Chapter 3 - Running Late

18 1 0
                                    

Sh*t!

Alas diyes y medya na...12:30 klase ko! Male-late na ako...

Mabilis akong naligo at nagbihis. Di na naman ako makakapag-almusal nito...

Pababa ako ng hagdan ng makita ko si Tita na nakaupo sa sofa at nagbabasa ulit. Palagi na lang syang nagbabasa, buti pa yun napapansin nya...Haaay...

"Tita,pasok na po ako." pilit kong pinasigla ang boses ko.

" Hmmmn..ok. Eto pala allowance mo." May ipinatong sya na white envelope sa ibabaw ng table. Pero di naman nya ako tiningnan, diretso lang sya sa pagbabasa.

Weekly sya magbigay ng allowance. Sya kasi naghahandle ng padala ni mommy. Pero pamasahe lang at pagkain ang pinagkakagastusan ko araw araw. Pag may mga kailangan ako bilhin,i use my credit card. Kaya naiipon lang ang allowance ko.

Dinampot ko ang sobre. Hmmmn, medyo makapal. Sinilip ko ang laman at binilang.

O_O

Binilang ko ulit. Fifty thousand talaga!

"Ah, Tita, nagkamali po ata kayo ng bigay." akmang ibabalik ko sa table yung envelope,pero nagsalita agad sya.

"Tama yan. Maghanap ka ng dorm,dun ka na muna magstay." flat na sabi nya at hindi pa rin ako tinitingnan.

"Po?"

" Sabi ko magdorm ka muna." Basa parin sya...

"Bakit po?"

"Para di ka na mahirapan." ganito ba talaga sya makipagusap?

" Eh, Tita, di ko pa po nakakausap si mommy." ayaw ko mag dorm,for sure di papayag si mommy.

"Nakausap ko na si Ate Ivy, pumayag sya...Ikaw na lang bahala maghanap,kung san mo gusto, at kung anong klaseng tirahan gusto mo..O sya,pumasok ka na,malalate ka na nyan. Saka naiistorbo mo na ako." bahagya nya lang akong tinapunan ng tingin.

Naiistorbo? So that's why she's kicking me out kasi nakakaistorbo ako sa kanya. In what way? Eh halos hindi nya nga ako pinapansin. And ang awkward nung feeling na papaalisin nya ako sa sarili naming bahay. Nakakauto yun ah.

" Ah ganun po ba?",Bumawas ako ng ilang bills sa loob ng envelope at nilagay ko sa wallet ko,yung natira inilagay ko sa bag ko.

" O sige po 'ta. Alis na ako,pasensya sa abala",nakita ko na bigla syang napatingin,siguro dahil na din sa tono ko. Pero di ko na lang pinansin,at dire diretso na lang ako umalis.

============================

Napatingin ako sa wrist watch ko,11:20 na! Late na ako.

Walang tricycle na dumadaan. Aish..kung kelan talaga nagmamadali saka walang masakyan. Makapaglakad na nga lang palabas ng village.

Medyo malayo nga din pala ang palabas dito,tapos ang init pa. Kainis. Parang ok nga pala yung idea ng pagtira sa dorm. Pero yung idea ng pagpapalayas sa akin sa sarili naming bahay,bad trip talaga.

*peep* *peep*

Nagulat ako sa busina ng sasakyan na nasa likod ko,kaya tumabi ako ng bahagya para makadaan ito.

Nilingon ko ang Toyota Prius na papadaan. Nagmenor ito sa tapat ko at bumusina ulit.

Nasa tabi na ako ah! Ah baka naman kakilala ko to, pero heavily tinted ito kaya di ko maaninag ang nasa loob.

Bumaba ang bintana sa passenger seat ng sasakyan,yumuko ako bahagya para makita ko kung sino ang driver. Baka nga kakilala ko.

^____^

One step forward, two steps backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon