~ Why ~

394 32 8
                                    

 AUTHOR'S NOTE: Pasensiya na po masyadong natagalan ang pag update ko dito. Huwag po kayong mag-alala kasi susubukan ko nang i-update ko ng mas mabilis. :D

P.S. nagpalit na po ako ng cover para sa story na to. sana magustuhan niyo po. :)))

Happy reading!

~Xiao ^___^

KLANG!

KLANG!

KLENG!

KLANG!

Alas siyete na ng umaga. Sunud-sunod na tumunog ang malaking kampana ng simbahan. hudyat na malapit nang umpisahan ang magaganap na seremonya ng kasal sa lugar na iyon.

Marami nang tao sa loob ng simbahan. Nag-umpisa na ring mag-ayos ang mga taong may partisipasyon sa kasal, particular na ang mga abay, ninang at ninong. Masayang-masaya ang mga taong naroon ng mga sandaling iyon.

“Gino, iho,” sabi ng medyo may katandaan nang lalaki na sumalubong sa kanya ng makitang dumating na ito. “Congratulations.”

Kinamayan din ni Gino ang lalaki. Ngumiti ito ng bahagya. Isa-isa rin siyang sinalubong at binati ng “happy wedding”, “congrats” at “best wishes.” Saka siya tumayo sa harap ng pinto ng simbahan upang hintayin si Katerina.

Nang biglang may tumapik sa kanyang balikat. “Dude, masyado kang tensed. Relax lang pare. This is your day!” sabi ni Francis, isa sa mga barkada niya mula pa nong nag-aaral siya sa college.

“Ninenerbyos lang, pre.” Sagot naman ni Gino na hinaplos-haplos pa ang kanyang dibdib. “Para kasing maraming paru-paro sa sikmura ko.”

“Naku, excited lang yan dude. Kaya chill lang. Tsaka relax lang kasi. Nagmumukha ka tuloy napipilitang ngumiti.” Sabi ni Francis saka tinapik-tapik ito sa balikat.

Samantala, sa bahay ng mga Montenegro.

“Iha, ang ganda-ganda mo talaga.” Wika ni Nanay Heña nang pumasok ito sa kuwarto ni Katerina.

Patapos na siyang ayusan at bihisan ng kanyang make-up artist at stylist na hi-nire ng kanyang papa. Hindi lang basta-basta ang mga kinuha niyang mag-aayos sa kanya.

Mga kilala at professional na make-up artist at stylist ito. Katunayan, sila rin ang nag-aayos sa mga sikat at tanyag na mga artista at mga tao sa industriya.

Nakaharap si Katerina sa salamin. Kita niya sa likod si nanay Heña saka ngumiti ito. Nang matapos na siyang maayusan ay iniwanan na sila ng mga ito. Saka lang humarap si Katerina kay Nanay Heña.

“Salamat po, ‘nay.” Ngumiti ito sa kanya. Lumapit ang matanda sa dalaga at saka hinawakan siya sa kamay.

“Iha, may problema ka ba?” nagaalalang tanong rito ng matanda.

Nagulat siya sa tanong niyang iyon.

Halata ba ang pagpapanggap kong masaya ako sa nangyayari ngayon? Halata bang parang gusto kong maiyak ngayon?

Iyan lang ang mga katanungang biglang pumasok sa isipan ni Katerina. Subalit agad din niyang pinawi iyon.

“Nay, bakit niyo naman po nasabi iyon? Masaya po ako at si Gino ang pakakasalan ko.” Pinilit nitong pasayahin ang kanyang tono at magmukhang excited na ikasal.

Close to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon