Chapter 8: Usapang sa notebook....muna...

107 1 0
                                    

Flashback:

Oi! Eto na ung hinihingi mo! Daya mo! Lahat

nalang kinukuha mo sa akin!

Grabe naman itong masungit na to. Parang kinukuha ko lang ang pick niya e.

Babalik ko nalang.....

Yan lang nasabi ko...

Karisse:

Ui Rence, morning pala!

May ipapagitara sana ako sayo...

"Porque" ang title. Meron akong chords...

Nagresearch ako kagabi e...hahaha..

Na-piano ko siya(kagabi lang)...okay naman..

Share ko lang... sige....

Ibinigay ko na nga sa kanya ang notebook kasama ang pick na binalik niya sa akin. Hindi ko muna siya inimikan nung lumapit ako sa kanya para ibigay nga nag notebook at pick niya. Kung tutuusin nga, parang talo niya pa ang naglilihi. Bakit kaya ganun yun? Minsan okay, pero minsan din naman parang inaatake ng sumpong.

"Ano yan,Kar?" bungad na tanong sa akin ni Alice. Nakatingin kasi siya sa research paper ko pero yung kanta ang tinutukoy niya.

"Kanta lang to." tugon ko.

"Porque," basa niya sa title."Hmm...alam ko ang kantang yan. Patugtog natin kay Rence para mas maganda." ideya niya.

"Huwag." pigil ko.

"Bakit naman? Kung ayaw mo, ako nalang."

"Baka wala sa mood ang isang yun." paliwanag ko.

"Wala sa mood?  Tara na kasi. Pa-soundtrip tayo sa kanya. Dala naman parin niya ang gitara niya e." yaya niya.

Lumapit nga kami kay Rence. Mukhang nabasa niya na yung sinulat ko sa notebook...

"Rence, nga pala may gusto sana kami ipatugtog sa'yo ni Karisse." sabu ni Alice.

"Yung 'Porque' ba?" tanong naman ni Rence.

"Oo,yun nga." sagot ni Alice.

"Hindi ko alam ang kantang yun e." biglang tanggi niya.

" E di,kakantahin nalang namin sa'yo ni Karisse.Diba Karisse?" sabay tanong sa akin ni Alice.

"Ha? Kung okay lang kay Rence." sagot ko naman.

"Oo,okay lang sa akin." matipid naman na sagot ni Rence.

Kinuha niya nga ang gitara niya malapit sa mga locker. Ibinigay ko na nga sa kanya ang kopya ng kanta na may kasamang chords at doon kaming tatlo naupo kung saan naggitara si Rence sa harap ko.

"Pano simulan 'to?" tanong niya sa amin ni Alice habang tinitingan niya ang kopya ng kanta.

"Ganito," nag-hum nga si Alice base sa intro ng panimula ng 'Porque'.

"A,oo. Pamilyar sa akin. Sige, subukan natin." saad ni Rence.

"Tulala lang sa 'king kwarto at nagmumuni-muni, " sabay na pagkanta namin ni Alice.  Ewan ko lang pero parang may mali sa chords. I know when it's not in tune, lalo na't habang kumakanta kami ni Alice ay iba ang reaksyon sa mukha ni Rence.

"Karisse, mali ang chords niya." pagtama na ni Rence.

"Ganun ba?But it seemed right noong sinubukan ko siya sa piano .Well, it's worth a try." tangi ko nalang sinabi.

A Musical Love: For the Love of SparksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon