Chapter 6: Somewhere at the Corner...

118 1 0
                                    

"Nagiisa ka ata?" bungad sa akin ni Rence.

Nakaupo lang kasi ako sa upuan ko nang mga oras na iyon. Wala akong ginagawa kundi ang magbasa lang.

"Ikaw pala." bati ko sa kanya.

"Bakit hindi mo kasama sila Zoe sa baba? Nakita ko sila sa kubo e."

"Wala lang. Gusto ko lang mapagisa. Maganda kasi itong librong binabasa ko kaya naisipan ko munang huwag munang sumama sa kanila." sagot ko.

"Ganun ba? Gusto mo ba samahan kita?"

Aba! Ang loko nagdilang-anghel. Himala!

"Bahala ka."

"Sige. Wait lang ha. May kukunin lang ako." pagpapaalam niya.

"Okay." tangi ko lang sinabi. hindi na ako nagatubili malaman kung anong kukunin niya.

"Halika." yaya niya. May dala-dala na siyang gitara pagbalik niya.

"Sa-saan?" takang tanong ko.

"Doon tayo sa sulok,may dalawang upuan doon. Pa-soundtrip tayo."

Nagyaya pa talaga siya na magpa-soundtrip. Total naman ay free time nang klase at nagbabasa lang din naman ako, I'll just take my chances. Pinaanyayahan ko nga ang gusto niya. Doon nga kami sa isang sulok.

"Ano gusto mong igitara ko?" tanong niya sa akin.

"Kahit ano naman ay okay sa akin na kanta e. Ikaw bahala." sagot ko.

"Sabi mo e. May ipaparinig akong kanta sa'yo."

"Anong kanta?"

"Siguro naman ay nabasa mo yung dalawang kanta na nasa backpage ng notebook ko?" tutok na tanong niya. Alam niya pala na pinakealaman ko ang notebook na yun.

"O-oo. Pero wag mo sanang isipin na nangengealam ako sa gamit mo." kaagad kong depensa.

"Hindi nga halata e." napapangiti niyang sinabi.

"Pero hindi naman talaga. Curious lang ako."

"Ikaw? Curious? Sa notebook? Taga-bundok ka ba?" asar niya.

"Ewan ko sa'yo."

"Biro lang.O sya, magtutugtog na ako. Pero alam mo ba nag tono ng kanta?"

"Hindi e. Hindi rin pamilyar sa akin."

"Hindi bale. Heto yung notebook ko," abot niya sa akin. Talagang pinaghandaan niya a."Sabayan mo nalang ako."

May bago na naman siguro tong trip. Masakyan na nga lang. Hindi rin kasi ako makatanggi lalo na't mahilig pa naman ako sa musika.

Inilagay niya muna sa tono ang gitara at sinimulan na nga niya ang intro. Sa unang tunog palang halatang maganda ang kanta. Acoustic din kasi kung hindi ako nagkakamali. "My Heroine" ang title at Silverstein ang kumanta.

The drugs begin to peak

A smile of joy arrives in me

But sedation changes to panic and nausea

and breath starts to shorten

and heartbeats pound softer!

You won't try to save me!

You just want to hurt me and

leave me desperate!

You taught my heart a sense I never I had

I can't forget the times that I was lost and

depressed from the awful truth

How do you do it? You're my Heroine!

A Musical Love: For the Love of SparksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon