Chapter 2 Part 2

320 15 0
                                    

PANAY ang hikab ni Steph habang nakaupo sa lilim ng puno at nakaharap sa bukas na laptop niya. Hindi naman dahil inaantok siya. More like nababagot. Sa kuwentong ginagawa niya.

Excited siya sa sasalihang contest. Ka-career-in niya talaga iyon at ngayon ang pangatlong araw na nakatambay siya sa lilim ng paborito niyang puno habang naghihintay ng next class niya. Ginugugol niya ang oras sa pagsusulat ng kuwentong ipapasa niya. Kaya lang...ang pangit yata ng nagawa niya. Kahit kasi siya, hindi natutuwang basahin iyon. Inaantok nga siya, di ba?

"Huuuy!" May tumapik sa likod niya. Ang lakas. Muntik tuloy siyang mapasubsob sa screen ng laptop niya.

"Babaaan mo ang energy level mo. Nakakasakit," saway niya sa dumating, ang kaibigan niyang si Betsy.

"Oh, sorry. Anyway, ano 'yan?" Sumilip ito sa screen, binasa ang isinulat niya. "Ah, iyong ipapasa mo?"

"Mismo. Kaya lang...di 'ata keri ng powers ko. Tignan mo naman..." Sa screen ng laptop siya sumulyap. "Ang pangit."

Hindi siya kinontra ni Betsy. Ibig sabihin, pangit nga? Nilingon niya ang kaibigan. Nakangiwi ito. Hala, pangit talaga!

"Hindi sa pangit na pangit. Matabang lang. Parang...may kulang."

Iyon nga rin mismo ang iniisip ni Steph. Pero ano ang kulang?

"Konting effort pa. I'm sure magagawa mo rin 'yan. Go lang ng go. You gotta have a dream, right. Kasi kung wala kang dream, wala kang goal. At kung wala kang goal..."

Blah, blah, blah... Iyon na lang ang dating kay Steph ng pinagsasasabi ni Betsy. Naririnig niya ang boses nito pero ang sinasabi, hindi na niya maintindihan. Nahigop na kasi ang buong atensiyon niya, pati yata lakas, ng pagdaan ng isang nilalang sa tabi niya. A majestic creature named Dalton. Wala ibang puwedeng magpabilis ng lukso ng dugo niya kung hindi ito. Eye candy na hindi nakaka-diabetes ang lalaki.

Haaay... She could only sigh to herself. Ang guwapo naman kasi.

He glanced at her then smiled a little. A smile that is almost like a sneer. Pero cute pa rin dahil ito ang gumawa.

"Gumising ka, luka-luka." Hinampas siya ni Betsy. "Wala kang pag-asa sa isang iyon. Iyong pila ng mga nagpapa-cute sa kanya, nandoon na sa bandang Montalban, Rizal."

Alam iyon ni Steph. At wala siyang paki. Libre naman ang mangarap, right? And in her dreams, in her ultra-mega wildest fantasies, Dalton would realize what a unique, okay, kinda weird, but also lovable girl she is. In fact, iyong mismong ka-weird-uhan niya ang magiging daan para ma-in-love ito sa kanya. He would see that she is so different from the other girls vying for his attention. She would be like a breath of fresh air for him and...

"Gaming convention. Ang lupit ng mga games..." Nagising siya sa masarap na panaginip nang marinig ang boses ni Dalton. May nakasalubong pala ito, isang kakilala, at nag-uusap ang mga ito. Oo nga pala, hayok daw sa games ang crush ng madla, ayon kay Betsy.

"Iyong mga virtual reality games, grabe! Para ka talagang nasa ibang mundo. I tried this thing that na parang Jurassic park iyong theme. Pakiramdam ko kakainin na ako nung T-rex. Ibang klase!" Halatang excited si Dalton.

Wait lang ha. Sa bibihirang pagkakataon ay turbo-charge ang speed ng pag-andar ng brain cells ni Steph.

Ang tanga ko! Isip siya ng isip kung paano siya mapapansin ni Dalton, wala na nga siyang maaninag na pag-asa na mangyayari iyon, pero iyong paraan para madiskubre nito na tao siya at hindi puno, nasa ilalim na mismo ng ilong niya. Rather, nasa pamamahay nila. Ang susi para matupad ang pangarap niyang ma-realize ni Dalton na siya ang namumurong love of his life ay walang iba kung hindi si Chester.

Love In A Game By: Kayla Caliente (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon