Saturday night

7 0 0
                                    

Chapter 7

Maaga akong nagising para tulungan si inay sa pagluluto at pag iimis ng bahay dahil mamayang hapon ay susunduin ako ni James papunta sa bahay ng mga ito. Ngayon ang kaarawan nito kaya naisipan namin ni inay na gumawa ng puto pao. Wala kasi akong perang pambili ng materyal na pwedeng iregalo dito. Lalong wala akong idea sa mga bagay na gusto nito. Kaya gagawa ako ng special puto pao para dito... At syempre magpapatulong ako sa inay.
Nakabili na ang itay ng mga rekado kahapon pa. Pati ng rekado para sa marmalaide na request ni james. 

Anak hugasan mo ang boteng paglalagyan ng marmalaide at tupper na paglalagyan ng puto pao...

Opo nay!...

Panoorin mo nalang ako habang ginagawa ito. Para sa susunod marunong kana...

Opo nay!...

Anung oras kaba susunduin ng kaibigan mo?

Alas kwatro daw nay....

Kailangan kong makausap yun. Baka mamaya anung oras ka ihatid dito...hanggang dalawang oras ka lang dun...

Opo nay...

Pag di ka inihatid dito bago mag-alas sais pasusundo kita sa ama mo...

Opo nay....salamat po sa pagpayag ninyo.

Ayos lang yun anak... Ang ayoko lang eh makasanayan mo ang pagpunta punta sa mga ganyang okasyon... ok lang ang minsan...
Iba na kasi ang mga kabataan ngayon...

Bakit po nay....panung iba na ang mga kabataan ngayon...

Basta makikita mo rin...

Eh anu nga po iyon nay? Kasi di ko alam... ishort-cut mo nalang.

Pagmasdan mo nalang sa party na pupuntahan mo mamaya...para malaman mo

Ang lalim naman nun nay.

Basta mag-iingat ka roon ha. Wag kang makikihalubilo sa mga di mo kilala. At wag ka makikipagusap sa mga lalaki na may edad sayo... mamaya baka bastusin ka... Siguradong maraming bisita ang kaibigan mo mamaya.

Opo nay. Nilista ko na lahat ang mga bilin mo. Anu pa pong kulang?

Wag kang magsuot ng masyadong maganda...
Malambing na sabi nito. Habang nakatutuk ang mata sa pagtatakal ng puto pao sa maliliit na lalagyan. Kahit kailan talaga palabiro tong nanay ko eh. Buti nalang at sya ang naging nanay ko.

Nay???(0_0)
Napaangat ako ng tingin dito mula sa paglalagay ng cheese sa ibabaw ng tinakal na puto pao.

Kasi maganda kana...baka mamaya agaw eksena ka sa party.
Natatawang biro nito.

(-_-)! Kala ko naman kung anu na....
Staka wala naman akong magandang damit eh lahat simple lang...

Kaya nga...kaya yung simple lang isuot mo kasi maganda kana...

Natapos namin ang niluto namin ni inay ng nagbibiruan. Dalawang oras din kaming inabot sa pagluluto. Nang matapos nagluto naman si inay ng ulam at ako naman ay magsasaing nalang mamaya pag tuntong ng orasan sa alas diyes ng tanghali. Alas nuebe palang kaya naman nagpahinga na muna ako sa duyan sa  likod ng bahay namin na nasa ilalim ng punong mangga. Siguradong pagkaluto ni inay aalis naman ito patungong bahay nila Lawrence para maglinis.

Nakatulala ako sa mga dahon na tumatakip sa sinag ng araw sa taas habang nagmumuni-muni at di malinaw ang tinutungo ng utak ko ng  walang anu-anu ay biglang dumilim....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 27, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AUDREYWhere stories live. Discover now