~ Your Mother ~

158 20 3
                                    


"Something's bothering you, Katerina?" tanong sa kanya ng kanyang ama habang inaayos niya sa vase ang mga bulaklak na dala niya.


"H-ho? Wala naman, Papa." Pagkakaila niya.


"Kanina ka pa kasi parang hindi mapakali riyan. At napahaba rin ang nguso mo." Sabi ng ama niya.


"Don't mind me, Papa." Sabi naman ni Katerina. "Kumusta ho ang pakiramdam ninyo ngayon?


"Oh, hindi na magbabago ang nararamdaman ko, hija. I've accepted it already. Alam kong malapit na ang oras ko." Sagot ng kanyang ama.


Kahit na ganoong casual na casual lamang ang pagbanggit ng kanyang ama tungkol sa kamatayan nito ay hindi pa rin niya maiwasang panikipan ng dibdib at malungkot.


Sa sandaling panahon pa lamang silang muling nagkakasama ngunit napipinto na ang pag-alis nito. Kahit hiniling nitong ayaw nitong maging malungkot at umiyak siya ay hindi niya mapigilan iyon. Katulad na lamang nang mga sandaling iyon na muling nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata.



"Oh, Katerina, please don't cry. Punuin natin ng masasayang alaala na magkasama tayo ang mga huling araw ko. Come here..." wika ng kanyang ama.


Lumapit siya rito at naupo sa kama nito. Ipinatong niya ang ulo sa mga hita nitong natatakpan ng kumot. Masuyong hinaplos-haplos nnito ang kanyang buhok.


"Kung sana'y noon ko pa natutuhang lunukin ang pride ko. Kung sana'y pinuntahan kita sa America. Di sana'y nakarating ako sa first exhibit ng mga paintings mo." Wika ng kanyang ama.


Tuluyan nang tumulo ang mga luha ni Katerina. "I have longed for you to be there, Papa... kayong dalawa ni Gino. Hindi kompleto ang pakiramdam ko dahil... dahil wala kayo. Pero tapos na iyon, Papa. Wala akong sama ng loob sa inyo..."


"Salamat, anak... kung hindi ako naging matigas ay hindi ko sana kayo nasaktan ng iyong mama..." sabi ng kanyang ama.


Iyon ang unang beses na nagbanggit ito tungkol sa kanyang ina.


"Puno ng buhay ang iyong mama. Maganda siyang katulad mo. Nang pakasalan niya ako ay nakalimutan ko na mas mahalaga na maiparamdam ko sa kanya na mahal ko siya at kailangan ko siya. Akala ko ay wala akong pagkukulang dahil naibibigay ko sa kanya ang anumang naisin niya..." sabi pa ng ama niya.


Nanatili lang na tahimik na nakikinig si Katerina.


"Palugi na noon ang law firm na iniwan sa akin ng lolo mo. Kaya ang muling pagbangon niyon ang pumuno sa oras at isipan ko. Halos hindi na kami nagkikita ng iyong mama. Naging demanding siya sa oras ko at nagsimula na ang pag-aaway namin. She gave up her career for me. Marami akong hiningi sa kanya. Be the perfect wife and housekeeper. Naging dominante at istrikto ako. Nakalimutan ko kung paano kami nagsimula. Nakalimutan ko ang pag-ibig na meron kami para sa isa't-isa..." malumanay ang boses ng ama niya habang nagkukuwento.



"Then she had an affair. I knew it was just to spite me. Alam ko na ako ang may pagkukulang. Pinalayas ko siya at ipinagtabuyan. Hindi ako pumayag na makuha o ni malapitan ka niya. Gusto kong magsimula uli kami. Gusto ko siyang patawarin dahil higit ang kasalanan ko. Ngunit mas pinili ko ang pride. Mas pinili kong intindihin ang sasabihin ng ibang tao sa akin." Bahagyang nag-pause muna ito.



Hinayaan lamang siyang kusang magpatuloy ni Katerina.


"Until it was too late. Ibinalita sa akin ng kaibigan niya na namatay na siya. Namatay raw siyang walang bukambibig kundi ang pangalan ko. Ni hindi ko na nakita ang mama mo. Libingan na lamang niya ang nadalaw ko. Ngunit hindi pa rin ako huminto. Hindi ko pa rin inamin na nagkamali ako. Lahat ng frustrations ko ay sa'yo ko naibigay... you see, Katerina, napakalaki ng kasalanan ko sa'yo... sa inyo ng mama mo. At dadalhin ko iyon hanggang sa kabilang buhay..." dugtong ng kanyang ama.



Naramdaman niya ang pagyugyog ng mga balikat ng kanyang ama. Nang mag-angat siya ng mukha at nakita niyang humahagulhol na ito. Niyakap niya ang kanyang ama nang mahigpit.


"Papa, alam ko na napatawad ka na rin ni Mama... Please don't be too hard on yourself..." sabi niya rito.


Dahil sa labis na emsoyon ay biglang nakaramdam ng paninikip ng dibdib ang kanyang ama. Mabilis na tumawag siya ng doctor. Tarantang-taranta siya dahil nawalan na ng malay ang kanyang ama.


Panay ang pagluha niya habang nire-revive ito ng mga doctor.

Close to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon