Noon

51 2 0
                                    

Chapter 1

Audrey anak maiwan na muna kita ha. Maglalaba pa ako sa malaking bahay makipaglaro ka nalang muna kay lorenzo. Pero bago ka maglaro yung hugasin ikaw na muna bahala ha....

Mabilis na sabi ni inay. At lumabas na ng bahay para dumiretso sa bahay nila Lorenzo.

Naiwan naman akong nagdadrawing sa lamesa gamit ang mongol na isang dangkal nalang ang haba dahil sa kakatasa. Mabilis kasing maputol.

Audrey? A-ud? Tawag ng payat na lalaki sa labas ng bahay namin. Di ko sya sinagot dahil sa huling bigkas nya sa pangalan ko. Nakakaasar...tawagin ba naman akong u-od?.. WALANGYA!!!

Itininuloy ko lang ang dinodrawing kong bahay na maraming bulaklak sa paligid.

Hoooooo!!!! Nang biglang may manggulat sa likod ko sabay hila sa buhok ko.

Aaaaray!!! Anu ba? Nananahimik yung tao eh... Ikadena mo nga yang sarili mo para di ka mapad-pad dito!!! Palibhasa payat kaya konting ihip ng hangin kung sansan napapad-pad!

Nangagagalaiting talak ko dito at nakita kong nakapamewang sa harap ko ang lalaking ubod ng payat at ubod din ata ng tangkad.

To naman galit agad. Buti nga pinuntahan kita dito eh. Nakasalubong ko si nanay mo sabi nya andito ka lang daw sa loob. Kaya pinuntahan na kita.

Sabi nitong iginagala ang mata sa loob ng bahay namin. Maliit lang bahay namin. Dalawang kwarto, maliit na sala, isang maliit na banyo at sa labas kusina na ginawa ni itay para di mangamoy sa loob ng bahay ang niluluto.

Umalis kana! Di ko kelangan ng asungot na mangaasar lang sakin.

Pormal kong sabi rito na sa dinodrawing ko nakatingin.

Naramdaman kong naupo sya sa harap ko at nakapangalumbabang tumingin sa mukha ko.

Anu ba? Bingi kaba? Sabi ko umalis kana!!!

Kunwaring naaasar na singhal ko rito. At nakita kong may sumilay na ngiti sa manipis nitong labi. Bagay na lalong nakapagpadagdag ng appeal dito kahit payat ito. Aminado akong malakas ang dating. At hindi naman tipong Crush ng bayan. Bale pangalawa lang sa Crush ng bayan ang itsura nya pwede na. Wag natin lahatin. Baka umangal si Crush ng bayan. Sino daw yun? Di daw nila alam?

Si Jahero Hoo half-pilipino/ half-korean. Na hawig lang naman ni Lee min ho. Hay ang gwapo...

Natulo na laway mo oh...Sino ba kasi iniisip mo? Kung ako yun wag ka na mag abala andito na nga ko sa harap mo oh...Anu pa gusto mo?

Nang-aasar na sabi nito na lalo pang pinasingkit ang mga mata. At ipinatong ang ulo sa naka-check na kamay.

Tumalim ang sulyap ko sa kanya at napahigpit ang hawak sa mongol saking kamay. Isang asar pa nito masasaksak ko to ng wala sa oras. Panira ng moment....

Gusto mo ng kiss para magising ha?

Nanguuyam sa sabi nito at ng mapansin ang pagtaas ng kamay ko ay sabay ilag at tayo. Pero di nya napansin ang lamesa sa likod nya na may mga hugasin. Na out-off balance ito at tumama ang likod sa kanto ng mesa dahilan kung bakit nalaglag ang mga plastic na pinggan at baso.

Ayan! Lagot! Ikaw ang maglinis nyan! Pinarami mo pa lalo ang trabaho ko! Wala ka talagang magawang magaling! Bwisit!!!

Galit na baling ko rito at tumayo para pukpukin ito ng drawing pad ko.

Aray! Tama na! Ako nalang maglilinis! Tama na! Tama na sabi eh!

Daing nito na akala mo totoong nasaktan. Saksakin ko na talaga to eh... kaasar!!!

AUDREYWhere stories live. Discover now