Chapter 6

216 9 0
                                    

PANIC din ang naramdaman ni Steph pagdating nila ni Chester sa kinaroroonan ni Dalton. Hindi na kasi ito nag-iisa. May palapit dito, isang pigurang nakabalot ng banig.

Natulala siya. Banig? What the hell...

May naalala si Steph, iyong nabasa niya ang tungkol sa nilalang na iyon.

"Pasatsat," usal niya. "Iyon ang tawag diyan." Ito ay kaluluwa umano ng mga taong namatay noong panahon ng Hapon.

Sa hirap ng buhay nang mga panahong iyon, iyong mga walang pambili ng kabaong ay ibinabalot na lang sa banig ang kanilang yumao. May mga pagkakataon din daw na dala ng pangangailangan ay hindi na sa sementeryo inililibing ang mga namatay. Posibleng iyon ang dahilan kung bakit hindi matahimik ang mga ito. Ang pasatsat ay nagmula sa salitang satsat ng mga Pangasinense, na ang ibig sabihin ay saksakin.

Hindi na siya nag-abalang magpaliwanag ng dapat gawin. Natandaan niya kung paano pinupuksa umano ang pasatsat. Kailangang saksakin ang pigurang nababalot ng banig. Nagawa naman niya bago pa masukol nito si Dalton na napasiksik na sa isang sulok ng silid.

"For a non-gamer, you're doing well. Fast learner ka pala," sabi ni Chester.

"Kailangan eh. Ayokong ma-game over," humihingal niyang sagot. Nakakahingal ang matakot...pero mas lalo ang makarinig ng papuri galing sa lalaking ito.

"Thanks for that." Humihingal din si Dalton. "Y-yeah, fast learner ka nga. You just saved my butt. Pero teka, di ba dapat alam mo iyon?" baling nito kay Chester. "You made this game for crying out loud."

"Kagaya ng sinabi ko kay Steph, may ka-collaboration ako sa pagbuo nito kaya may mga aspeto na hindi ko kabisado. He was supposed to send me the revisions he did pero hindi ko pa nakukuha."

"Eh di wow!" sabi ni Dalton, halatang naiinis. "How are we supposed to get out of here kung..."

"This is the ultimate game, Dalton," sabad ni Steph. "Laruin mo na lang. Natin. Sa pinaka-best na makakaya natin. Wala naman tayong choice, di ba?"

Marahas na bumuga ng hangin ang lalaki. Mukhang bad trip pa rin.

"I...guess so." Sa wakas ay sabi nito.

"All for one..." Inilahad ni Steph ang kamay niya, parang maglalaro ng maalis-taya.

"One for all." Ipinatong ni Chester ang kamay nito sa kanya. Medyo nakuryente siya pero pinigilan niya ang mapakislot.

Gumaya naman dito si Dalton.

"Lets...fight!" sabay-sabay nilang sigaw.

And fight they did. Ewan kung nabulabog ng sigaw nila ang mga maligno, kaluluwa, impakto at kung ano-ano pa. Nagsunod-sunod, nagsabay-sabay pa nga, ang dating ng mga iyon.

They formed a circle. Nakatalikod sila sa bawat isa para bawat anggulo ng silid ay nakikita nila. At gamit ang lahat ng sandatang nasa kanila ay ginawa nila ang lahat para mapuksa ang mga umaatake sa kanila.

Steph had a lot of inputs. Ngayong alam na niya na base sa kuwento niya ang game ay may ideya siya sa ilan sa posibleng makakalaban nila. Dahil sa research niya ay marami siyang alam kung paano pupuksain ang mga kalaban. Nagiging problema lang kung wala sa gamit nila ang ispesipikong pangontra sa mga iyon. But they made do with what they have. Until finally, the attack wave is over. Naubos na rin sa wakas ang mga umaatake sa kanila. Humihingal silang napasandal sa isa't isa.

"Good work, guys," usal ni Dalton. "Uh, may girl nga pala." Nakangiti itong bumaling sa kanya.

Napangiti rin si Steph. May satispaksiyong hatid sa kanya ang kaalamang nakatulong siya ng malaki sa mga kasama niya. Na hindi siya pabigat sa mga ito sa kabila ng katotohanang wala siyang masyadong alam sa paglalaro ng games na kinahuhumalingan ng mga ito.

"She saved the day," hayag ni Chester na kung makatingin sa kanya ay para ba siyang anghel na isinugo ng langit.

"That, she did," ayon ni Dalton. Tumingin din ito sa kanya and she saw admiration in his eyes.

Wait! What? Admiration? Weh! Pero oo, may kinang ng paghanga sa mga mata nito.

"You're not so bad after all," sabi pa nito.

"T-thanks," tanging naisagot niya. Nalilito kasi siya. Di ba dapat ay iyon ang punto kung saan sumisipa na paitaas ang heartbeat niya? Hindi lang siya pinuri ni Dalton. Tinitignan pa siya nito na para bang may nakikita itong bago sa itsura niya. Pero nanatiling patag ang heart rate niya. Pababa na nga ang bilis niyon dahil tapos na ang pakikipagbakbakan nila.

Ang mas gusto niyang makita ay ang itsura ni Chester. Kaso ay...wala na ito.

"Nasaan si Chester?" Nag-alala agad siya. Habang nakikipagnitian ba siya kay Dalton ay nilamon ng maligno ang kasama nila?

"He went out. Nag-excuse me nga eh. Di mo narinig?"

Ba't nga ba hindi niya narinig? Ah, busy yata siya kaka-analyze sa nararamdaman niya. And she is coming to the conclusion that Dalton is quickly slipping out of her radar. Mabilis na itong nawawala sa kategoryang ulimate crush niya. Napapalitan na?

Yiiiii! Nakakainis na bigla-bigla siyang inaatake ng kilig. Hindi pa naman siya sanay kaya nakakapanibago talaga. Sa ilang beses na nangyari iyon ay iisa ang rason. Si Chester, si Chester, si Chester.

Para nga siyang drug user ngayon na nahahayok sa paborito niyang droga kung hanapin ng paningin niya ang lalaki.

"Excuse me rin." Iniwan na muna niya si Dalton.

Sa dulo ng pasilyo ay may natanaw siyang pigura. Sana lang ay si Chester iyon at hindi kung anong maligno. Maingat itong nilapitan ni Steph. Mukhang ang lalaki nga ito. He stood by an open window silhouetted by the moonlight.

"Chester..."

He half-turned to her when she called his name. Kalahati ng mukha nito ang natatabingan ng anino pero sapat pa rin ang liwanag para makilala niya ito...at mapatulala na naman dito. Ano ba naman ang puso niya? Napakasalawahan. Noong isang araw lang maihi-ihi siya sa ideyang mai-impress niya si Dalton. Tapos ngayon, may pumitik lang, si Chester na ang pinagdidiskitahan niya?

Love In A Game By: Kayla Caliente (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon