"Seychelle, anak. Hindi ka pa ba tapos sa ginagawa mo?" tawag sa kin ni Nanay na biglang pumasok sa kwarto ko dahil wala namang pinto ang kwarto ko kungdi kurtina lang.
Si Nanay talaga. Ang ganda-ganda na ng sinusulat ko e.
"Sandali nalang po ito Nay." sabi ko na abala parin sa pagsusulat.
"Parating na ang tatay mo. Maghahapunan na."
"Opo, Nay. Tatapusin ko nalang po ito." ngiti kong sabi.
"E teka nga muna, ano ba kasi yang sinusulat mo? Ba't ang haba ng liham mo?" takang tanong ni Nanay.
Dahil sa nakadapa akong nagsusulat ay napatigil ako,umupo at humarap sa kanya. Natatawa akong sumagot kay Nanay.
"Si Nay talaga. Hindi po ito liham. Saka, sino naman po ang susulatan ko?"
"Kung ganun, tungkol saan ang sinusulat mo?"
"Basta po nobela. Naka-labingdalawang chapter na nga po ako e."
"Hindi ka ba mapupuyat niyan mamaya? Maaga pa alis mo."
Bigla akong natahimik.... Luluwas na nga pala ako sa Maynila bukas....
"Hindi naman po. Baka nga mas mapuyat ako kasi mamimiss ko kayo ni Itay."
"Susulat ka naman diba? Pwede ka namang mag-text, o tumawag. Libreng-libre ka pa ngang bumalik dito." medyo nalulungkot na sinabi ni Nanay na umupo nadin sa tabi ko.
Napansin ko nga yun kaya nagbiro nalang ako, "Hay naku Nay. Uso na po kaya ang computer. Pwede tayong mag-chat sa facebook, o kaya mag-skype. Dapat updated na kayo Nay e. Di bale, padadalhan ko kayo dito nila Tatay ng laptop."
"Mamimiss ka namin."
"Nay naman e!" saway ko ng bigla nang tumulo ang mga luha ko. "Huwag kayong ganyan. Alam na alam ko styles niyo. Ayaw niyo lang ako paalisin e."
"E kasi napamahal ka na samin ng tatay mo. Simula nang binigay ka samin ng dagat." naiiyak narin na sambit niya.
"Eto talaga si Nanay. Kaya mahal na mahal ko kayo ni tatay e."
"Andito na ko. Cecilia? Seychelle? Andito na si tatay!" tawag ni tatay sa may labas.
Nakauwi na si Tatay.
Nagsipunasan muna kami ni Nanay ng mga luha namin.
"Ano ba yan? Ang drama drama nating mag-ina." biro pa niya.
"Kayo kasi e."
Nang matapos ay lumabas na kami ng kwarto ko at nagmano na ko kay Tatay.
"Mano po, Tay. Kamusta po ang pangingisda?"
"Kawaan ka ng diyos,anak. Marami akong nahuling isda ngayon. Eto o, may inuwi pa ako."
"Si Tay talaga, kaylan pa po ba kayo umuwi na unti ang mga nahuli niyong isda? Kulang nalang ay maubos na lahat." biro ko na naman.
"Ikaw kasi ang pinakamalaking nahuli naming isda ng nanay mo. Kaya isa karing malaking swerte samin. Hulog ka ng dagat,anak!!!" halakhak ni Itay.
"Hala! Hulog ng dagat KAAGAD, Tay??! Diba pwedeng inalon muna? ahahahahahaha!!!"
"O syasya. Mapahulog o mapa-alon, anak ka parin namin Seychelle." natatawa ding sinabi ni Nanay. "Nestor, akin na yung isda para may pang sahog tayo sa sinabawan."
Nang inabot ni Tatay ang mga extrang isda na nahuli niya ay nagluto na si Nanay.
"Sigurado ka na ba sa pagluwas mo bukas?"
"Opo naman Tay."
"Desidido ka na ba talaga?" tanong niya ulit.
"Desididong-desido na talaga Tay."
"Wala na bang makapagbabago sa desisyon mo?"
Nakahalata na ako. Hindi parin tanggap ni Tatay na aalis na talaga ako bukas.
"Tay, kailangan ko po itong gawin. Pangako po, lagi naman akong magpaparamdam sa inyo ni Nanay." lambing ko.
"Ano kamo? Magpaparamdam? Bakit? Magpapakamatay ka ba sa Maynila?"
"Patawa talaga to si Tay. Ako, magpapakamatay? Imposible. Takot nga po ako sa matatalim na bagay e, magpakamatay pa kaya." ganting biro ko.
"Magiingat ka palagi anak ha."
"Kayo rin po ni Nanay."
"O, nakahanda na ang hapunan." tawag ni Nanay.
may napansin si Nanay... " Aba, ang mag-ama nagda-drama."
"Singit talaga to si Nay. hahaha."
"Kain na tayo."
Nang matapos kaming maghapunan ay naglakad-lakad kaming pamilya malapit sa baybayin. Pero hindi ko hinayaan na mabasa ako kahit ang mga paa ko...... May............. may takot kasi ako sa........... sa dagat.............. Hindi ko alam kung bakit......................
"Alam namin ng nanay mo na doon mo lang mahahanap sa Maynila ang mga kasagutan sa mga tanong mo."
"Basta huwag mo kaming kalimutan, Seychelle ha?"
"Hinding-hindi ko po kayo makakalimutan ni Tatay. Kayo ang pamilya ko, mahal na mahal ko kayo."
"Pero may pamilya ka din na naghihintay sa yo." saad ni Nanay.
"Hindi ko nga po alam kung paano ko sila sisimulang hanapin.... Hindi ko naman parin po sila maalala..."
"Mabait ang Diyos, iha. Huwag kang mawalan ng pag-asa." sabi ni Tatay.
"Lagi ko po yan tatandaan."
....
"Magiingat ka anak."
"Opo Nay."
"Huwag kang gagawa ng mga kalokohan sa Maynila ha. Baka mamaya pag-uwi mo, buntis ka na." paalala ni Tatay.
"Hay naku talaga si Tatay. Pangako po yan. Mahal na mahal ko po kayo. Huwag din kayo mag-aaway ni Nanay ha. Ingat din po kayo."
Kasalukuyan ay nandito na kami sa airport at papasok na ako sa entrance for domestic airlines sa Cebu Pacific. Pero saydang ayaw parin ako paalisin nila Nanay at Tatay.
"Calling for all domestic Airliners going to Manila, the departure will be on 15 minutes." isang paalala mula sa sasakyan kong eroplano.
"Nay, Tay... Kailangan ko na pong umalis...."
Ayan.... medyo senti-senti na....
"Paalam anak. Mahal na mahal ka namin ni Nanay mo."
"Mahal na mahal ko din po kayo.... Paalam po..." Pagkasabi'y nagyapakan na kami ng isang mahigpit na bear-hug, nagbeso-beso.... and then..... we bid goodbyes......
Naglakad na ako papasok sa sasakyan kong eroplano.... I can no longer see them......... Pagkapasok ko loob ng eroplano ay doon ako umupo sa may windowpane para natatanaw ko ang mga pulo from up here....
As the plane ready for take-off ay walang ibang pumasok sa isip ko kungdi kung saan at kung paano ko hahanapin ang buo kong pagkatao pagdating ko sa Maynila.... I barely knew the places there......... At hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin doon.......... o kung meron pa ba talagang naghihintay sa akin sa pagluwas ko sa Maynila...........
...................
With all these thoughts I have............... I just hope that everything's going to be fine............... And on those 12 chapters I wrote.... sana maging ganun din kakulay ang magiging takbo ng buhay ko sa Maynila.... at least only at the start.............. at least..........

BINABASA MO ANG
A Musical Love: For the Love of Sparks
JugendliteraturHello po sa lahat! Ito ang unang beses ko na maglagay ng sarili kong kwento although may unti akong dinagdag na ideas. Sana po magustuhan ninyo. Salamat. ^_^ This is based on true events. Inspired as time goes by. There are some parts that were adde...