Chapter 5 - THE.GIRL.IS.MINE

27 1 0
                                    

Malapit na kami sa school kanina, pero nagdrive pa sya pabalik sa SM Fairview para lang sa date na sinasabi nya. Eh may malapit din namang mall sa may school.

Ang dahilan nya para daw malapit lang sa village namin. Para kahit magtagal kami at gabihin malapit na lang byahe pauwi. Hmmmn...point taken.

Pagkapasok namin sa loob ng mall kumapit agad sya sa sleeve ng damit ko. Tssss... Parang bata talaga.

Ano bang gagawin namin sa date na toh? Seriously, di ko alam ang gagawin. Okay, nagkipag date na rin naman ako dati sa mga naging girlfriend ko. Pero iba naman ang date ng magsyota eh. Panong date ba gagawin namin? Katulad ba ng date na alam ko?

Bigla akong namula sa naisip ko. Parang sira lang ako eh. Syempre di ganong date, saway ko sa sarili ko.

"Bee, Greenwich tayo. Bilis." May patalon talon pa sya sa pag hila ng damit ko.

"Ay, naman Mee, wag mo hilahin damit ko. Baka mawasak!" reklamo ko pero nakangiti naman ako.

"Sorry, naexcite lang ako. Gutom na kasi talaga ako," aniya at bumitaw sa damit ko at sa kamay ko na lang humawak.

Nagkatinginan kami bigla. Yun na naman yung weird na feeling. At napatungo kami sa magkahawak naming kamay.

Naramdaman nya din ba yun?

Nakita kong bigla syang namula. Bibitawan sana nya ang kamay ko, pero hinigpitan ko ang hawak dito. Napatingin sya sa akin na parang nagtataka.

Mabilis ako nagisip ng paliwanag kung bakit ayaw ko syang bitawan.

"Ah, eh ano, kasi baka yung damit ko na naman panggigilan mo. M-mas ok na tong hawak kita sa kamay. Para sigurado."

Napatango na lang sya, at bigla uling ngumiti at hinila na ako papasok ng Greenwich.

Pumila kami para umorder ng pagkain. Tumingin sa amin ang mga nakapila din na customer at ilang crew. Bakit kaya?

Kanina ko pa din napapansin na pinagtitinginan kami ng mga nakakasalubong namin. Lalo na si Louie. Napatingin tuloy ako sa kanya na abala sa pagtingin sa menu board. Bakit kaya sya tiniting-...

O_O

Naputol ang iniisip ko at lumaki ang mata ko -literal, nang makita ko ang kabuuang itsura ng kasama ko.

She's wearing an over size white t shirt. Well it was a t shirt sa tingin ko, before. Kasi halatang ginupit lang ito sa may neck at sleeve area. Lumaki ang neckline nito at naka- expose ang buong kaliwang balikat ni Louie, i can even see the part of her,mmmm,'chest' na di natatakpan ng bra nya.

The back part of the shirt was cut into fine strips at nakabraid forming a very unique pattern. At dahil doon halos hubad na talaga ang likod nya.

And she's wearing a faded denim shorts. As in short talaga, dahil halos hindi na ito makita kasi natatakpan ng laylayan ng shirt nya.

Bakit di ko agad napansin na ganito ang damit nya? Tssss..kung anu-ano kasi iniisip ko pag pag kababa namin ng kotse.

At iniiwasan ko din kasi ang tingnan sya.

Pumuwesto ako sa likod nya para matakpan yon,ang dami kasi nakatingin...Ang kinis kasi.

aish..

(-_-)

"Mee," bulong ko sa may tenga nya nung nasa likod na nya ako.

"Hmmn?" at tumingala sya sakin.

Ang lapit ng mukha nya. Maganda na sya,pero mas maganda sya sa malapitan.

Ang kinis.

Ang ganda...

"Bakit Bee?" Kumunot ang noo nya. Para naman akong biglang natauhan.

Ano ba kasing nangyayari sa akin?

"Ano ba yang suot mo?"

Bigla syang ngumiti.

^_____^

Aish... Patay na naman tayo sa ngiting yan eh.

"Maganda ba? I made it my self." parang proud na proud pa sya.

"What were you thinking? Lumabas ka ng bahay na yan ang suot mo! Aren't you aware na kanina ka pa halos lamunin ng buhay ng mga nakakakita sayong lalake? " mahina pero mariing bulong ko sa kanya.

Bigla syang namula sa sinabi ko. At napatingin sa paligid. Napatungo sya. At napakagat sa labi.

" I have no plans of wearing it outside or in public."

"Pero sinuot mo pa rin." naiinis kong wika.

"Im just driving around the village,checking the area, to familiarize myself sa bagong lugar. Then i saw you." parang maiiyak na paliwanag nito.

Nakaramdam tuloy ako ng guilt.Wala naman nga pala syang balak lumayo ng village, tinulungan lang nya ako.

Haaay...

"Im sorry Mee..Wag kang iiyak." Tinanggal ko ang backpack ko at inilagay sa likod nya. Tapos hinawakan ko sya sa magkabilang balikat.

"Thank you Bee." at tipid na ngumiti.

Nginitian ko din sya at pinahid ng daliri ko ang isang luhang pumatak.

Ano ba yan umiyak sya ng dahil sakin.,,haay...

"What do you want to order Mee?"

Ngumiti uli sya tulad ng normal na ngiti nya.

" Yung 2-pc Chicken Glaze with rice, half serving ng Baked-Mac, one solo Greenwich Special and Barkada size nung Pizza Fries. Four Seasons ang drinks ko,large. Saka isang extra rice ha."

Napangiti tuloy ako. Malakas nga pala tong kumain. Saan kaya nito nilalagay ang kinakain.

Napansin nyang nangingiti ako. Pinalo nya ako ng pabiro sa braso.

"Why are you smiling? Are you making fun of me?" bigla itong nagpout.

(T^T)

Ang cuuute...

"Hindi ah. Bakit naman kita pagtatawanan Mee?" Biglang pina seryoso ko ang mukha ko.

"Hmp!" sya.

"Smile Mee." At mahinang tinusok ko ng daliri ang pisngi nya.Ngumiti naman sya. " Ah, that's better." Napangiti ako.

Inilibot ko ang paningin ko sa store. May hinahanap akong tao. Nung makita ko ang pakay ko, nagpaalam ako sandali kay Louie, para kausapin ang taong kailangan ko.

Nagtataka man, tumango na lang sya. Pagkatapos ko makipagusap naglakad ako pabalik sa pwesto namin.

Papalapit ako sa kinatatayuan nya kaya kitang kita ko ang tatlong lalaki na nakatayo sa likod nya na nagbubulungan habang tititig na titig sa likod nya. Parang nagtuturuan sila kung sino ang unang dapat lumapit kay Louie.

Naginit ang tenga ko.

Gago tong mga toh ah.

Binilisan ko ang lakad ko at nang gigigil na tinitigan ang tatlong lalaki. Ilang hakbang na lang ako mula sa pwesto nila, nang biglang napatingin sa akin ang tatlo. Nakipagtitigan sila, Hindi ako nagbawi ng tingin.

Nagulat sila ng tumigil ako sa harap nila,sa likod ni Louie, at lalong sinamaan ang tingin sa kanila. Magsasalita sana ang isa sa kanila nang magbawi ako ng tingin at yakapin mula sa likod Louie.

Muli ko silang nilingon, nagsi-tungo lahat sila. Parang naintindihan naman nung tatlo ang ibig kong sabihin.

Back off.

The.Girl.Is.Mine.

Then I kissed Louie's head and pulled her closer to me.

============================

*later again guys...

★★yaenpotpot★★

One step forward, two steps backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon