6

122 1 0
                                    

Grabe. Wala talaga nagbabasa nito. :( Pero itutuloy ko pa din.

___________________________________________________________________________________

CHAPTER 6

"Grabe ka makapanlait girl ha! O sige na! Yung pinakamasarap na ulam at 3................" Napatigil si DM at tumingin sa direksyon na tinitingnan ko..

"Oh my gali...." Kaartehang sabe ni DM. 

"Halika at sugudin natin friend!!" Bago pa magawa ni DM ang gusto nya, napigilan ko na sya.

"Don't...." Napatungo ako..

"It's not worth it. Pag ginawa mo yun di naman sya babalik sakin e." At alam kong tama ako sa sinabi kong yun. Anong nakita ko? Si Chase at ang bago nyang gf. Ang gf nya na long time love nya. Unang nyang minahal ng sobra bago ako. Maganda. Mabaet. Matalino. Wala na yata sigurong hinihiling sa buhay yun kase parang nasa kanya na ang lahat. Sya si Frances Anika Garcia. O di ba? Pangalan pa lang maganda na.

"Hayy. Ok. Siga na. Wait mo na lang ako dyan at ako na lang oorder. Ok? But please.. Can you stop staring at them??" Sabay hawak nya sa balikat ko. Iiyak na ako. Eto na....

"Wag!!!! Wag kang iiyak! Gusto mo bang makita ka ng kuya mong ganyan?" Sabe ni DM sakin..

Huminga ako ng malalim at tumingin sa taas para di tumulo luha ko..

"Ok. Sige na. Umorder ka na. Ikaw na ang bahala."

...

...

...

Habang kumakaen kami, napansin yata ni kuya na nag-iba na ang mood ko..

"Cali. Ang dumi na naman ng mukha mo.."

"Onga Cali.. Eto tissue o." Sabay abot sakin ni Kayzer ng tissue..

"Friend. Wag mo na isipin yun. Ha?"

"Bakit naman kasi tinitigan mo pa? At oo, naikwento na kagad samin ni DM nung nagCR ka.."

Bakit nga ba tinitigan ko pa sila? E alam ko naman masasaktan ako ng sobra. Ang hirap magpigil ng luha kaya napaiyak na ako sa harap nila..

"Nakakainis talaga kayong tatlo!!!" Umiiyak na ako habang hinahampas ni Kayzer at si DM, sila kase ang katabe ko.

"Gusto mo ba resbakan namin ni kuya mo ha?? Alam mo naman ako Cali...."

"Basagulero???" Sabe ko kay Kayzer...

"Grabe naman to!! Para sa mga taong mahal ko lang naman!"

"Babe ha. Nagseselos na ako. Hug mo nga ako!!" Kalandian talaga netong si DM o. Napatawa tuloy ako.

"Hug?? Hug-hug-in mo mukha mo!!" Sagot ni Kayzer sabay tapon ng tissue sa mukha ni DM

"Hahahahahahahahahah! Gags ka talaga girl!!" Tawa ako ng tawa

"Ikaw babe ha. Ganyan ka ba talaga magmahal? Tinatapunan ng tissue sa mukha ang gf? Ang sweeeeett! Pakiss naman babe! Kahit sa lips lang!" Ngumuso si DM pero nilagyan lang ni kuya ng siopao sa bunganga si DM..

Tawa kame ng tawa!!

"Pag kayong tatlo talaga ang kasama ko, nasisira ang beauty ko! My gosh!!! At ikaw Kayzer!!.................." Sabay duro kay Kayzer

"Ok.. Pinapatawad na kita babe. Pero hindi muna kita ikikiss ngayon. Yan ang parusa mo! Hmmp... Punta muna ako sa washroom.."

"Si Dm lang talaga ang susi a mga smiles mo no Cali??"

"Yuck kuya! Korni mo! Hahahah"

"Ako pa talaga ang korni ha!!"

Pagkadating ni DM galing CR, we decided na manood ng sine. Wala namang pasok bukas, at wala naman kaming mga gagawin para sa school. Bumili na sina kuya ng ticket at mga pagkaen namin. Ilang minuto na lang magsisimula na ang movie aya pumasok na kame sa loob ng sinehan....

...

...

...

"DM, magsiCR muna ako ha? Nawiwiwi na ako e.." Bulong ko kay DM.

"Gorabels ka lang friend.."

Ang boring naman ng movie. Sana sa bahay na lang pala kami at nagwii na lang..Pumasok na ako sa CR. Hindi naman talaga ako nawiwiwi e. Naiinip na lang talaga ako. Nagsalamin kagad ako pagpasok ko. Ayos ng buhok.  Parang nawiwiwi na nga ako. Pagtalikod ko may nakabangga ako. Nagpatak yung pouch nya..

"Ay!!! I'm sorryy! I didn't mean to!!" Sabay pulot sa bag nya. Tae natapon pa yung laman ng bag nya.. Pinulot ko din. Lipgloss. Cheek tint. Pocket mirror. Picture na nakalagay sa maliit na maliit na frame.. Medyo nagcrack yung right side..

"I'm sorry. I think I broke this.. I'm really sorry. I'll make it up to you. I'll buy you a new one. " Iniabot ko sa kanya lahat ng gamit nya at ipinakita ko yung crack sa frame.. Pagtingin ko sa kanya... Si Frances...

"No no no.. It's okay. :) Hindi mo naman sinasadya e.."

"I insist. :)" Hindi ko alam kung bakit ipinilit ko pang ibili sya ng bagong frame. Pero nakakahiya kasi talaga e. Ang clumsy ko kasi masyado. -.-

"Ok. :) Thanks!"

"Wala yun.. Ahm, CR muna ako ha? Mabilis lang promise! :)"

"Sure.."

Ano ba yan?! Pano pag nakita ko si Chase. Well, palage ko naman sya nakikita sa school. Katabe ko pa nga e. Pero iba to! Kasama nya si Frances. Ang awkward... Bahala na.

Nagtext ako kay DM at sinabi ko lahat. Hihintayn nya na lang daw nila ako sa kotse..

Paglabas namin ni Frances sa CR nakabantay na si Chase. Wow. Ang sweet naman. :') 

"Ahm. Babe, I'm sorry kung natagalan. May nangyare lang. Nga pala si...... What's your name nga pala? :)"

"Cali.. I'm Cali."

"I'm Frances.. :)" Sabay abot sakin ng kamay..

"And this is my boyfriend..."

"I know her.. Classmate ko sya."

"Really??! Small world isn't it?" Ang ganda ng ngiti ni Frances. Pero di ako makaget over sa narinig ko. CLASSMATE KO SYA. Aray. :')) Sabagay. Ang awkward naman pag sinabe nyang.. I KNOW HER.. EX KO SYA.. Wag na nga yun. Bahala na..

"Ya. Small world.." Pinilit ko na lang ngumiti at baka di kayanin ng energy ko e mapaiyak na naman ako. I'm such a crybaby! -.-

Pumunta na kame sa isang shop para maghanap ng frame..

"Anong size ba nung picture Frances?" Tanong ko sa kanya..

"I don't know. Here.. " Ibinigay nya sa akin ang picture.. Parang gusto kong magdisappear. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Halo halo. Pero ang nangingibabaw, e yung sakit............

________________________________________________________________________________

Bukas na ulit ang updaaaaaaaaate! :)

Love = PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon