CHAPTER ONE
"iyel anak, gising na" nagising ako sa malambing na boses ng aking nanay, para akong baby na ginigising. Pagtingin ko sakanya, ngumiti siya sakin at hinalikan ako sa noo.Tumayo na si mommy at umalis na, nagsimula na rin akong magready, may pasok kami ngayon!!!! Omg. Naeexcite na kooooo.
Ay bago ko makalimutan, I'm Brielle Alessandra H. Ocampo , hindi naman sa pagmamayabang pero campus sweetheart to (flips hair, chos) makaligo na nga, madami pa kong kaekekan na gagawin, byeeeee.
While in the shower***
Cause if you like the way
you look that much
oh baby you should go and love yourself,
and if you think that i am
still holding on to something,
you should go and love yourself."Ahhhhhhh!!" Kung minamalas ka nga naman, ngayon pa nawalan ng ilaw, hirap pa naman dito samin, pagnawalan ng kuryente, no water din. Now, what?! :(
May shampoo pa ko sa ulo and sabon everywhere sa aking katawan.
"Iyel anak" sabi ng aking pinakamamahal na mother habang na-katok sa pintuan ng cr namin.
Syempre to the rescue yang madirdir ko noh!! Binuksan ko agad ang pintuan at kinuha na kay mommy yung mga gallon of water nang matapos na ko maligo.
Agad akong nagbanlaw dahil konting oras na lang, malalate na ko sa school, taga laguna kasi ako tapos ang school ko sa quezon city, oh diba ang saya. ❤️
Super cute ng uniform namin, kami kasi bahala sa ikli ng palda namin, kaya paiklian mga palda doon, pero dahil kay mommy and daddy sakto lang naman ng ikli sakin, above the knee lang naman.
Pagkababa ko, nakaalis na si daddy, ganun naman lagi, gigisingin ako ni mommy kapag tapos na maligo si daddy habang naliligo ako, kumakain na siya at anytime aalis na. Halos hindi rin kami nagkikita ni daddy tuwing umaga.
Kumain na ko at nagpaalam kay mommy na aalis na(syempre may kiss, ganun ako kasweet sa parents ko), lumabas na ko at naglakad papuntang sakayan.
"Iyel!" Nilingon ko naman agad yung tumawag sakin, sino ba kasing epal yun, pagako nalate, kakalbuhin ko talaga yun.
Paglingon, talaga naman! Ang gwapo naman ng lalaking nasa harapan ko.
"Aba babae, baka nakakalimutan mong may kapatid ka?" Hay nako, si kuya travis talaga, yes! Kuya ko siya, Travis Arron H. Ocampo ang name niya. Bakit ko sinabing ang gwapo? Syempre nasa lahi eh, alam niyo na ;).
"Oo kuya, akala ko kasi wala kong kapatid" ginulo niya na lang buhok ko at hinatak pabalik sa bahay pero sa may labas lang, may car kasi siya.
Sabi ko nga dapat ako din eh. Pero sabi nila mommy saka na daw pagmalaki na ko, si kuya kasi college na then ako highschool pa lang.
Umupo na ko sa front seat at inayos yung buhok ko, ang tagal tagal ayusin nito tapos guguluhin niya lang?! Ang unfair!!!
Binuksan na ni yaya babs yung gate and off to go na kami ni kuya.
Habang nasa biyahe nagcecellphone lang ako, gawaing teenager ba, facebook (like ng picture, share ng nakakarelate quotes, at syempre mawawala ba ang "status!")
*buzz* nagulat ako ng biglang may tumunog sa tabi ko, pagtingin ko cellphone pala ni kuya, tumatawag yung girlfriend niya. If I know, susunduin niya girlfriend niya, forever chaperon na lang ba ko.
"Pakisagot naman, iyel please" hindi na niya nga ko nilingon eh dahil nagdadrive siya, at syempre mabait akong baby sister, sinagot ko na call ng girlfriend niya.
"Hello?" Ugh ang arte talaga ng boses nitong babaeng to, sarap hambalusin eh. Kung ako, campus sweetheart. Si kuya, campus prince at yung girlfriend niya campus princess.
"Hi, nagda-drive si kuya eh" syempre pa-kemeng sweet, love ko kuya ko eh. Ayoko magkagalit kami dahil lang sa isang babae.
"Ah ganun ba? Pasabi na lang nasa school na ko. Thanks." With super happy voice and kilig yan. Kala mo naman, anniversary nila. Pft
"Sige po." Binaba ko na agad yung call baka magiloveyouhan pa sila eh, kahiya naman sakin dibaaaaa. Bata pa po akooooooo, wag poooooo.
So ayun back to the reality, andito pa rin ako sa kotse ni kuya at nagiintay siya ng kwento ko regarding sa pinagusapan namin ng so called girlfriend niya.
"Oh ano? Anong sabi ng ate mo?" Woooh! Ate ko daw, hindi ko naman yun kapatid eh, pwede ba!!
"Ayun sabi niya nasa school na daw siya with her happy voice and kilig voice" yes! Ginaya ko kung paano nung girlfriend sinabi yun then inartehan ko lang lalo.
Napasimangot si kuya tila hindi niya nagustuhan yung sinabi ko. Ano bang mali sa sinabi ko.
"Bakit naman nasa school na siya agad? Anniversary namin naturingan tapos mauuna siya sa school" ayy!! May ganung eksena may kasama pang paghampas sa manibela yan. Nakakaloka!!!
"Baka naman kuya may surprise din siya sayo?" Kunyari ipupush ko siya kay girlfriend, gusto kasi ni kuya pinupush ko siya sa gusto niyang girl.
Tila napangiti siya sa sinabi ko pero agad din naman napalitan, sumimangot siya agad. Bipolar ba tong kuya ko?
"Paano kung may iba palang sumundo sakanya?" Seryoso ba tong kuya ko? Ganian siya magisip? Gashhhhhh. Hindi ko kinakaya, hindi po ako love expert.
"Grabe kuya! Anniversary niyo tapos ganian iniisip mo? 1 year na kayo kuya!" Nakakainis naman kasi, hindi ko inaakala na ganian siya magisip porket hindi nasundo.
"Eh kasi naman. Hayy. Hayaan mo na nga." Nagdrive na lang siya, may nangyari ba? May iba ba yung girlfriend niya? What the. So pagmaganda ka, manloloko na agad ng lalake? Nakakagigil yung ganitong scenario ah?
Buti na lang mabilis yung biyahe namin at nakarating kami agad. Pagkadating namin sa school, nagpark si kuya at bumaba na kami pareho.
Tulad ng dati, lahat samin nanaman nakatingin, ano pa ba bago dito? Simula't sapul ganito na buhay namin, nakakatamad nga eh. Para bang you need to impress everyone araw araw. Dapat hindi ka maging pangit, dapat tropa mo maganda. Lagi na lang ganun.
"Miss campus sweetheart!!" Ay bakla, ang tumawag lang naman sakin ay ang magaling kong bestfriend na si Princess, she's not the typical friend of a campus sweetheart, siya yung inaaway dahil bakit daw kasama ng isang campus sweetheart ang isang hindi naman kagandahan na babae at hindi rin ganun kataas ang grades.
"PRINCESSSSSSSSSSS" then niyakap ko siya agad at syempre agaw attention kami. Bahala sila sa buhay nila, namiss ko bff ko. ❤️❤️
"Girl, ang gwapo talaga ng kuya mo!" Super crush niya si kuya, gusto ko nga silang dalawa eh pero choosy kasi si kuya gusto niya maganda.
Hindi ba niya alam masmaganda ang maganda ang ugali kesa sa maganda lang sa panglabas na anyo.
"Crush mo pa rin si kuya? Girl, move on. May girlfriend si kuya. Hahaha" bumitaw siya sa pagkakayakap niya sakin at sinabihan ako ng
"WALANG FOREVER KAYA!" Baliw na talaga tong kaibigan ko, bakit ko ba to naging kaibigan?
Binatukan ko na lang siya, masyado siyang umaasa sa kuya kong panget! Charot. Natigilan kami ng may biglang may nagsigawan at nakatingala lahat.