~ Kiss ~

535 29 11
                                    

“Parang ang lalim-lalim ng iniisip natin, ah,” sabi kay Katerina ni Gino.

Nang mga sandaling iyon ay naroon sila sa boutique ng isa sa mga pinakasikat na couturier sa bansa na siyang nag-design at tumahi ng kanyang wedding gown.

Napakaganda ng kinalabasan ng kanyang wedding gown. Isang linggo na lamang at ikakasal na sila ni Gino. Habang dumarating ang araw na iyon ay tila lalo siyang hindi mapakali.

Para siyang kinakabahan na natatakot na hindi niya mawari. Ang alam lamang niya ay hindi dapat ganoon ang pakiramdam ng isang babaeng malapit nang ikasal.

Itanggi man niya nang paulit-ulit ay alam niya ang dahilan kung bakit siya nagkakaganoon. Masaya ang mga magulang nila ni Gino, lalo na ang kanyang ama sa napipintong pagpapakasal nila ng binata.

But she wasn’t sure about Gino.

Mukha siyang masaya rito. Mukhang okay lang sa kanya ang nalalapit na pagpapakasal nilang dalawa. Ngunit hindi maalis sa isip niya na tanging siya lamang ang may mapapala sa kasalang iyon.

Dahil sa kasal nila ni Gino ay nakuha niya ang approval ng kanyang ama. Tila mula nang pumayag siyang magpakasal sa binata ay naging maganda na ang pakikitungo nito sa kanya.

Her father was even excited about the wedding details.

Ilang beses nang narinig niya ang pagpapahayag nito ng tuwa sa mga kaibigan nito dahil pakakasalan niya si Gino.

“Hindi ko man naging anak si Gino ay magiging asawa naman siya ng aking anak. I’m very proud that he’s going to be my son-in-law. I believe it’s the best decision  Katerina had ever made. With Gino as her husband, alam kong hindi na magkakamali pa ang anak ko.”

May nararamdaman siyang kirot sa kanyang puso tuwing maaalala ang mga sinabing iyon ng kanyang ama. Lumalabas kasing abut-abot ang pasasalamat nito at pakakasalan siya ni Gino dahil makakasiguro na itong hindi na siya muli pang papalpak at mabibigay ng kahihiyan dito.

“Hey, sweetheart…” narinig niyang pukaw ni Gino sa kanyang naglalakbay na diwa.

Sa mahigit tatlong buwan na paghahanda nila sa kanilang kasal ay nasanay na rin siyang tinatawag nito sa ganoong endearment. Bukod pa sa tinatawag naman talaga siya nito niyon bilang paglalambing. Ngunit mula nang ma-engage sila ay nakaramdam na siya ng pagkailang tuwing tatawagin siya nito nang ganoon.

Did Gino deserve this? A marriage not founded by love. Oo nga at mahal nila pareho ang isa’t-isa, ngunit bilang magkaibigan lamang.

They were not two people in love with each other. Alam niyang lahat ay magagawa ni Gino para sa kaligayahan niya. ngunit talaga bang makakaya niyang gawin iyon para dito? Na hayaan niya itong pakasalan siya gayong hindi ito in love sa kanya?

Close to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon