Prologue

28 2 0
                                    

^____^

Hindi pa dapat ako magstart ng another series, with my first story still brewing (Ang tanga mo talaga, pasalamat ka mahal kita!), ang panibagong story ay isang suicide...

Alam kong may katagalan akong mag update dun sa isa kong story,kaya lang nagwawala talaga ang ideas sa utak ko kaya I need an outlet. Hope you'll enjoy reading this one.

Yab yab ♥♥

mwuah!

-----------------------------------

Some parts and events in the story are based from real life experience of someone I know. Someone very close to me... ^____^

Here it is... Enjoy!

-----------------------------------

PROLOGUE

Hindi ko alam kung gaano na katagal kaming nakatayo sa madilim na part na yun ng school.

Kanina pa kami nakatayo dun, pero walang nagsasalita. May mangilanngilan pang dumadaan pero malamang hindi nila kami napapansin doon. At kung mapansin man nila kami, wala na akong pakialam.

All that I know is that, what I am feeling now is beyond any pain that I've felt before... Kung gaano kami katagal nakatayo dun ganoong katagal na din akong umiiyak.

Simple lang naman ang sinabi nya, pero sapat na yun para madurog ang puso ko. Paulit ulit nag-eecho ang sinabi nya sa akin..

Van,we should stop this. Hindi kasi pwede.

Tama naman kasi si Louie.

Hindi kasi pwede.

Hindi kasi pwede.

Hindi kasi pwede.

Naputol ang pag iisip ko ng magsalita sya ulit.

"I think, we should go. Gabi na. Ihahatid na kita. Tara na." Nagsimula na siyang maglakad palayo ng dahan dahan at parang hinihintay akong sumunod. Napatigil siya ng bigla akong nagsalita.

" Louie, b-b-bakit hindi na pwede? D-dati naman pwede...Bakit ngayon biglang,h-hindi na?" Hindi ko talaga mapigil ang panginginig sa boses ko.

"Van...."

" H-hindi ko lang kasi m-maintindihan. Bakit ayaw mo na?"

"Dahil hindi pwede Van... You're young,.. You're barely 19. Im 25 and..."

" Louie naman! Edad lang yan." putol ko sa sasabihin nya. Kelan pa naging issue ang edad samin?

"Mahirap din ito para sakin..." halos bulong na wika niya. Mababakas ang paghihirap sa boses nya.

"Kung nahihirapan ka, then don't go. Don't leave me." Nilapitan ko sya at hinawakan sa kamay. Pagkatapos ay hinawakan ko sya sa pisngi upang iharap sa akin.

" Don't make this hard for me..." Si Louie, habang iniiiwas ang paningin sa akin.

"Don't make this hard for you? Am I making things hard for you?

"Stop it already Van...Drop it. It's over." Tinabig na nya ang mga kamay ko at bahagyang lumayo.

"Louie,.. Please..." Humakbang ako palapit sa kanya, pero itinaas nya sa harapan nya ang isang kamay nya. Ayaw nya akong lumapit.

"Let's go. Baka hinahanap ka na sa bahay nyo."

"Walang maghahanap sakin... Alam mo yan."

Natigilan siya... Totoo naman yun... Walang maghahanap sa akin kahit gabihin ako or kahit di ako umuwi ng ilang araw.

"Basta umuwi na tayo."

"Louie! Ano ba? di pa tayo tapos mag usap..." Hinawakan ko sya sa braso nya, pero maarahan nyang tinanggal ang kamay ko.

"Van, please... Tama na..." nahahalata ko na pilit nya lang pinapatatag ang boses nya.

"Ano ba ang problema?"

Tinitigan nya lang ako.

"I need you to be with me... To stay with me..." niyakap ko sya. Bahagya nya akong inilayo sa katawan nya, kaya mas hinigpitan ko ang yakap ko.

"Nahihirapan na ako." Malamig na wika nya.

"Nagsasawa na ako, dahil pakiramdam ko, nagaalaga lang ako ng nakakabatang kapatid ko."

That's it... Nahihirapan na sya.

"Hindi mo ako kapatid Louie,kaya paano mong nasasabi na para ka lang nagaalaga ng nakakabatang kapatid! And the 'things' we do, hindi yon ginagawa ng magkapatid."

"Exactly Van. We do things na di natin dapat ginagawa. Bata ka pa para sa akin. I feet like a monster. I feel like I'm corrupting your youth, your innocence."

Nahihirapan na siya? Ganun ba ang nararamdaman nya? Na nagaalaga siya ng bata? Dahil 19 lang ako at siya 25...

Nabigla ako sa sinabi nya...Yun ba ang tingin nya sa ginagawa namin?

Na inaalagaan nya lang ang nakakabatang kapatid nya.

"Tara na...Iuuwi na kita."

Kinalas nya ang pagkakayakap ko sa kanya. At nauna nang maglakad.

"Pero Louie..." Mahinang tawag ko sa kanya...

"Stop calling me Louie...From now on tawagin mo ako ng tama sa edad natin..."

Hindi sya lumilingon habang sinasabi yon..

"Louie naman..." nanghihinang sabi ko.

"It's Ate Louie, Van... Ate Louie..."

---------------------------------

what do you think guys? Comment po...

Vote,if you think the chapter deserves it!

thanks!

★★yaenpotpot★★

One step forward, two steps backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon