Chapter 8

188 11 0
                                    

BALIK na sa dati ang mga buhay nila. Inasahan ni Steph na ipagkakalat ni Dalton ang nangyari rito. Ito pa ba ang makakatiis? Ultimate game ang nasuungan nito kaya paano ito mananahimik? Pero ganoon nga ang ginawa nito. Alam niya dahil walang nangulit sa kanila. Walang nag-usisa, walang nag-interview. Nagulat siya. Mas lalo siyang nagugulat sa mga ikinikilos ng lalaki. Lagi kasi itong nakabuntot sa kanya. Hindi pa nangyari ang ganoon sa tanang buhay niya. Wala pang lalaking nagkumahog na bumuntot sa kanya, lalo iyong mga kasing lebel ni Dalton.

"O, paano ba, Steph, nandiyan na naman ang admirer mo. Babu na muna," sabi ni Betsy nang paglabas nila ng classroom ay madatnan sa corridor si Dalton.

"Hindi na. I mean, may lakad tayo, right," aniya.

"Ha?" Napatanga pa si Betsy. Nag-loading ang utak saka... "Ah, oo nga pala. Tara na."

"Sorry, Dalton, busy kami," sabi pa ni Wella sa lalaki.

"Baka puwedeng sumama," ani Dalton.

"Hindi 'no. Pang-girls lang 'tong lakad namin," tanggi ni Betsy.

"Saan ba kayo pupunta kasi?" giit ng lalaki.

"Sa beer house. Joke. Basta," sabi naman ni Cindy.

"Sige na naman, pasali," giit ni Dalton.

"Utang ng loob kausapin mo na ang isang iyon. Medyo masarap na siyang batuhin ng kabute eh," bulong ni Wella.

"Okay fine." Naisip ni Steph na mas mabuti nga sigurong linawin na niya ang lahat sa lalaki. Haba ng hair niya, oo. Masarap din naman palang habul-habulin ng isang kagaya ni Dalton. But her heart is so not into it anymore. Hindi na si Dalton ang gusto niyang humabol-habol sa kanya. Ang masaklap, iba ang hinahabol nung taong gusto niya. Hindi na pala hinahabol, mukhang nagpahuli na. Natigilan siya nang maalala ang nasilip niyang eksena sa kuwarto ng bagong crush niya.

"This is uber cool. Galing mo talaga, Chester. Nakaka-bilib kang lalo. Oh my kiliiig!" Isinandal pa ni Corinne ang ulo sa balikat ng lalaki.

Steph tried counting up to ten to get over the anger that flooded her whole being. Sarap mong sabunutan, sis! Naghimagsik ng bonggang-bongga ang kalooban niya.

Pero ano nga ba ang K niyang magmarakulyo? Ganoon talaga ang mundo, di ba? You win some, you lose some. Sa kaso nga lang niya, laging lose some ang nangyayari sa kanya.

Pabebe ang gimmick niya kaya papunta sana siya sa kuwarto ng lalaki. Magpapaturo kunwari siya. Kaso ay may nauna na palang nakaisip na magpa-bebe rito. At sure niya, mas enjoy si Chester sa nagpapa-cute dito kesa kung siya ang dumating. Kaya kimkim ang sama ng loob, umatras na lang siya...

"Ano na, Dalton? May importante kang pakay?" Hinarap niya ang lalaki.

"Uhhh..." Napakamot ito ng ulo. "Yayayain lang kitang...mag-snack?" Tumingin ito sa kanya ng pailalim. Pa-cute look.

So not effective. At least not when it comes to her. Ganoon pa man, ngumiti si Steph saka hinaplos ang pisngi nito.

"Thanks for the offer pero okay naman ako. Not hungry."

"Samahan mo naman ako. I mean, alam mo bang ang hirap ng ganito. Iyong...iyong may experience ka na hindi mo mai-share sa iba kahit pa gustong-gusto mo kasi...malamang isipin nila na nababaliw ka."

That got her attention...and her sympathy. Kinausap na rin siya ng daddy niya, sila ni Chester. Naniniwala naman daw ito sa sinasabi nila na nangyari. Mahirap na hindi iyon paniwalaan dahil napapanood sa computer screen ang mga iyon. Pero ayon dito, pag-isipan daw nila kung gusto nilang i-share sa iba ang karanasan nila.

Si Steph, ayaw. Bukod sa puwedeng walang maniwala, baka nga pagdudahan pa siya na may maluwag na turnilyo, she just doesn't want the hassle of being asked so many questions. Ganoon din ang sentimiyento ni Chester. Kaya pareho sila ng pasya. Sarilinin na lang ang nangyari. So what kung hindi niya iyon maikuwento. Ang importante, alam niya na ag ganoon kapantastikong pangyayari ay tutoong naganap. She experienced it and it did something to change her sense of self. Mukhang si Dalton ay katulad din ng sa kanila ni Chester ang naging desisyon, ang manahimik na lang.

"Halika na nga," sabi niya rito. "Girls, kita-kits na lang bukas."

Makahulugang ngiti ang lumabas sa labi ng mapang-intriga niyang mga kaibigan at parang pareho pang kinikilig ang mga ito nang iwan siya.


Love In A Game By: Kayla Caliente (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon