Chapter 3
Tinitigan lang kaming dalawa ng masama ni Daniel. Hindi ko siya maintindihan. Kumukunot ang mga noo niya. Mukhang inis na inis siya sa nakikita niya pero wala namang kaming ginagawang masama. Nag uusap lang naman kami.
Biglang tumayo ang lalaking nasa tabi ko atsaka nagsalita, "Bakit Daniel? May masama bas a paglapit at pagkausap ko kay Alisha?" sabay ngisi nito.
"Ang sabi ko, layuan mo siya." Halatang halata talaga sa boses ni Daniel ang inis.
Bigla akong nakaramdam ng inis kay Daniel. Masaya ako. Masaya akong kausap ang lalaking nasa tabi ko. Wala naman sigurong masama sa pakikipagusap sa ibang tao. Ang tagal kong hinintay na may bagong tao na makikipagkaibigan sakin maliban sa bestfriend ko. Ang tagal kong hinintay na may bagong tao na hahayaan akong kilalanin na walang halong pangungutya sa panglabas na anyo ko.
" Panira ka naman pare." Sabi ng lalaki kay Daniel atsaka ito naglakad papalayo palabas ng gym. Sinundan ko ito ng tingin hanggang maglaho siiya sa paningin ko. Pagkasaradong pagkasarado ng pinto, tinitigan ko ng napakasama si Daniel.
Naiinis ako.
"Bakit Bes? Bakit parang napakasama naman ata ng tingin mo sakin?" tanong ni Daniel na parang nagtataka. Hindi ako umimik.
Bigla siya lumapit sakin at naupo sa bakanteng silya sa tabi ko. Nakatingin padin ako sa kaniya ng bigla niyang hawakan ang kanang kamay ko na dahilan para mapatingin ako sa malayo.
"Bes?" bulong niya.
Lumingon ako atsaka nagsalita, "Daniel bakit? Bakit mo siya pinallayo?" pataas ng pataas ang tono ng boses ko, "Daniel naman. Minsan na lang ako sumaya dahil may ibang kumausap sakin tapos paaalisin mo lang. Bakit Daniel? Bakit ka ba lagging wrong timing!"
Hindi siya sumagot bagkus ay hinigpitan lamang niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Agad ko namang hinatak ito papalayo sa kaniya atsaka nagmadaling tumayo para makaalis sa lugar na iyon.
Papalayo na ako sa pintuan ng gym ng may bigla tumawag sakin, "Alisha!" kaya napatalikod tuloy ako dahil alam kong hindi kay Daniel na boses ito.
Paglingon ko, tumambad sakin si ang lalaking kausap ko kanina. Para akong nahipnotismo ng makita ko siya. Bigla na lang akong natulala habang papalapit siya ng papalapit sa pwesto ko.
"Alisha?" sabay tapik niya sakin.
"Ha? Bakit?" sambit ko. Para akong nasa alapaap ngayon. Ako kasi 'yung tipo ng babae na hindi kinakausap ng mga lalaki. Kung kakausapin man nila ako, pangungutya at pangiinis ang nakukuha ko sa kanila kaya naman kakaiba ang nararamdaman ko ngayon sa pagkausap sakin ng lalaking ito.
"Tara, cutting tayo?" yaya niya sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya na tipong ayaw ko maniwala. Tama ba talaga ang naririnig ko?
Hindi naman sa pagmamayabang ngunit sa buong buhay ko, hindi ko pa naranasan ang magcutting. Bakit? Kasi mababa ang grades ko at bababa lalo ako kung sasama ako sa kaniya.
"Ano kasi baka buma---" hindi na niya pinatapos sasabihin ko at agad nagsalita, "Please, Alisha." sabi niya na may kasamang pagngiti.
"O-okay." sagot ko sa kaniya kahit na medyo nagaalangan pa ako sa desisyon ko. Alam kong mali pero gusto kong maranasan. Bigyan ko man lang ng kahit kaunting thrill ang buhay ko.
Nagulat ako bigla ng yakapin niya ako, "Salamat" sambit pa niya. Lumakas bigla ang tibok ng puso ko. Sa buong buhay ko, siya ang unang lalaki na yumakap sa akin maliban sa Daddy at kuya ko.
Nagmistulang time bomb ang puso ko na ilang segundo na lang ay maaari ng sumabog sa sobrang bilis ng pagtibok. Maya-maya lamang ay bumitaw na siya sa pagkakayakap atsaka ako hinila papunta sa may gate ng school.
Medyo bumagal ang paglalakad ko ng makita ko ang guard na nagbabantay ng gate.
"Is something wrong?" tanong niya sakin.
Tinuro ko ang guard house kung saan masarap na nakaupo ang tigapagbantay ng eskwelahan.
"I have an idea. Sa likod tayo dumaan."
"Ha?" pagtataka ko pero hindi siya umiimik at bigla na naman akong hinila papunta sa ibang direksyon.
Tama ba talaga ang narinig ko? Sa likod kami dadaan? Pader 'yun. Isang malaking pader. Anong gusto niya? Lumipad kami? Mag-ala superman?
Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa likod ng school at tama nga ako, isang malaki at mataas na pader ang tumambad sa harapan namin.
"Sige nga! Paano tayo dadaan dyan?" paghahamon ko sa kaniya.
"Aakyatin natin yan." sabay ngiti niya sakin.
Pinipilit kong intindihin ang mga plano niya pero sadyang malakas ang imahinasyon niya. Aakyatin? Ano kami? Akyat-bahay gang? King kong?
"Paano naman natin aakyatin 'yang pader?" sabay taas ng isa kong kilay.
"Ayun." sabay turo niya na agad ko namang tinignan. "Gagamit tayo ng hagdanan."
Bigla akong nakaramdam ng kaba. Sasama ba talaga ako sa kaniya o magbaback out ako?
"Aakyat na ako ha." sabi niya atsaka siya humakbang sa hagdanan.
"Pano ako?".
"Sumunod ka na lang."
Actually, ayoko talaga umakyat at lalong ayoko magcutting pero bakit hindi ako makahindi sa kaniya? Mababali na ata ako sa sitwasyon ko ngayon.
"Alisha! Umakyat kana din!" sigaw niya mula sa taas. Napakabilis naman niya umakyat.
Sinunod ko naman siya. Dahan dahan akong humahakbang pataas ng hagdan habang siya naman ay tumalon pababa sa kabila. Bahagya pa ngang hinahangin ang palda ko kaya lalo pa akong kinabahan.
Bigla akong nalula ng makarating na ako sa tuktok. "Paano ako makakababa?"
"Tatalon syempre! Alangan namang lilipad." sagot niya. Okey, nagjoke siya. Medyo corny pa nga pero bigla siyang naging seryoso, "Wag ka mag-alala sasaluhin naman kita."
No choice naman ako kundi tumalon.
BINABASA MO ANG
Ang Sikat kong Bestfriend [Fin]
Aventure"...and I fell in love with my bestfriend" | mundongsaging (c) 2012 ALL RIGHTS RESERVED