Destiny

16 1 0
                                    


Chapter 4

Anak gising na at maaga ka ihahatid ng tatay mo sa school....

Pupungas-pungas na nagkusot ako ng mga mata ko at tinatamad na uminat...

Haaaay!!! Kakatamad!!!

Pasigaw kong sabi sa sarili. At bahagyang nakaramdam ng lamig. Tiningnan ko ang orasan sa ibabaw ng lamesita at nakita kong alas 5 palang ng umaga.

Nay bat ang aga... alas singko pa lang oh... anu ba yan sarap-sarap pa matulog!....

Daing ko rito at tinatamad na tumayo at kinuha ang towel na nakasabit sa likod ng pinto. Naririnig ko ang inay na naghahain sa mesa.

Ngayon ang uwi nila Sir Lorenzo kaya paluwas ng maynila ang itay mo para sunduin sila don...

Paliwanag nito habang nagtitimpla ng kape.

Talaga!!!! Anung oras sila darating??

Biglang nawala ang antok ko at nakangiting itinukod ang mga palad sa mesa at nagtanung kay inay.

Malamang gabihin sila kasi tanghali na darating sa maynila ang itay mo at malamang na traffic doon ihahatid ka pa sa school....

Sya nga pala!....uuwi ka magisa mamaya ha...walang susundo sayo... magtricycle ka nalang at pahatid jan sa labas ng gate...

Mahabang salaysay nito at naupo sa harap ko at nagsimulang kumain. Naging magana ako sa pagkain. At hindi ko man maamin sobrang galak ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito...Dahil sa nabalitaan ko. At ng matapos sa agahan dali-daling naligo at nag-gayak para sa pagpasok...

Audrey heto baon mo.

Sabi ng itay at ipinatong ang fifty pesos sa armrest ng upuan ko. Naupo ito sa harap ko at tinulungan ako sa pagtatali ng sapatos ko.

Salamat tay!!! Ang laki naman nito...

Mamamasahe ka mamaya kaya nilakihan ko na baka kulangin ka..

Nakangiting paliwanag nito at inakbayan pa ako sa batok palabas ng bahay..
6:15 am palang ayon sa relo ko na bigay ng mama ni Lawrence ng mag birthday ako last year.

Itay: Nay alis na kame!!

Ako: Bye nay!!!

Inay: Hoy Audrey yung baon mong nilagang mais!! NAKALIMUTAN MO!!

Paalala ng inay na humabol sa amin at nilagay sa bag ko ang mais na nasa plastic. Agad naman akong sumakay sa unahan ng sasakyan. Ayaw pa akong pasakayin ni itay sa unahan dahil bata pa raw ako. Pero makulit ako kaya wala narin itong nagawa. Pinagbigyam narin ako. Minsan lang naman.

Habang natakbo ang sasakyan may nadaanan kaming isang malaking bahay at aksidenteng nakita ko ay si James na lumabas sa malaking garahe at mukang may hinihintay.

Ako: Tay kaibigan ko po ang lalaking yun... Mabait sya at araw-araw akong nililibre ng pagkain.

Itay: Anak ng mayor ang batang yan ah. Panu napunta sa school mo yan... At bakit ka naman nya inililibre? Wag mong sabihing nagpapaligaw ka na anak... ang bata mo pa...

Ako: Naku tay hindi ah...grade six palang ako. Staka kaibigan nga lang po eh...Nakipagkaibigan lang po sya sa akin. Yun lang po yun! Wag kayo magisip ng masama.

Ako ulit: Bagong transfer sya tay...

Mabilis kong tanggi at paliwanag  rito at napabaling sa labas ng bintana ng maalala ko ang halik ni Lawrence sa akin. Naginit ang pisngi ko at di ko na narinig ang iba pang sinabi ni itay maliban sa...

AUDREYWhere stories live. Discover now