~ Invitation ~

169 20 10
                                    


"Good morning everyone!" malakas ang boses na bati ni Charisma sa mga taong nadatnan niya sa floor kung saan naroon ang opisina ni Gino.


Saglit lang na napasulyap ang iba sa kanya dahil super busy ng mga ito. Ang iba'y tila hind siya napansin o narinig. Napakunot-noo ang dalaga sa pagtataka.


Nagkibit-balikat na lang ito saka dumiretso sa table ni Miss Hilda, ang secretary ni Gino. Nadatnan niya rin itong busy sa telepono.


Nang mapansin siya nito ay sinenyasan niya itong maghintay at maupo muna sa may sofa. Tumango naman si Charisma saka umupo sa sofa. Nagpalinga-linga ito dahil nakakapagtaka talaga ang pagiging busy ng lahat ng empleyado sa building na 'yun.


Ano kayang meron?


Nang matapos sa telepono si Miss Hilda ay tatawagin na lang sana siya nang biglang lumabas ng kanyang private office si Gino. Natuwa ang dalaga pagkakita rito kaya napatayo agad ito saka sumalubong sa kanya.


"Hi Gino!" masiglang bati niya subalit hindi siya nito pinansin.


Tuloy-tuloy lang ito sa pagi-instruct kay Miss Hilda kung ano'ng kailangan gawin sa mga hawak nitong documents.


Napawi ang matamis na ngiti sa mga labi ni Charisma dahil sa pagkadismaya. Subalit pinilit pa rin nitong maging masigla saka nilapitan si Gino.


"Mukhang busy ka yata?" paglalambing nito sa binata.


"Yeah. I'm preparing for OUR WEDDING." Sabi ni Gino na hindi man lang tumingin rito.


Na-shocked si Charisma sa kanyang narinig. Napabitaw siya sa braso ni Gino kaya nakaalis ito upang kausapin ang iba nitong empleyado.


W-wait...


He said OUR WEDDING...


OUR WEDDING...?


OUR WEDDING !?!


Nanlaki ang mga mata ni Charisma at namula ang mga pisngi nito. Tila gusto niyang maiyak sa sobrang tuwa. Agad itong napasandal sa kalapit na post eng building dahil pakiramdam niya mahihilo siya any moment.


Nang kumalma ito ay agad siyang nataranta kung ano'ng una niyang gagawin. Tumatakbo sa isipan niya kugn sino sa mga girl friends niya ang una niyang tatawagan upang ipaalam sa kanila ang magandang balita.


Nag-isip na rin siya ng mga isa-suggest niya kay Gino pagkabalik nito roon. Gusto niyang magtatatalon at magsisisigaw sa kagalakan niya nang mga oras na iyon subalit nagpipigil ito dahil ayaw niyang masira ang kanyang poise.


Hindi siya mapakali sa kinaroroonan habang hinihintay na bumalik si Gino. Kaya nagpagala-gala siya ng kaunti sa loob ng office habang pinagmamasdan ang mga employee'ng abala sa kani-kanilang mga trabaho.

Close to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon