Nangunot ang noo ko dahil sa nakita ko. Dahil doon kung ano anong bagay ang pumapasok sa isip ko."Ley ! Uy natulala ka na dyan !"
"Ha?"
"Wala na sila. Ano pa tinitingnan mo dun."
Dahil sa sinabi ni Ash para akong binuhusan ng tubig. Nagising ako at saka ko lang narealize na ang tagal ko na palang nakatitig doon.
"Hindi naman sila yung tinitingnan ko. Wag ka nga ! Sumasakit nanaman kasi ang ulo ko." pagdadahilan ko sa kanya dahil totoo naman talagang matagal na akong nakatingin don at baka kung ano ano nanaman ang isipin nitong topak na to.
"Ha! Ano mahihimatay ka nanaman ba ? Ay naku! Ang aga pa ley. Gusto mo pumuntang clinic"
Ay bwisit! Iba talaga tong topak na to ang dami na niyang nasabi.
"Hindi na malapit naman na mag bell akyat na ko. Salamat sa pagkain ha. Ikaw na lang ang mag clinic paki tanong mo sa nurse kung anong gamot sa topak mo."
"Psh. Hindi nga ko tinotopak. Pag ako tinopak ley. Hindi tayo papasok pareho!"
"Ewan! Topak."
Inayos ko na ang manuals na hawak ko at ang bag ko. Nag umpisa na akong mag lakad dahil alam ko namang susunod yan. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mag isip kung magkakilala ba ang dalawang yun. Siya din ba yung lalaking andun sa canteen na katapat ng babaeng katitigan ko. Kung siya nga yun close siguro sila. Bakit ba nagiging mapag pansin ako sa mga bagay bagay ngayon.
"Uy. Crush mo ba yung si saffron ha ?"
"Baliw ! Paano ko yun magiging crush ha! E hindi ko pa nga yun nakikita diba ? Iba talaga utak mo e."
"Eh kung makatingin ka kase kanina e. Alam mo Ley gwapo din naman yang si Saffron e. Mas gwapo nga lang ako kaya sakin ka na lang tumingin. Free all you want.!!"
Sabi ko na ganito ang iniisip niya eh. Tinangal ko ang braso niya na naka akbay sakin.
"Psh. I don't like. Tigil tigilan mo ka aakbay sakin ha ! were not close. We're not friends either. Maka akbay ka."
"Grabe ka Ley !! Para sakin kaibigan kita no! Not just an ordinary friend but a special one." sabi niya sabay kindat pa. Ugh!! Malala na talaga siya.
Friend ?..
Paano mo ba malalamang kaibigan mo ang isang tao ? Hindi ko rin alam kung paano dahil wala akong tinuring kahit na isa. Nanay Fian is an exemption. I grew up with her beside me all the time.
"Paano ba malalaman kung kaibigan mo ang isang tao ?"
"Hmm. Paano ba. " umakto pa siyang nag iisip at inilagay sa sintido niya ang hintuturo niya. "Siguro nasa tao yun ley. Kung ang turing niya sa taong kilala niya ay kaibigan. Hmmmm , friend is someone you can be with in times of trouble. Pag nasabihan mo siya ng problema mo. Ang sabi mo hindi tayo friends, para sayo hindi ley but for me you are a friend."
Ngiting ngiti naman siyang bumaling sakin. "I don't know that stuff. I didn't treat anyone as a friend."
Pag aamin ko sa kanya. Nagtuloy lang ako sa paglalakad ng tahimik at nag iisip. Masyado ko bang nilalayo ang sarili ko sa mga bagay bagay o masyado na kong nagiging pansinin sa mga bagay bagay.
"Then treat me one ley. Let me be your friend."
Bigla biglang sabi niya pa. Napahinto ako at mabilis na lumingon sa kanya na nasa gilid ko. "Totoo ka ? Anong rason ko naman para maging kaibigan kita."
Lumapad ang ngiti niya at tataas baba ang kilay. "Simple lang dahil sa kagwapuhan ko na makikita mo araw araw ay magkakaroon ka ng positive vibes." buong kumpyansa niya pang sabi.
BINABASA MO ANG
Never Had A Dream Come True
FantasyThis is a Fantasy story. PS. Further description soon.