~ Back Home ~

164 18 5
                                    


Seryoso, bahagyang salubong ang mga kilay, hindi ngumingiti at tuwid na tuwid ang pagkakatayo. Iyon ang Gino Dela Rosa na sumalubong kay Katerina sa airport.


Malayung-malayo iyon sa Gino na nakasama niyang lumaki at nagkaisip. Tila wala nang natira ni anumang bakas ng dating Gino na kilala niya at kanyang matalik na kaibigan.


Kahit nang tuluyan na siyang makalapit dito ay hindi pa rin ngumiti ang binata.


But she missed this man! Walang araw na hindi siya nangulila rito. Hindi kompleto ang kanyang naging tagumpay dahil hindi niya iyon maibahagi rito at sa kanyang papa.


But she longed for Gino.


Dahil doon ay hindi na niya napigilan ang kanyang sarili. Tumiyad siya at niyakap ng mahigpit ang kaibigan.


"Gino... Gino..." nangingilid ang mga luhang bigkas niya sa pangalan nito.


Ngunit kumalas si Gino mula sa pagkakayakap niya na tila ba hindi niya nagustuhan ang gesture niyang iyon. Para tuloy hindi sila magkakilala.


"We have to go. Rush hour ngayon kaya siguradong traffic," salat sa emosyong wika ng binata.


Nasaktan man siya sa ikinilos nito ay nginitian pa rin niya ito. Hindi niya inaasahang ito ang susundo sa kanya sa airport at siyang unang-unang makikita niya pagtapak na pagtapak pa lamang ng kanyang mga paa sa bansang ilang taon ding hindi niya nasilayan.



"It's good to see you again, Gino..." sabi niya rito.


"Yeah... well, same here." Ganting-wika nito na para bang napilitan lamang.


Pagkatapos niyon ay binuhat na ni Gino ang dalawang travelling bag na dala niya at isinakay sa nakaparadang kotse nito.


"I didn't expect na ikaw ang susundo sa akin." Sabi niyang naiilang sa ipinapakitang aloofness ng kaibigang binata. How she longed for the old days.


"Pinakiusapan ako ni Tito Marco na ako mismo ang sumundo sa'yo. And I can't say 'no' to your dad." Sagot naman ni Gino.


"Oh, I see..." sabi niya.


"Get in," sabi nito sa kanya pagkatapos siyang pagbuksan nito ng pinto sa passenger's side.


Walang salitang sumakay siya sa kotse. Hindi ito ang Gino na kilala niya. Masayahin at palangiti si Gino Dela Rosa na kilala at best friend niya.


Well, ilang taon din naman ang lumipas buhat nang huli silang magkita. At alam niyang marami nang nagbago. Gayunpaman ay hindi rin niya akalaing ganoon kalaki ang pagbabagong makikita niya sa kaibigan.


For the last few years, she never heard a single word from Gino. Inaasahan niya noon na pupuntahan siya nito sa New York upang magkausap sila ngunit hindi ito dumating.

Close to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon