalala ko how I manage to let him go..

Love = PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon