Sorry na

21 1 0
                                    

CHAPTER 2

Anak eto baon mo....Kumain ka sa school ha. At iwasang magtatakbo para di ka pagpawisan...Yung tubig mo ba nasa bag mo na?

Mahabang litanya ni inay na inabutan ako ng 30 pesos.

Naku nay ang laki naman nito. Tama na tong bente...

Sabi kong iniaabot ang sampung pisong coins.

Sige na anak kunin mo na. Minsan lang kita pabaunan ng 30 pesos wag kana mag inarte.

Nakangising sambit nito at isinakbit na sa likod ko ang bag ko.

Si nanay talaga oh oh...

Sabi ko nalang at nagpaalam na rito at humalik bago nagtuloy sa labas kung saan si itay naman ang naghihintay sa akin para ihatid ako sa paaralan kasama yung impakto kong kaibigan.

Bye nay! Wag kayong masyadong magpapagod ha! At adobo po ang gusto kong ulam mamayang gabi! ha nay????

Pasigaw kong sabi rito para marinig ako. Nakita ko pang dumungaw ito sa bintana at nakangiting kinawayan ako.

Oh ayan na pala si Lawrence eh mukang sinusundo ka...

Sabi pa ng inay ng makita ang impakto kong kaibigan.

Ang ingay aga-aga!

Sabat nito sa mahinang tinig sapat lang para madinig ko. At nilingon ko sya na pormal ang mukhang nakatingin kay inay at kumaway bago tumalikod. 

Naglakad na ako palayo dito at pinanatili ko ang distansya naming dalawa habang palapit kay itay na naghihintay sa tabi ng nissan platinum ng mga Eliazar. 

Anak bakit ba ang tagal mo kanina pa kami naghihintay sayo. Nakakahiya tuloy sinundo kapa ni Lawrence.

Bungad ni itay na nahihiyang sinulyapan si Lawrence na tahimik na sumakay sa loob ng  sasakyan.

Sorry naman tay...

Sinserong sabi ko ng makaupo sa tabi ni impakto. Dumikit ako sa tabi ng bintana at inayos ang upo ko na parang nandidiri sa katabi ko.

Ayokong mapalapit sa kanya dahil nakakaramdam ako ng kakaiba at hindi ko maipaliwanag bakit parang hindi normal ang paghinga ko ngayong malapit ako sa kanya.  

Parang nananakbo ang dibdib ko.
At medyo biglang naging conscious ako sa ayos ko. Kung maayos ba ang damit ko sa likod. Wala bang gusot. Naku di ako nakapaglagay ng lotion!!  Sa isip-isip ko at bahagyang pinispis ang mga braso ko.

Bakit parang di ata kayo nag-iimikan na dalawa ha..

Pansin ni itay sa aming dalawa. Ako tahimik lang na nagmamasid sa nadaraanan namin.
Habang ang katabi ko nagbabasa kuno ng libro.
Di kaya to nahihilo???
Bulong ng isip ko.

Naku tay nagmememorize po ako para sa quiz namin mamaya.

Padefensive kong sagot na ikinalingon naman ng katabi ko at tinaasan ako ng kilay. Pero nanatiling tahimik.

Nabakla na naman! Mhj-rh-shr-mhr-shr-zhr.... (*_*)

Bulong ng isip ko at napapaingos pati labi ko sa nga gusto kong sabihin pero di ko naman magawang magsalita.

Mamaya pa ay ipinarada ni itay ang sasakyan sa harap mismo ng gate nagpaalam ako kay itay at mabilis na lumabas ng sasakyan at nagmamadaling pumasok sa gate.

Teka hinatayin mo nga ako!  Bakit ka ba nagmamadali? 

Nagulat ako ng marinig kong nagsalita sya at hindi ko rin napansin na sya pala ang nagmamadali ring sumasabay saken sa paglalakad sa path way.

AUDREYWhere stories live. Discover now