Kilala niya si mom. Hindi naman niya nasagot ang mga tanong ko sa sarili ko noon. Mas nadagdagan lang yung mga tanong ko. Bumangon ako ng bahagya para maabot ang drawer na nasa side ng table ko at hinanap ang picture ni mommy.Sabi niya Mom kilala ka daw niya. Pareho daw tayo. Gusto ko malaman kung saan tayo nagkapareho. Dad won't tell me a story. Mom .. Namimiss kita.. Gusto ko magkaroon ng mommy na pwede ko pagsabihan ng mga problems ko sa school. I wan't to have a mother. I want someone who will ask me if im okay. Who will tell me to go enjoy my life. Bakit walang nagsasabi ng mga tungkol sayo. Since i graduated on my elementary grade, nagbago si Dad mas lumala yung coldness niya. I feel so incomplete.
Narinig ko ang pag katok sa pinto ko at naputol ang pag iisip ko at pagkausap sa taong alam kong wala nang magagawa pa sa kung ano ang nangyayari sakin ngayon. I immediately wipe my tears that is streaming down my eyes because of the thoughts i had.
"Pasok po."
Bumukas ang pinto at tuluyan ng pumasok si Nanay Fian. Hindi ko napigilan ang hikbi ko ng malapit na siya sakin.
"Oh! Anong nangyari sayo anak?! May masakit ba sayo ha Edelweiss?? Sabihin mo kay nanay para matawagan natin agad si Doc."
Yumakap agad ako sa kanya ng makaupo siya sa tabi ko. "Nay .. Salamat po ha." garalgal na ang boses ko at hinayaan na ang hikbi ko na lumakas pa. Hindi ako madalas umiyak at sa pagkakatanda ko, ngayon na lamang ulit ako umiyak ng ganito. "Salamat po."
"Ano ba yang sinasabi mong bata ka ha. May problema ka ba ? Sabihin mo kase kay nanay kung may masakit sayo ? Sabi ni Doc. Art masyado ka daw napagod ngayong araw ano ba ang pinag gagawa mong bata ka ha?!"
Paninermon niya pa sakin. Natawa ko doon. She's acting like a mother pissed by her daughters behavior. Dahil sa isiping yun ay nahikbi nanaman ako. I look like crazy, i would laugh then cry again like someone stole something from me. Si Nanay Fian ay parang isang Magulang na hindi ako nagkaroon. Lord God never leave me alone in this life. Alam ko na yon noon pa. Masyado lang akong emo at mapag mukmok. Lagi akong nag papasalamat kase andito sa tabi si Nanay Fian. She is my subtitute Mother and Father and a friend. I will cry harder than this kung pati siya iiwan ako. She's much older than Dad malakas pa naman siya pero hindi na maitatangi na matanda na si Nanay.
"Nay. Sorry po kung nag alala ka. Hindi ko rin alam ang nangyari sakin ngayong araw at hindi pa ko ready mag kwento ngayon dahil masama parin ang pakiramdam ko. Pero promise Nay when i get my strenght back. Maybe tomorrow i'll tell you everything. Just let me hug you like this for a while."
"Naku kang bata ka. Kelan ba kita pinilit mag kwento ha?"
"Nay. You didn't force me to tell you, but you asked me. Ahahah" medyo nakabawi na ako sa iyak ko. Mahapdi ang mga mata ko. Naramdaman ako ang pag haplos ng isang kamay ni Nanay sa buhok ko at ang isa naman ay sa likod ko. Unti unti nakaramdam ako ng pagod. Pagod na unti unti ay hinuhugot ako papunta sa madilim na parte ng utak ko kung saan ako pwede pansamantalang magpahinga at iwanan ang mga isipin ko sa mundong gising at patuloy na kumikilos.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Mas maaga kesa sa mga normal na araw. I prepared my self early than usual. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. I saw Nanay Fian preparing the breakfast. "Good morning Nay!" bahagya kong pinasigla ang boses ko. Hindi pa ko okay na okay pero hindi rin naman kasing down katulad kahapon.
"Good morning din Edelweiss. Upo ka na ang aga mo ngayon a ?"
"Maaga nagising Nay eh. sorry po ah."
"Sorry kase nakatulog ka sa balikat ko. Abay dapat lang nak. Ang bigat ng ulo mo. Ang laki mo na talaga."
Natawa ako. Mabigat na talaga ko dahil hindi na ko bata. Ano bang connect non? Okay na nga siguro ako dahil pinabara ko na pati ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Never Had A Dream Come True
FantasyThis is a Fantasy story. PS. Further description soon.