25 - Ex Meets The Suitor

44 1 0
                                    

Kanta ni Mhigs kay Cali on the side. :3 ------------------------------>

________________________________________________________________________________

CHAPTER 25

Maaga akong nagising kinabukasan sa di ko malamang dahilan. Siguro excited ako. Ngayon lang kase ako ihahatid ni Mhigs sa school namin. E bakit ako naeexcite? -.- Arte. :))

Nagmadali na akong bumangon at naligo. Mabilis akong nagblower at nagbrush ng buhok. Pumunta na ako sa closet ko at naguniform. I brushed my hair and put it in a messy bun. I sprayed some perfume, put a little coat of mascara and I'm good to go. Inayos ko ang kama at ang 6 na unan ko bukod pa sa stuffed toys ko, kinuha ang bag at nagduretso na sa baba para magbreakfast.

I had egg and bacon and green tea for breakfast, just yumm!!! :) I kissed my mama and papa goodbye tapos lumabas na kame ni kuya. And there he is, waiting for me outside, with his oh-so-perfect smile. Si Mhigs.

"Oh Mhigs! Aga mo ah.." Sabay apir at knuckle toast ni kuya kay Mhigs.

"Free day pare. Walang pasok." Sagot nya.

"O sige mauna na ako. Susunduin ko pa si Kayzer! Cali half day ako ngayon. Ingat ka mamaya pag-uwe ha?" Sige tol!" Paalam ni kuya samin.

"Ok kuya. Ingat! Bye!"

"Let me carry those books for you.." Offer ni Mhigs sakin. Ang sweet talaga neto! :3

"Thank you. :") " At nagsimula na kameng maglakad.

Simula bahay namin hanggang school nagbabanatan lang kame ni Mhigs. Hindi pa rin makaget over sa My Amnesia Girl e. :)) Kunwari pa syang ayaw nya e namemorize nya naman halos lahat ng mga pamatay lines sa movie na yun! Tawa ako ng tawa, hanggang sa makarating na kame sa school. Si DM kagad bumungad samin.

"Wow ha!!! Ang saya mo friend ha!! Yung mata ko namuti na sa kakahintay sayo ha!! Akala ko susunduin mo ako sa bahay ha!!!" Shoot!! Nakalimutan ko syang itext at sabihin na ihahatid ako ni Mhigs sa school. :))

"Ay!! Onga pala! Sorry friend! Hindi na pumasok sa isip ko na itext ka e. Nag-offer kasi si Mhigs na ihatid ako kase wala syang pasok ngayon.."

"Sus ka! Nagdahilan ka pa! Paslamat ka nakangiti sakin yang gwapo mong book holder. Hmpf!" Tingnan mo naman ang kaartehan nitong baklang to! :))

"Ah, Cali. Can I fetch you later? Sabi ni Chris half day namna daw sya e." Sabe ni Mhigs na dala dala pa rin ang mga books ko.

"Fetch me na rin Hubby ko. ;) ;) ;)" Hinampas ko si DM. Ang lande e. :))))

"Friend ang sakit ha!" Binungisngisan ko lang si DM at binalik ang atensyon ko kay Mhigs.

"Don't you have things to do? Baka hassle para sayo.."

"Wala. Tsaka ok lang yun. So, see you later then??"

"Ok. :)" Then he leaned ang kissed me gently on my cheek.

Pag-alis ni Mhigs laspag ang katawan ko sa pambubugbog sakin ni DM dahil sa sobrang kilig nya sa actions ni Mhigs. Lumingon kame at maglalakad na papuntang classroom ng nakita namin si Chase na parang masama ang timpla ng mukha. Problema nun?!

The first 3 subjects went smoothly at nagring ang bell para sa recess. Sumama samin si Chase at Ces sa canteen.

"So! Who was that gorgeous Adonis na naghatid sayo kaninang umaga?" Pang-aasar sakin ni Ces.

"A-ah.. Si Mhigs." Hindi maitago sa pagsambit ko ng pangalan nya ang kilig..

"Mas gwapo ako dun. Sus." Singit ni Chase. Buti na lang wala ng pumansin sa kanya. Problema neto?? -.-

Love = PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon