~ Final Decision!~

624 32 11
                                    

“You disappoint me again, Katerina…”

Grabe ang impact sa kanya ng maikling katagang iyon. Lalo pa at galling iyon sa bibig ng taong buong buhay na hinangad niyang i-please. Hapon na siya nakauwi sa bahay nila.

Kahit nauna nang umalis si Gino upang pumasok sa trabaho ay nanatili pa siya roon. At hindi niya inaasahang madadatnan niyang naghihintay sa kanya ang kanyang ama sa kanyang pag-uwi.

Hindi na niya kailangan pang hulaan kung ano ang naging dahilan upang sabihin nito iyon sa kanya. Ala niyang alam nitog hindi na naman siya pumasa sa Bar Exam.

“Wala na naman ang pangalan mo sa mga bagong abogado ngayon. Alam ng lahat na may anak akong Law graduate. At nakakahiyang malaman ng publiko na ang sarili ko pang anak ang hindi makapasa-pasa sa Bar…”

“I… I could take the Bar again, Papa,” hindi makatingin nang diretso sa mga mata nitong wika niya. “I still have a chance… I’ll… I’ll do better next time and – “

“And when you don’t make it again, Katerina? Babalik ka uli sa university at ire-refresh ang mga pinag-aralan mo dahil babagsak ka na naman sa ikatlong pagkakataon? Don’t humiliate yourself anymore than you already did.

Kung ako sa’yo ay susuko na akongayon pa lang. Siguro nga ay hindi itinakda na maging abogado ang anak ko. Dahil hindi mo iyon kaya. You’re a woman, what can I do?” iiling-iling na wika nito.

Nangingilid na ang mga luha sa kanyang mga mata ngunit abut-abot ang pagpipigil niya upang huwag tumulo iyon. Maliit pa siya ay sinabi nan g kanyang ama na huwag na huwag siyang iiyak sa harap nito. Ayon dito ay simbolo lang iyon ng kahinaan. At ayaw niyang maging mahina sa paningin nito.

“Bilang ama mo ay tungkulin kong i-assure na magiging maayos at mabuti ang buhay mo. I can’t take another humiliation after this, Katerina. Do you hear me?”

“Y-yes, Papa,” tugon nito.

“Hinayaan lang kita for the longest time. At napatunayan kong hindi mo kaya. From this day on, gusto kong sundin mo naman ang kagustuhan ko. I’ll find a suitable husband for you, Katerina.

Nang sa gayon ay makakasiguro akong hindi ka na muling papalpak pa. If you marry a suitable man and are fit to join this family, that’s the only time na makukuha mo ang approval ko. And that will make me happy, Katerina…”

“Pero, Papa – “

“Gusto mo bang bumawi sa lahat ng kapalpakan mo?” diretsong tanong nito sa kanya na tila ba isa siya sa mga iniimbestigahan nito sa senado.

“Y-yes, but – “

“Then do what I say,” agad na putol nito sa iba pang sasabihin niya. “You will marry the man of my choice as soon as possible. And that’s final.”

“Papa – “

“Kung ayaw mo na habang-buhay akong ma-disappoint sa’yo ay gagawin mo ang gusto ko. You don’t have what it takes to be a lawyer so you might as well marry a suitable man.”

“But – “

“This conversation is over,” mariin at maawtoridad na turan nito. “Hinintay lamang kita upang makausap. Aalis ako at may meeting pang dadaluhan.”

Iyon lang at umalis na ito. Mabigat na mabigat naman ang kaloobang umakyat siya sa kanyang silid. Pagpasok niya roon ay lumuluhang dumapa siya sa kama. Panay ang sisi niya sa kanyang sarili kung bakit hindi niya magawang maipasa ang Bar.

Close to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon