CHAPTER10 [ The poison kiss ]

218 10 6
                                    

2 days later**

"Blassie!" nilingon ko si Frost. Sya lang naman ang tumatawag sakin ng Blassie eh. Pagkatapos ng insidente sa restaurant ay naging maayos na ulit ang lahat.

"Yep?" I asked nung nasabayan na nya ako sa paglalakad ko. As usual, hinahabol na naman kami ng tingin ng mga stupidents sa corridor. Parang mga tanga, hindi naman ito tambayan pero bakit feel na feel nilang magpakalat kalat dito. Sarap tirisin.

"Here's your academy phone, galing yan sa Naraku Palace." then nagwink sya sakin at nilagay sa palad ko yung phone. Hindi pala bawal dito ang phone... yun nga lang, may sarili silang phone.

Okay rin. Parang Iphone 5 pero Seafire ang tatak.

Bakit seafire? Dagat ng apoy...

Hell.... Naraku... tsss! Impyerno yun eh! Sinilid ko na lang yun sa bulsa nung skirt ko.

"Unlike your ordinary phone, hindi kelangan ng load nyan para makapagtext at call. May GPS din yan para madali malocate ang location ng bawat isa. Protektado rin ng magnetic shield ang may hawak nyan. Galing no?" nakangising sabi ni Frost.

I rolled my eyes on him. I dont need that magnetic shield he's blabbering about, I can always nullify any attack.

"Hey!" I yelled nung bigla nyang kurutin ang pisngi ko. Hmp! Hindi ba nya ramdam na galit ako sa kanya?!

"Hmm... why are you mad at me hmm?" malambing nitong tanong at kinabig ako palapit sa kanya. hmp! Insensitive.

"Wag mo nga akong hawakan!" then itinulak ko sya palayo.

"Bitch!" I heared some slut hissed.

Hindi ko na lang sya inintindi. Epal sya.

"Watch your words bitch." natameme ako nung biglang sabihin yun ni Frost dun sa babae. Seryosong seryoso ang mukha nito habang mukha namang constipated yung girl.

Sumimangot na lang ako at iniwan sya dun. Walk out ang peg ko. Arte ba? Paki mo?

Okay fine! Naasar ako sa kanya kasi nakita ko syang nakikipaglandian kaninang umaga sa cafeteria. Kapal ng mukha. Matapos nya akong landiin, lalandi rin sya sa iba?! Can't he see that what's mine is mine?! Badtrip talaga!

"Hey!" inalis ko yung kamay nya sa balikat ko at muling hinarap sya.

"Frost listen here cause im not gonna repeat this again. Kung ako gusto mo, AKO LANG! kasi sakin, IKAW LANG!" singhal ko sa kanya.

Many stupidents gape at us, particularly at me. Ngayon lang nakakita ng babaeng nagconfess.

"T-That... was.... WOW. you like me?!" gulat na gulat na tanong ni Frost.

At hindi lang sya insensitive, bingi pa!

"Sasapakin kita dyan eh!" singhal ko ulit sa kanya. Ngumisi naman sya sakin.

"Gusto kita Blassie and now that's the feeling is mutual, I guess..." hindi pa nya tapos ang sentence nya ay sinalakay na nya ang labi ko.

Nanlalaki ang mga mata ko habang nakalapat ang mga labi ni Frost sa labi ko. I trembled when I saw something wicked in his eyes.

Those eyes.... same with that of my evil stepmother.

Nung lumayo sya sakin ay nakangisi sya ng malademonyo.

"And that's how you do it. Napakatanga mo talaga."

Hindi ko magawang magsalita dahil sa sakit na unti unting lumulukob sa buong pagkatao ko.

Nilingon ko ang paligid. Nawala ang mga estudyante. Wala kami sa school. Para akong nasa..... blackhole. Nasa mundo ng kawalan.

"Ang bilis mong magtiwala Blass, nalinlang kita." habang sinasabi yun ni Frost ay unti unting nagbago yung anyo nya.

"V-Victoria...." gimbal kong sabi.

Si Frost at Victoria ay iisa?!

"I told yah, mabilis malilinlang yang babaeng yan."

"Youre right sis!" at nag high five ang dalawang babae na bigla na lang sumulpot sa gilid ni Victoria.

Lalo akong nagimbal dahil yun ay sina Vicky at Victoria Hapkins. (refer to chapter 4)

"W-what's the..." hindi ko na naituloy yung sentence ko dahil may lumabas na dugo mula sa bibig ko. Tinakpan ko yung bibig ko at umubo. Nung sulyapan ko ang palad ko, puro dugo yun.

Napaluhod ako sa lupa dahil sa sobrang panlalambot ko.

"Mga anak nya kami. Hi there stepsis!" nakangising sabi ni Vicky.

Nanlalabo na ang paningin ko pero tumayo pa rin ako. Gaganti ako sa inyo!

"P-Pain..." mahina kong sabi habang pilit nilalabanan ang sakit sa bumabalot sa katawan ko.

"Arrgh!"

"Vicky!" tili ni Victoria Hapkins at dinaluhan si Vicky na saklot ang dibdib.

"Walanghiya ka! Mamatay ka na! unti unti ng kumakalat ang lason sa katawan mo! Mamamatay ka na!" galit na sabi sakin ni Victoria, yung stepmom ko. Hindi ko alam kung bakit magkagaya sila ng pangalan.

"Walanghiya ka V-Victoria!" hirap kong sabi habang patuloy na umuubo ng dugo.

Nilason nya ako sa pamamagitan ng halik!

"D-Die! V-Vicky! D-Die!" sigaw ko ulit kahit hirap na hirap na ako.

"VICKY!!!! WALANGHIYA KA!" tili ulit ni Victoria Hapkins nung walang buhay na bumagsak si Vicky. Bigla na lang may pumulupot na buhok sa leeg ko.

Si Victoria Hapkins...

Ang S.A nya ay ang Hair control.

"A-Ackkk...." She's choking me..

"Hindi talaga ako si Victoria, Blass. Ang totoo kong pangalan ay Melinda." nakangising demonyo si Auntie Victoria *note the sarcasm*

"A-acckk... Pain!" I shrieked with all my strength. Maya maya pa ay nawala ang buhok ni Victoria Hapkins sa leeg ko. Napahiga ito sa lupa habang nakadaklot sa dibdib.

"Demonyo ka! Anong ginawa mo sa mga anak ko!" Galit na galit na sumugod sakin si Victoria a.k.a melinda at hinawakan ang leeg ko.

She's strangling me pero nagawa ko pa syang ngisian.

"G-Ganan din ang mangyayari sayo!" then I spit at her face. Lalo itong nagalit at itinaas ako sa ere.

Nanlalabo na ang paningin ko. Hindi ko na kayang gamitin ang S.A ko dahil ubos na ang lakas ko.

Suko na ako. Bumalik lahat sa isip ko yung mga pangyayari dati sa buhay ko. Hindi ako naging mabuting anak. Hindi rin ako naging mabuti kahit kanino.

Tumitigil na pagtibok ang puso ko.

Pagod na rin akong huminga.

Sana dumating sya...

Sana...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Naraku high (Hell Academy) *HIATUS*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon