Chapter 9

230 9 0
                                    

INABALA na lang ni Steph ang sarili sa pag-polish sa isu-submit niyang short story base na rin sa mga comments ng adviser nila. Kakapindot pa lang niya ng SAVE icon nang may kumatok sa pinto ng kuwarto niya.

"Busy?" Si Corinne.

"Medyo," sagot niya. Meaning, ayaw muna kitang makausap. Baka masabunutan kasi kita.

Nagpaka-clueless ang kapatid niya. Pumasok pa rin ito.

"How's the story coming along?"

Nagulat si Steph na alam ni Corinne ang tungkol doon. Hindi niya iyon binanggit dito.

"Chester told me."

That figures. Ganoon na nga pala ka-close ang mga ito.

"Sabi rin niya na maganda iyong kuwento. Buti pa siya nabasa na niya."

"Pinakilaman niya ng walang paalam ko." Gusto niyang mangagat sa sama ng loob. Naalala niya kasi kung gaano siya kasaya nang sabihin ng lalaki na may talent siya sa pagsusulat. Hindi na siya masaya ngayon.

"Can I see it?"

"NO!" Mabilis, maigting ang pagtanggi ni Steph.

"Bakit?" Parang nasaktan ang kapatid niya.

"Pupulaan mo lang."

"Of course not."

"Huwag na kasi. I'm sure may makikita kang hindi maganda doon. Imposible kasing maging kasing galing mo 'ko eh. Ninyo ni Chester."

"Steph, ano 'yan?" Sa pagkakataong iyon ay parang nagulat naman si Corinne.

"Wala lang."

"Steph..."

"Ate, ikaw na ang magaling. Sa lahat. Ikaw na rin ang pinagpala. Tanggap ko naman iyon. Sa mata ng lahat, especially kay daddy, perpekto ka. Iyo na ang korona at ako, pabayaan mo na lang sa madilim na mundo ko. I do like the darkness, you know. Masyado kasing nakakasilaw ang liwanag mo." Syet lang! Nakakainis na napapaiyak pa siya. Hugot lines pa more ang drama niya kahit pa ayaw sana niyang mag-drama.

"I'm sorry kung ganoon ang pakiramdam mo. Pero ito ang sasabihin ko sa iyo, Steph. Hindi ako perpekto. Far from it. Isa lang akong ordinaryong tao na pinipilit gawin ang sa tingin ko eh kailangan."

Napatingin siya sa kapatid. Bakit parang...gumaralgal ang tinig nito?

"Tingin mo pala ako ang pinagpala. That I have everything? Naisip mo rin ba na pati iyong responsibilidad pasan ko rin? I mean, after mom died, I felt I had to exert double effort to make sure that I can give dad the help he needs in raising a family. Kahit kasi konti lang ang agwat ng age natin, ako pa rin ang panganay kaya natural siguro na sa 'kin mailipat iyong mga responsibilities na si mommy nagdadala dati. I couldn't fool around like other kids. I had to be the mature one. At okay din lang naman. But it's not as rosy as you think it is. Sorry kung naiparamdam ko sa iyo na...na inferior ka. Hindi ko naman iniisip iyon dahil hindi iyon tutoo. Iba lang siguro ang galing mo. May ibang talents ka. Kagaya na lang ng pagsusulat. Panay ang puri ni Chester sa gawa mo."

Hindi siya agad makakibo. Na-guilty kasi siya sa pinagsasabi niya rito. Oo nga naman, mukhang mas matindi ang pressure dito na magpakatino. Na maging the best. Dahil ito ang panganay at iniatang nito sa sarili ang pag-ako ng responsibilidad. Nakakahiya naman. She resented her sister. Nainggit pa siya rito. Imbes na tulungan ito, naging pasaway pa siya.

"I'm sorry, ate," nausal ni Steph. "I mean, for everything."

"Wala iyon. Ang importante naman, kapag nagkamali, dapat may matutunan. At hindi na uulitin iyong kaparehong pagkakamali, right?" anito.

"Ang galing mo talaga," sagot niya.

"Of course," ayon nito pero himig nagbibiro ito. "Nga pala, about Chester..."

Ah, teka lang ha. Hindi pa 'ko ready na makinig diyan. Baka hindi niya maitago ang sama ng loob sa pagkukuwento ng ate niya na boyfriend na nito ang lalaki.

Love In A Game By: Kayla Caliente (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon