Chapter 5Mabilis akong nakauwi sa amin at nadatnan ko ang inay na nasa harap ng bahay nila Lawrence at nagwawalis ng nalaglag na dahon ng mangga..
Oh nadito kana pala anak...
Halika kumain ka muna ng puto pao at lasagna nagluto ako kasi mayamaya lang parating na sila..At itinigil nito ang ginagawa at hinila na ako patungong kusina at ipinaghanda ng pagkain. Inilapag ko sa sahig na katabi ng inuupuan ko ang mga gamit ko at kumain. Nagutom ako bigla..
Ako: Nay anung oras sila darating?
Inay: Hindi ko alam pero baka mga alas 7 nadito na sila....
Ako: Ganun po ba... kumain na rin po muna kayo. Sabay na tayo...
Inay: Busog pa ako anak. Sige lang kumain ka at alam kong gutom ka...
Nag-umpisa na rin akong kumain dahil alam kong di ko mapipilit si inay na sumabay sa akin pagkain.
Nangmatapos nag-punta na ako sa likod bahay kung san ang bahay namin. Naglinis muna bago nagpalit ng damit. Ginawa ko na muna ang assignment ko sa English. Nang matapos nagtungo na ako sa bahay nila Lawrence at naghanap kay inay.
Inay?...nay? ....nay?....
Walang sumagot kaya nagdiretso ako sa malaking sala. Naabutan ko ang inay na nagpupunas ng mga litrato na nakasabit sa dingding...pinaglakbay ko ang aking mata sa mga larawang nakapatong sa kabinet ang iba na man ay nakapatong sa mesa, meron din sa ibabaw ng lumang piano na mukang antique na sa kulay ay hitsura nito.
Ako: Nay...kapag may trabaho na ako at may pera na tayo magpapatayo ako ng bahay natin. Tapos may itaas magpapagawa ako ng kwarto para sa inyo ni itay at kwarto para sa akin.
Tapos may mga bulaklak sa paligid. At bawat bintana ng bahay....tapos may malaking balkonahe sa itaas at may sala na pahingahan...na may dekorasyon din na mga bulaklak para tuwing hapon dun kayo tatambay ng itay para magpahinga habang nainom ng kape....
Inay: Hay anak napakasarap naman ng pangarap mo...sana matupad mo lahat ng pangarap mo...dito lang kame ng itay mo susuporta sayo...basta ba wag kang susuko kahit mahirapan ka at makaranas ng kawalan ng pera.... kahit na wala kaming magandang trabaho ng itay mo....itataguyod namin ang pagaaral mo...para hindi ka matulad sa amin... ayokong mamasukan ka bilang katulong anak...kaya habang malakas at nakakapagtrabaho kami ng itay mo...mag-aral ka ng mabuti...
Ako: Opo nay...
Sa bawat katagang sinabi ng inay. Di ko mapigilan ang luhang bigla nalang sumungaw sa aking mga mata. Masakit marinig ang katotohanan kahit alam ko naman sa sarili ko na wala naman talagang pera ang pamilya ko at isang kahig isang tuka lang ang klase ng pamilya meron kame
.
Gayun pa man. Hindi yun magiging hadlang sa akin para tumigil akong mangarap...gusto kong matupad ang mga pangarap ko. Kahit na malabo ng mangyari ang mga bagay na sa isip at panaginip ko lang nakikita at nararamdaman..Habang nagmamasid ako sa mga larawan na ay may larawang nakaagaw ng atensyon ko....nasa isang sulok ito ng lamesita at nag-iisa sa tabi ng malaking bintanang salamin ng sala... Larawan naming dalawa ni Lawrence ang nakalagay roon. Masayang nakangiti ako sa tabi ni Lawrence at nakangiti ito pero sa akin nakatingin. Kuha ang larawan sa school namin dalawang taon na ang nakararaan... At natuwa ako ng makita iyon dahil ako man ay hindi ko alam na may larawan kaming ganito at inilagay pa sa frame at nakadisplay sa loob ng malaking sala ng mga ito. Mapait na ngumiti ako. Hindi ko alam kung bakit bahagya akong nakaramdam ng kirot sa dibdib. At sumagi sa isip ko ang nalalapit na pagalis ng mga ito. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatingin sa larawan namin habang hawak ito. Naalimpungatan nalang ako ng tawagin ako ng inay.
YOU ARE READING
AUDREY
RandomFriends...Hanggang dyan lang kame ni Lawrence. Lumaki ako na madalas syang nakikita...nakakasama... Hanggang sa dumating yung punto na unti-unting minamahal ko na sya. Hindi dahil kaibigan... Sya ang pangarap kong makasama hanggang sa tumanda kame...