Pumasok na kami sa loob nang biglang "AHHHHHHH! OH MY GOOOOOOOOD" napatingin kaming lahat sa stairs at ayun si mommy bumababa patakbo.
"Tita akala ko naman kung ano na po nangyari sainyo" Natatawang sabi ni sese. Kahit ako eh, akala ko nahulog na sa hagdan si mommy eh.
Pagkababa ni mommy, agad niyang niyakap si sese, tila sabik na sabik kay sese na kala mo nawawala niyang anak.
"Akala ko kung sino na naging boyfriend ng iyel namin, ikaw lang naman pala" may kasama pagpalo palo pa yan, nakakaloka! Boyfriend ko si sese, HALAAAAA SINASANIBAN NANAY KOOOOOO.
"Tita talaga" natatawang sagot ni sese.
"Halika umupo muna tayo, saan niyo ba gusto? Sa labas or dito lang sa loob?" Aligaga na si mommy. Nakakatawa.
"Tita, okay na po dito. Magkekwentuhan at kamustahan lang naman tayo." Tumango naman si mommy bilang pagsangayon. Inexcuse niya muna sarili niya para daw mapaghandaan niya kami ng pagkain.
"Hindi pa rin nagbabago bahay niyo, maganda pa rin, parang ikaw" seryoso siyang nakatingin sakin, teka ieexcuse ko din sarili ko para sumigaw. Kyahhhh! Syempre sa isip lang.
Hinampas ko na lang siya at "Bolero ka pa rin sese" patawa tawa pa pero gusto ko na talaga ilabas yung kilig.
"So kamusta kayo? Si tito ba?" Aw naalala niya pa rin si daddy. So cute naman.
"Ayos naman kami pero masnaging masaya syempre ngayong andito ka na. Para mo na kaming kinompleto eh" nakita kong siya napangiti sa sinabi ko.
"Haha! Namiss ko din kayo, akala ko nga hindi na kita magiging student, ikaw kaya hinahabol ko." Natatawang niya sabi, bakit ako? Hirap kaya, hindi ko siya pwedeng tropahin lang. :(
"Bakit naman sese, saka ano nangyari? Eh ikaw pa ang tali-talino mo eh" yep, inggit nga si kuya sakanya kasi kahit hindi magaral yan 2-5 mistakes lang mali niya sa exam lagi.
"Ang hirap pala malayo sa pamilya, sa tropa at sainyo. Tapos ako pa pinakabata samin, hindi ko kayang makipagsabayan sakanil" Ang sweet naman kasi eh!!!!
"Ang sweet mo naman sese, alam mo bang nalungkot din kami nung umalis ka lalo na si travis at iyel." Tama, sobra kaming naapektuhan ng umalia si sese, sobrang close kasi kami sakanya ni kuya tapos biglang isang araw magpapaalam na lang siya samin na magaaral siya sa ibang bansa.
Tutal nandian na si mommy, inexcuse ko na sarili ko para makapagbihis na, hanggang ngayon kasi nakauniform pa rin ako.
Umakyat na ko at pumasok na ko sa maganda kong kwarto, mapapansin mong kwarto ko yun pagnakita mo yung green door na punong puno ng flowers.
At pagpasok mo, green din yung wallpaper at may mga design na trees, dalawa table ko dun sa kwarto, yung isa pangmake up ko and yung isa para sa pagaaral ko. Yung para sa pagaaral isa siyang malaking table na pataas, hirap iexplain. Basta customize table siya kasi mahilig ako magcollect ng mga books and handouts talaga inaayos ko sila, para siyang business type na part ng room ko.
Then yung kama ko, queen size bed siya sa gitna and hello kitty style yung head board. Tapos may carpet sa baba, na color white yung may mga shape ganun. Tapos sa kaliwa naman yung closet ko, hindi siya walk in closet pero lahat sila nakasabit, ayoko ko kasi ng nakatupi. Then may cr din ako dito sa loob ng kwarto. Hihi tinour ko na kayo sa loob ng kwarto habang nagbibihis.
Inayos ko na sarili ko ang pinili kong suotin is shorts and tshirt lang para maayos ayos naman. Bumaba na ko at nakita kong masinsinan naguusap si mommy at sese.
"Talaga ganun ba ang nangyari? Hayaan mo na atleast now, andito ka na." Sabi ni mommy kay sese at tumango lang sakanya si sese. Nag-ehem ako sakanila para malaman nilang andito na ko. Nginitian nila ako at umupo na rin ako.
Iniba na nila yung topic at ako na ang nagsimula ng paguusapan namin.
"Kamusta naman mga girls dun?" Tanong ko kay sese
"Ayos naman, maswild sila doon lalo na sa mga bar." OMG, nakatikim na ba siya ng girl? Hmp.
"Wait? Nagbabar ka?" Nagnod siya at ngumiti sakin ng nakakaloko. Eewww na siya! Akala ko pa naman malinis siyang tao. Charot.
"Yes nagbabar ako pero hindi pa ko nakakatikim na girl, wala akong naging girlfriend dun, hangout and aral lang ginagawa ko. Magaaksaya lang ako ng oras pagnaggirlfriend ako." OUCH AH! So pagnagigirlfriend nagaaksaya lang ng time. Inis naman to kausap! Ayoko na.
"Ah, akala ko naman" nilapag na ni mommy yung hinanda nilang merienda at akalain mo ba naman yung si yaya babs binubulungan akong magpicture daw sila ni sese.
"Sige na iyel, please. Isa lang naman eh" kinuha ko na yung cellphone niya at pinicturan na sila, baka magmaktol ang bata eh. Hahaha.
"Oh kayo naman" ngiting sabi ni yaya babs, tumayo ako at tumabi kay sese. Tinawag ko pa si mommy kaso sabi niya kami na lang daw.
"One, two, three... Smile" at nagsmile naman kami at tinignan yung picture.
"Ang cute niyo noh? Bagay na bagay kayo" ramdam kong namula pisngi ko sa sinabi ni yaya babs. Grabe nakakahiya.
"Looking young pa rin si sese eh, kahit teacher na" maligayang pagsabi naman ni mommy kay yaya babs.
"Swerte naman mo naman iyel, ikaw na talaga mahaba ang hair" hinampas ko naman siya sa biro niya at agad din naman bumalik na siya sa kusina, madami daw siyang aayusin ng may nagbeep beep sa labas.
Agad namang lumabas si yaya babs para tignan kung sino, mukhang si daddy yun. Mameet niyo na rin family ko.
"Honey? Kaninong kotse yung sa labas?" Sabi ni daddy habang papasok.
"Hon, may surprise ako sayo" sinalubong siya ni mommy at hinalikan siya. Ang sweet sana pagtanda ko ganian din, kami ng magiging asawa ko. Sweet pa rin kahit matanda na kami.
Tinakpan ni mommy ang mata ni dadddy at ni-lead siya papuntang sala. Tumayo na si sese para sa formal na pagbati kay daddy.
"Hon, si sese nagbabalik" nakangiting sabi ni mommy, pagtingin ni daddy napangiti din siya.
"Welcome back, sese. Buti naman naalala mo pa kung saan kami nakatira?" Duh daddy. Sabay kami pumunta dito. Hihihi. Magboyfriend lang ang peg.
"Opo tito, tinulugan nga lang po ako ni iyel eh" natatawang sabi ni sese, hala binuking pa ko! Bumilog ang mata ni daddy tila hindi makapaniwala.
"Sabay kayo ni iyel pumunta dito? Paano?" Paranoid ni daddy, hay.
"Daddy, pwede po bang umupo muna tayo?" Nagtawanan sila nang marealize nilang nakatayo sila naguusap usap.
Pagkaupo agad na kwinento ni sese ang nangyari.
"Yes sabay po kami, student ko po kasi si iyel"
"Wait, hindi ba kayo magkakaissue nian?" Singit ni daddy. Nakakaloka! Patapusin mo naman daddy!
"Sa sm north po kami nagkita, sa may parking po, dun na po kami nagsabay papunta dito, sayang nga po hindi namin nakasabay sila travis papunta dito eh. Muntikan na po ako maligaw buti na lang yung ibang palantandaan ko nandian pa rin pero sobrang dami rin pong nagbago dito." Tila napangiti kaming tatlo sa sinabi ni sese. Sobrang laki na nga ng pinagbago dito, medyo nagiging modern na kasi lugar namin kahit naman siguro ako kung matagal ng hindi nakabalik dito, maliligaw talaga.
"Kaya nga eh, ilang taon ka rin hindi bumalik dito. Mabuti naman nakapagtapos ka agad? Girlfriend? Wala ka bang ipapakilala samin?" Natatawang sabi ni daddy, nako daddy ako kaya girlfriend nian. Hihihi
"Wala pa po, siguro po sa tamang panahon pa po yun." Naks naman! Umaaldub si sese! Sa tamang panahon hahahaha.
Ang bilis ng oras 6pm na at si mommy naghahanda na ng makakain namin. Dahil mga 8pm aalis na rin si sese, sa manila pala siya nakatira ngayon.
Nagulat kami ng marinig ang busina ni kuya.
"Mukhang maaga ngayon si travis ah?" Sabi ni daddy
"Kaya nga daddy eh, anniversary nga nila ngayon eh. Isang himala na ba to?" Sagot ko naman sakanya, natawa na lang samin si sese.
At pagpasok ni kuya sa bahay, bromance sila ni travis.