Ang Sikat kong Bestfriend # 1

76.9K 978 85
                                    

Saging's Note:

I dedicate this story kay Ate Denny dahil siya yung una kong naging idol dito sa wattpad. Yung story niya na "That Girl" ang unang story na natapos kong basahin dito sa wattpad at dahil sa story na 'yon na inspire ako na magsulat din ng story. Kung hindi dahil kay Ate Denny, hindi ako mahihilig sa pagbabasa at pagsusulat.

Chapter 1

ALISHA's POV

"Ang Gwapo niya!"

"Prince Daniel!"

"Andyan na si Prince Daniel!"

"Ang cute niya talaga."

"I love You! Prince Daniel!"

Nagsisigawan na naman ang karamihan sa mga estudyante dito sa Philip Academy dahil sa isang lalaking tinatawag nilang Prince Daniel, ang pinakasikat na lalaki sa paaralan.

"Bes? Alisha? Ano? Nakatulala ka na naman sakin," sabi ni Daniel.

Si Prince Daniel, siya ang bestfriend ko. Bes ang tawag namin sa isa't-isa at dahil sa pagkakaibigan namin maraming nagagalit sakin. Naiinggit kasi sila dahil ako ang bestfriend ni Daniel pero wala naman akong magagawa dahil sikat na sikat si Daniel sa school.

"Bes?! Huy!" sabi pa ni Daniel sabay tapik sa braso ko na ikinagulat ko naman. Ang lalim na naman kasi ng iniisip ko lalo na kapag kasama ko siya.

"Ha?!" sabi ko sabay kamot ko sa ulo na kunwari hindi alam ang nangyayari.

" Sabi ko ikuha mo ako ng tubig," utos niya. Nagulat naman ako sa sinabi niya at inuutusan niya na naman ako ngayon. Ako naman itong sunod-sunudan sa kanya. Wala naman akong magagawa dahil ayokong mahiwalay sa kanya.

Mahal ko siya.

Minamahal ko siya ng patago.

"Eto na," sabi ko sabay abot ko nang tubig sa kaniya ng makabalik ako.

"Thank you," sabi ni Daniel sabay ginulo niya yung buhok ko na dahilan para kiligin. Kahit sa maliliit na bagay na ganito, napapasaya niya ako ng hindi niya alam.

"Ang gwapo mo," Bigla ko na lang nasabi sa kanya.

Nawawala na naman ata ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para sabihin ang mga salitang 'yon. Ganito kasi talaga ako kapag kasama ko siya, parang laging lutang at kung anu-ano ang nasa isip.

"Bes, nakakahalata na ako sayo ha," pagkasabi niya nun ay bumalik ako sa reyalidad at sinabing, "Joke!" sabay dila ko sa kanya sabay tawa ko pa para hindi siya makahalata. Tumakbo agad ako papalayo. Kahit na hindi niya alam ang tunay kong nararamdaman sa kaniya, masaya ako. Sobrang saya ko dahil nakakasama ko siya.

Takbo lang ako ng takbo habang hinahabol naman ako ni Daniel. Para kaming mga bata sa ginagawa namin kaso naputol ang sandali kong kaligayahan ng mabangga ko si Natasha. Bakit sa kinadami-dami pa ng mabubunggo ko, si so-called Princess Natasha pa. Siya kasi ang pinaka sikat na babae sa school. Parang girl version ni Daniel. Siya naman ang babaeng kinababaliwan ng mga lalaki dito sa school namin.

"Bes? Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Daniel ng makatigil siya sa kaniyang pagtakbo.

"Oo, ayos lang ako," sagot ko sa kaniya sabay hawak sa ulo ko.

"Yuck! The weirdo!" maarteng sabi ni Natasha. Weirdo daw? Tapos sa harap ko pa talaga dapat sabihin? Hindi ko alam kung bakit ba siya sumikat, ang arte naman.

"Sorry ha," sabi ko kay Natasha. Wala na naman akong magagawa. Alangan namang ibalik ko 'yung oras.

"Sorry?! Ang bobo mo naman kasi!" pasigaw na sabi ni Natasha sa akin na sobrang ikinagulat ko. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao. Bakit kasi gustong gusto ni Natasha na gumawa ng eksena at gusto ata magpapansin sa buong eskwelahan. Hindi pa ba siya nakuntento na sikat na siya at kilala na siya ng lahat. Tsaka ano daw? Bobo daw ako? Buti na lang at marunong ako magpigil kundi baka nasapak ko na siya.

"Natasha, just forgive her. Talagang clumsy lang 'tong si Alisha," pagtatanggol sa akin ni Daniel. His really my knight in shining armor.

"Pagsabihan mo kasi 'yang kaibigan mo na mag-ingat naman," naiinis na sabi ni Natasha habang tinitignan ako na may pangdidiri sa bawat kurap ng mata niya.

Alam ko naman na kaya ganyan makatingin sakin si Natasha ay sa kadahilanang hindi talaga ako kaaya-aya tignan. Senior student na ako dito sa Philip Academy ngunit sa apat na taon kong pag-aaral dito, walang nagbabago sa itsura ko. Napakabaduy kong manamit at dagdagan mo pa na nakasalamin ako. Hindi din ako mahilig mag-ayos di katulad ng mga taong mahilig maglagay ng kolorete sa mukha.

"---kaya next time, mag-ingat ka naman! Bes? Hello? Hindi ka nanaman nakikinig sa akin? Alisha!" naririnig kong sabi ni Daniel at tama siya, hindi na naman ako nakikinig sa mga sinasabi niya.

"Ha? Anong sabi mo?" nagtataka kong tanong dahil dulo lang talaga ang naintindihan ko.

"Wala! Tsaka nagbell na, wala ka bang planong pumasok sa klase mo?" tanong niya sakin.

"Nagbell na?! Weh? Di nga? Bakit ikaw?" halata sa boses ko na hindi ako naniniwala dahil wala naman talaga ako naririnig na bell kaso parang totoo nga ang sinasabi niya dahil kakaunti na lang ang tao. Walang katapusan kasi ang paglalakbay ng utak ko at lagi akong nagdadaydream.

"Di ka talaga nakikinig," sabay batok niya sa ulo ko.

"Aray! Masakit yun." pagrereklamo ko.

"Ikaw kasi. Masakit ba?" tanong ni Daniel sabay hawak niya sa part ng ulo ko na binatukan niya. Eto na naman ang puso ko, tumatalon na naman sa saya.

"Ay! Hindi. Hindi masakit. Gusto mo try ko sayo?" sarcastic kong sagot.

"Hay nako! Pumasok ka na nga lang at mapapagalitan ka sigurado ng teacher mo ngayon," sabi ni Daniel.

"Bakit ikaw? Pagagalitan ka din ng teacher mo kasi wala ka pa."

"May basketball practice kasi ang team namin. Sinabi ko na kanina sayo diba? Hindi ka kasi nakikinig," pagpapaliwanag ni Daniel sakin.

"Alam ko na. Pwede bang isama mo na lang ako sa practice mo? Kaysa naman mapagalitan ako," sabi ko dahil tinatamad kasi ako magklase. Alam ko din naman na hindi ako mahihindian ni Daniel.

"Osige, pero halika muna," sabay hawak niya sa braso ko atsaka niya ako hinatak.

"Bes? Saan mo ako dadalhin?" nagtataka kong tanong.

"Basta," sagot niya.

"Wait bakit mo ako dadalhin sa classroom ko?" tanong ko. Akala ko ba isasama niya ako sa basketball practice niya?

"Basta, sumunod ka na lang," sabay hatak ulit niya. No choice naman ako dahil gusto niyang hilahin ako. Atsaka okey lang naman, siya naman ang humahawak ng kamay ko. Hi-hindi pa ba ko?

Saglit lang din kaming naglakad dahil malapit lapit lang naman ang classroom ko. Nang makarating kami sa tapat ng classroom, hindi na nagdalawang isip si Daniel na pumasok nang hindi man lang kumakatok. Lahat tuloy ng mga kaklase ko ay nagtinginan samin.

"Sir, pwede po bang maexcuse si Alisha sa klase niyo? Tutulong po kasi siya sa basketball team ngayon," pagpapaalam ni Daniel sa teacher ko sa math.

"Okey Mr. Adams, Ms. Garcia is excused," nakangiting sabi ni Sir Aguilar. Deep inside, masaya ako dahil takas ako ngayon sa math. Magdiwang tayo. Hephep! Hooray!

"Napakalandi talaga ng Alisha na 'yan."

"Siya yung nakabangga kanina kay Princess Natasha diba?"

"Ang cute talaga ni Prince Daniel."

"Yan yung si girl kanina."

"Yuck! Bakit sila magkaholding hands ng prince Daniel ko?!"

Nagbubulungan na naman ang mga inggetera at nakakainis na mga classmates ko. Siguradong may susugod na naman sa akin nito mamaya at sasabihing mang-aagaw ako. Kung alam lang nila, hindi ko nga inaangkin yang si Daniel kahit na mahal na mahal kosiya. Bakit ba kasi ganyan mga tao dito sa school na 'to? Kailan kaya magbabago ang ihip ng hangin ditto sa paaralan na 'to?

Ang Sikat kong Bestfriend [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon