10

132 1 0
                                    

Readers! Ishare nyo naman to. :) Please. :))

________________________________________________________________________________

CHAPTER 10

"Sorry na nga e! To naman. Halika na. Itatayo na kita." Hinawakan nya ang kamay at tinulungan nya ako makatayo..

"Kaya mo ba?" Tanong sakin ni Chase. Nahalata nya yata na sobra akong nasaktan sa pagkabagsak ko. Kaya binuhat nya ako. Ang tamiiiiiis naman! Syet lang! Sarap naman oh! :))

Nakatingin lang ako sa kanya habang buhat buhat nya ako hanggang sa loob ng kwarto ko. Ang bango parin ng lokong to kahit naarawan na. :") Namumula na yata ang pisngi ko. Nakakakilig naman kase talaga. :")

Ibinaba nya na ako at iniupo sa kama ko. Na-out of balance sya kaya medyo napalapit sya sakin. Sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko. Ang bilis ng tibok ng dibdib ko. Parang konti na lang lalabas na yung puso ko e. Nakatitig lang sa kami sa isa't isa.

Nakatitig din sya. Grabehan!! Baka halikan ako neto ah! Cali wag kang assuming.. Makapal din mukha mo e! Hopia ka na naman. (u.u)

"A-ahmm, sige panget Ariel. Goodnight." Sabay layo at iwas nya sakin..

Totoo ba ang nakita ko? Namula sya?! O baka malabo na lang ang mata ko kasi gabi na? Hindi! Namula sya! *.*

"O sige. Thanks pogi. Goodnight din." Ang awkward. Ano bang nangyayare ngayong araw na to?! Masyadong nakakatense! Hahahahahaha!

...

...

...

Alas dos na ng madaling araw pero d pa ako makatulog. Kanina ko pa tinatawagan si DM pero di nya sinasagot. Baka tulog na ang baklang yun. Waaaaaaaaaah! Anong gagawin ko?! Ayoko naman lumabas at tumambay sa kubo kase ang dilim. :(

Di ko na talaga to kaya. Tumayo ako at lumabas sa kwarto ko. Nagtungo ako sa hrap ng pinto ni Chase at kumatok..

Toktoktok!

"Chaaaaaaaaaase.."

Kumatok ulit ako..

Toktoktok!

"Aray! Ang tigas naman ng kamao mo Cali! Si pacman ka ba? (-.-)" Noo na pala ni Chase ang kinakatok ko..

"Ay! Hahahahahaha! Sorry naman!"

"Ano bang ginagawa mo? Madaling araw na nambubulabog ka pa. Miss mo na kagad ako?!"

"Pwede bang ikiskis mo sa semento yang pagmumukha mo? Ang kapal e!" Akmang sasaraduhan na ni Chase ang pinto pero napigilan ko...

"Saglit namaaaan! Kase.... Kase ano..."

"Ano nga??"

"Hindi kase ako makatulog e.."

"Anong gusto mo gawin ko? Ipaghele kita?!" Hinampas ko si Chase!

"Tse!! Hele your face! Naman to! Makipag-usap ka naman ng maayos! (-.-)"

"Aray!! E ano nga??"

"Inom tayo. :D Pampaantok lang.. Pleeeaassee?????"

"Anong inumin natin? Yung Vodka at Tequila nasa fridge sa kwarto nina mama.."

"May dala akong Spirytus Rektyfikowany. Hahahahahahaha!"

"Cali Marika Azores!! Bakit yan ang dinala mo?! Di mo ba alam na yan ang 2nd most alcoholic drink?! That's 95% asdfgjdkwjqryebvfhuuncu...." Tinakpan ko bunganga ni Chase.

"Wag ka naman sumigaw! Hahahahah! It's 95% alcohol. So?? Hindi naman natin uubusin e. Sige na! Para dalawin ako ng antok."

"Sus! Suntukin na lang kita para tulog ka kagad! Hahahahaha!" Puro kalokohan talaga to kahit kelan. :/

"Kung ikaw kaya ang suntukin ko?! Sige na ha?! Kukunin ko na. Punta ka na sa kubo!"

"Aba. Cali ha! Prang pinipick up mo ako nyan! Hahahahahaha! Mahal ako!"

"Puro ka talaga kalokohan! Sige na! Pumunta ka na don! Magdala ka na din ng juice baka di ko kayanin. Hahahahaha! Tsaka ng chips!"

Lumabas ako galing sa kwarto ko dala dala ang Spirytus..

"Game??!" Tanong sakin ni Chase..

1st shot..

2nd shot..

3rd, 4rth, 5th shot..

Medyo masakit na ulo ko at nahihilo na din ako..

"Ayoko na pogi.." Sabay punas ko sa dumi sa mukha ko..

"Paanim pa lang to ah. Kala ko a gusto mo nito? Sige na!! Last na! Mayabang ka e! Hahahahaha!" May tama na yata tong baliw na to.

"Ayoko na nga! Nahihilo na ako at sumasakit na ang ulo ko kaya mamatulog na ako. Bye!"      

Tumayo na ako. Bahala sya kung ayaw pa nya matulog. Basta ako gogora na! Nakakadalawang hakbang pa lang ako ng biglang na-out of balance ako at bago pa ako matumba, at mabilis akong naalalayan ni Chase at sa pangatlong pagkakataon ay nagkatitigan na naman kame. Kakaiba na to. Kakaiba na nga ba o baka naman nahihilo na ako?

________________________________________________________________________________

Dapat kahapon pa to e. Di ko pala naclick yung save & publish. -.- Katangahan ko rn e! :))))

Love = PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon