Friends?

13 1 0
                                    

Chapter 3

Nag-kaayos na ulit kame ni Lawrence. Pero aaminin ko. Kapag nasa kwarto na ako at matutulog hindi ko maiwasang hindi maalala ang halik nito. Nahihiya ako dahil bata pa lang ako nahalikan na ako. Kapag kinakausap ako nila itay at inay nakokonsensya ako at nahihiya sa kanila. Naging tahimik ako nitong mga nakalipas.  At naging stranghero na ako sa sarili ko. Sa tuwing lalapit sya sa akin. Nararamdaman ko ang abnormal na kabog sa dibdib ko, kinakabahan ako at hindi mapalagay. Bagay na hindi ko maipaliwanag kung bakit. Kaya kung minsan mas gusto ko nalang munang mapag-isa kesa kasama ko sya. Dahil hindi ako makapag concentrate sa ginagawa ko.

Bagay na kabaliktaran naman dito.
Sya ang palaging gusto kaming magkasama, sabay pumasok, hinahatid ako sa room ko,  sabay umuwi, at sumasabay sya saken pagnagreresearch ako sa library.

Hindi ko alam kung paanu ko sya iiwasan. Paanu ko maibabalik sa normal ang lahat gaya ng dati. Na kahit magkatabi kame at nasasagi nya ako wala naman akong kakaibang nararamdaman dito...
Kung paanu ako makisalamuha sa kanya noon sa paraang hindi  ako nakakaramdam ng  pagkailang. Noon pag-binabara ko sya. Gumaganti rin sya ng pamimikon sa akin.

Noon...pero...

Ngayon maraming nagbago. Nararamdaman ko may nagbago rin dito simula ng bigla nya akong hinalikan kahit  di nya sinasabi sa akin nakikita ko sa mga kilos nya. Naging mapagpasensya na sya. At hindi na rin nya ako inaasar. May mga sandaling nahuhuli ko syang seryoso, pinapanood ako, tinititigan, at inaasikaso, gaya ng pagpila sa canteen. Sya ang bumibili ng pagkain ko at sa room na ako madalas nakain.
Pag-umuuwi kame kinukuha nya ang mga libro ko at sya ang nagdadala. Kahit na may mga bitbit din syang kung anu-anu.

Pagdating namin sa bahay. Magbibihis lang tas mayamaya nasa bahay na namin at may dalang assignment. Matalino ito kaya madalas sya ang nagtuturo sa mga assignment kong hindi ko kayang sagutan. Pareho kami nitong Grade 6 at malapit ng magtapos...At sya narin nagpiprisinta sa paggawa ng mga school projects ko.

Kapag may exam sya ang kasama ko sa pagrere-view. Minsan sa bahay namin o sa bahay nila. Gumagawa na nga ako ng alibi minsan para iwasan sya kaso parang walang epekto  dito...kukulitin ako at tinatakot na hahalikan nya ulit ako...Ewan ko ba....Anu ba tong nangyayari....hindi gusto ng isip ko dahil alam kong mali ito pero nakakaramdam din ako ng saya sa puso ko...

Habang natagal na lagi kaming magkasama lalo kong nararamdaman na lumalalim din tong nararamdaman ko para sa kanya. Kapag hindi sya nakatingin pinapanood ko sya at tinititigan ang mukha nito. Dati wala akong pakealam sa pagmumukha nito. Pero ngayon hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ko na titigan ito lalo na kapag may ginagawa ito o nagsasalita.
Isang araw biglang lumuwas pa maynila ang buong pamilya nya na ayon kay itay ay may aasikasuhing importanteng bagay.

Kaya kahit malungkot dahil wala sya. Pumasok parin ako.
Inihatid ako ni itay gamit ang tricycle nila Lawrence.

Binabaybay ko ang daan patungong room ko ng may sumabay sa akin. Paglingon ko si James  na nakangiti. Sandaling nakaramdam ako ng gaan sa dibdib ng makita ang maaliwalas nitong aura. 

James: Hi! Wala ka atang kasabay

Ako: Ah...lumuwas sya ng maynila...

James: Ganun ba? So ibig sabihin wala kang kasabay mamayang break and lunch?  

Ako: Ok lang may baon naman ako...

James: Sabay tayo mag break mamaya pwede?

Ako: Ahm di ako lalabas...sa room na ako kakain...

James: Ok! di dun tayo sa room nyo kumain...

AUDREYWhere stories live. Discover now