27 - Christmas Get-Together Day 1

60 3 0
                                    

CHAPTER 27

Maaga akong nagising kinabukasan. Excited e. :)) Minsan lang mag-get away with friends e. Nagmadali akong lumigo at inihanda na ang maleta ko. Oo. Maleta talaga ang dala ko. :)) Pero maliit lang naman. at tsaka isang beach bag. :) Nag patuyo na ako ng buhok at nagsuklay. I wore the dress Mhigs' mother gave me. Bustier dress sya na floral. Above-the-knee syempre. Nagflip flops na ako at bumaba na ako. Pag baba ko nakita ko si kuya na kakalabas lang sa kwarto nya. Nakaligo na din sya.

"Good morning kuya. :)" Then I hugged him.

"Ang saya mo naman baby girl. excited??"

"Medyo. :)) I'll prepare breakfast lang. Bilisan mo na!"

Hindi na namin ginising sina mama kase ang aga pa masyado. Kawawa naman. Nagtungo na ako sa kusina at kumuha sa ref ng eggs. Nagtoast ako ng tinapay at nilagyan ko ng butter at ng strawberry jam. After maluto ng sunny side up eggs ko, nilagay ko na sa plato then I poured some orange juice sa baso namin ni kuya. Nagluto din ako ng hotdogs at bacon. Super yummy breakfast! Kaen na tayo! ;)

"Let's eat na kuya!"

"Ang dame naman nito.."

"Ano ka ba kuya! Ang tagal kaya ng byahe natin. Tapos hahanapin pa natin yung resort no. Ayaw mo?? O e di ako na lang ang kakaen nitong lahat.." Akmang aangkinin ko na lahat ng pagkaen nang pigilan ako ni kuya.

"At sinong may sabeng ayoko! Lamon! :))"

After namin kumaen, inilabas na ni kuya mga gamit namin kase padaan na daw sina Kuya Bot at Chase. Pumasok kame ng dahan dahan sa kwarto nina mama para magpaalam.

Lumabas na kame ni kuya at nakita ko si Mhigs na nasa labas na ng bahay namin. Ang lamig lamig pero naiinitan ako. Pano naman kase. Nakasando tong si Mhigs. Ang muscles nagpapakita sakin. *.*

Dumating na si Kuya Bot at Chase. Binati kagad ako ni Ces at DM.

"Hi friend!!!!!!!!!! And hi gprgeous.. ;)" Hinampas ko si DM. Nagpapakyut na naman kay Mhigs e. Lande neto. :))

"Itigil mo yan. Ang aga aga e. :))" Banat ko kay DM.

"Friend naman ang sakit! Hmppp! Lika na nga. Dito ko na sa gitna at baka pag si Mhigs pa ang katabe ko e mainlove lang yan sakin. Ha! Alam mo naman ang karisma ko girl!" Isang hampas na naman ang natikman sakin ni DM. Napatawa lang si Ces at Mhigs.

"Sira ka talaga! Pagpasensyahan mo na Mhigs ha? Medyo retarded lang talaga to. :D" Medyo napatawa si Chase at nistart nya na ang kotse. Nakikinig pala sya? Finally hindi na sya mute. Pag magkakasama kami palaging walang kibo. -.-

"Hala! Sino yun?! Ikaw ba yun Chase?! Anong inalmusal mo ha?? Ipagpatuloy mo yan ha??" Pangaasar ni DM kay Chase. :)) Pano naman kase, parang robot. Ngayon lang tumawa. -.-

"Gusto mong pumuntang resort ng lakad?" Pambabanta ni Chase kay DM. Nakita ko ang reaksyon ni DM. Muntik na akong mapaihi nung nakita ko mukha ni DM. Nakakatawa ang reaksyon. Medyo nakakaawa e. :))

"Nagbibiro lang naman! At tsaka saglit lang ha.. Bakit ba napapansin ko na palaging ako ang api at kawawa dito ha???? Aba!" Sabay sabay kaming nagtawanan sa kotse. Napatingin ako sa rearview mirror at napatigil ako sa pagtawa nung nakita kong nakatingin sakin si Chase sa salamin. Umiwas ako ng tingin at umupo ng maayos.

Almost 3 hours bago kame nakarating sa beach resort. Bumaba na kame sa kotse at sinalubong kame ng staff ng beach resort na tumulong na magdala ng mga gamit namin sa suite namin. Hindi kame makapaniwala sa nasa harapan namin ngayon. Labas pa lang heaven na. Pagpasok namin paradise!

Ang ganda ng position ng suite namin. Mismong katapat ng infinity pool . :") There's more. May floating bar sa gitna ng infinity pool. Talk about luxury and perfect christmas get away. Inilibot kame ng isang staff ng resort. Ipinakita nya samin ang Spa ang restaurant ng resort nila at inexplain samin ang mga activities na pwede naming gawin. Excited na ako sa mga activities na gagawin namin!! :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love = PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon