Chapter 10

823 19 10
                                    

BIGLANG sumindi ang ilaw. Si Corinne muna ang nakita niya nang pumihit siya paharap sa kinaroroonan ng switch. Nasa likod niya ito. Ito ang pumindot sa light switch. Ang pigurang nasumpungan niya sa kusina ay bumaling sa kanila. Si Chester. Mukhang hindi lang si Steph ang inatake ng gutom sa kailaliman ng gabi. Hayun kasi ang lalaki, abala sa pag-raid sa ref. Nakalabas na na sa counter ang palaman pati na rin ang bote ng juice.

"Hungry, Chester?" Si Corinne ang nagsalita.

"Ah, eh, k-kuwan..." Bakit parang hirap na hirap itong sagutin ang tanong ng kapatid niya?

"A-actually, b-balak kong gisingin si...siya." Tumingin ito sa kanya. "Hindi kasi siya kumain kanina. Eh gutumin kaya 'yan."

Alam iyon ng lalaki? Siya nga hindi niya gaanong napapansin na mabilis siyang gutumin.

"Okay, kayo na ang bahala dito. Akala ko lang kasi naglalakad ng gising 'tong kapatid ko kaya sinundan ko," nakangising sabi ni Corinne. "'Night." Iniwan na sila nito.

"Kain?" sabi ni Chester.

Naglaho bigla ang gutom ni Steph. Naunahan na kasi iyon ng panghihinayang. Chester is a feast for the eyes but he is not for her.

"J-juice lang," aniya.

Nagsalin ito ng inumin sa baso saka iniabot iyon sa kanya. Inisang-lagok iyon ni Steph saka siya umakmang aalis na.

"Uh, k-kung okay lang sa 'yo uhm, may...may gusto sana akong ipakita sa iyo." Pinigilan siya ng pagsasalita ni Chester.

"Ipakita? Ano?"

"Nandoon sa room ko."

Sasama ba siya? Mas gusto niyang lumayo na lang dito. Magpakalayo-layo. Para hindi na niya ito nakikita at hindi naaalog-alog ang puso niya. Pero may pasaway na bahagi pa rin ang pagkatao niya at iyon ang nambubuyo sa kanya na samantalahin ang pagkakataong makapiling ito. Kahit sandali lang.

Just this one last time. Bumigay siya.

"Ano na naman 'yan?" bulalas niya pagdating nila sa kuwarto ng lalaki at iabot nito sa kanya iyong gaming glasses na ginamit nila dati. Napaatras siya palayo sa iniaabot nito sa kanya.

"Huwag kang mag-alala, hindi na mahihigop ang diwa natin papunta kung saan. This is just an ordinary VR program. Hindi rin ito game kaya walang peligro."

"Eh ano'ng nandiyan?" Duda siya.

"Secret."

Nag-atubili siya.

"Please..."

"Okay fine." Isinalpak na niya sa mga mata iyong salamin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love In A Game By: Kayla Caliente (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon