IYEL POV
Ilang weeks na ang nakalipas simula ng magkaayos kami. Lumipat na siya sa tabi ko. Bale ang pwesto na namin si wil, ako, ando, cess. Niloloko din kami ng mga classmate namin kasi sabay na kami pumapasok ng school, si kuya kasi lagi sinusundo si ate rise.
Papasok na kami ng room ng
"ANDIAN NA ANG ROYAL COUPLE! Wooh" sigaw ng tropa ni ando. Napailing na lang kaming dalawa. Para kasing baliw, hindi naman kami couple eh!
"Goodmorning class" nakangiting bati niya samin. Tumayo na kami at "Goodmorning sir"
Nagdiscuss siya and all. Pero hindi ko alam pero bakit ako tinatamad ngayon makinig sakanya. Hays! Hindi dapat ganito, dapat inspired ako magaral. Wahh. Help me.
Natigil ako sa pagiisip ng biglang may nilagay si wil sa table ko, papel siya at ang nakalagay.
"Are you bored? -Wil"
Nahalata na niya, hindi na ko nagfofocus sa studies omg!!
"Yes and I don't know why. -SW"
Napailing siya sa sinabi ko. Psh! Problema ba niya. Kahit naman hindi ako makinig, mataas pa rin grades ko.
"Nagkaayos lang kayo parang nagbago ka na. Makinig ka na. -Wil"
Huh? Ako nagbago? Parang hindi naman? Tinignan ko siya ng makahulugan pero nagsign lang siya na sa board ako humarap. Ibang klase talaga to si wil! Minsan na lang kumibo, pagiisipin ka pa kung ano yun.
Break na sawakas! Dalawang subjects din tiniis namin ay ako lang pala. Hahaha
"Uy, ando. Kami muna ni cess sabay, dun ka muna sa tropa mo" nagets naman niya ata na may paguusapan kami ni cess kaya tumango na siya.
"Pakabusog kayo ah?" And nagwave na siya ng goodbye.
Agad ko namang hinila si cess sa dulo ng room, si wil ayun siya pinakaunang lumabas.
"Iyel, problem?" Nagaalalang tanong niya sakin, napabuntong hininga na lang ako.
"Nagbago ba ko cess?"
"Ha? Sino naman may sabi sayo nian? Ikaw naman kung ano ano iniisip mo."
"Yung totoo cess?" Naiiyak na ko, bakit ba ganito!!
"Actually iyel, yes simula nung naging okay kayo ni ando."
"Paano?"
"Hala iyel, wag kang umiyak. Para kasing naging mundo mo nanaman si ando. Tapos initchupwera mo na lang kami ni wil. Kayo na lang lagi ni ando."
Lalo kong naiyak sa sinabi niya.
"Sorry, sorry, s-sorry talaga kung ganun nafefeel niyo ni wil. Si-siguro namiss lang namin yung isa't isa. Babawi ako sainyo ni wil, sorry talaga" niyakap niya ko ng sobrang higpit at pinapatigil ng umiyak.
Tumahan na ko at inaya siya kumain pero inayos ko muna sarili ko bago bumaba.
"Oh my god, bakit umiyak si sweetheart?"
"Baka naman break na sila ni alejandro?"
"Siguro, hindi nga sila sabay bumaba eh"
"Gahd, ilang weeks lang sila?"
Mga chismosa, nakakainis! Sino naman may sabing kami ni ando? Bakit sila nagcoconclude agad agad? Mga walang magawa sa buhay.
Bago ba bumuka bunganga ni cess, hinatak ko na siya pababa. Wala nanamang tigil yan eh, image din niya masisira. Tss.
"Bakit mo ko hinila?" Nakabusangot na tanong sakin ni cess.
"Kung ano ano nanaman kasi sasabihin mo, ikaw din masisira."
Nagroll eyes na lang siya aba sasabunutan ko na tong babaeng to eh. Hays! Maiba nga ako, kakausapin ko si ando mamaya regarding nga sa nangyayari samin.
"Dito kayo cs!" Sigaw ng mga tropa ni ando pero napako yung tingin ko dun sa lalakeng magisang kumakain.
Umiling na lang ako sakanila at saka dumiretso papunta kay wil.
"Oh? Bakit?" Nagtatakang tanong samin ni wil.
"Pasabay naman kami dito ni cess, please?" Nagpacute ako sakanya, napailing na lang siya.
"Sige na nga" at ngumiti siya. Tama sila, nakalimutan ko sila. Nagfocus ako kay ando lang. Nakalimutan ko na nung mga oras na wala akong kaibigan, sila ang nandian para lagi sakin. Sobrang lucky ko sa mga kaibigan ko grabe.
Nilabas na ni cess yung pagkain namin, omg. Chickeeeeeeeeeeeeeen. Sarap yumyum!
Napansin kong nakatitig sakin si wil at cess at nakangiti.
"Anong meron? May dumi ba ko sa mukha?" Kasi naman makatingin sila, jusmee.
"Wala, namiss ka lang namin. Namiss namin yang pagkaexcite mo sa chicken" niyakap ako ni cess, napatingin naman kami kay wil. At niyakap din siya.
Im so lucky to have these people in my life. Feeling ko napaka perfect na ng life ko I have supporting and loving family and friends.
"You guys are the best!" Sabi ko sakanila. At pinagpatuloy na namin ang pagkain. Super namiss ko yung ganitong bonding.
Umakyat na kami sa room pagkatapos naming kumain, nagulat ako ng may magtext sakin. Nagvibrate eh! Bakit ba.
From: 236 3
SARAH G POPSTERS! Ang official game ni Sarah G. Get your 3-day free trial at play pa more! Text SARAH to 2600. P5/day after free trial. Help? Call 02-7371007
Hay bwisit! Akala ko naman naalala na ko ni sese. Sa pagbalik ni ando, hindi na rin nagpaparamdam si sese. Or busy lang din siguro siya sa trabaho niya? Hmp.
Class nanaman, nakakaburyo! Paano ba naman wala namang gagawin wala rin naman kaming maintindihan sa teacher naming to.
Sana magpagawa na lang siya ng activity ng maenjoy ko pa.
"Okay class, dahil balita ko sa mga previous teachers niyo na magaling kayo sa paggawa ng play. I'll give you a requirement where in you'll make a presentation of your own story. Just give me any plot about it and i'll approve it."
Gash!! This is exciting. Can't wait. Pero sino kaya kagroup ko? Gusto ko mga friends ko para hindi mahirap sa pagca-cast.
"Dahil sobrang dami niyo 10 pero group. And choose your own group mates." OMG YES YES YESSSSSSS!!!
"Magkakagroup na tayo diba sw?" Tumango ako kay cess.
"Sweetheart pwede bang isama natin sa group yung tropa ko? Kung ayos lang?" Hmm. Sakto ba if ever?
Me
Ando
Cess
Wil
Mark
Joven
Matthew
Lawrence
Ace
DavidSakto! "Okay na! Sige pwede" nakangiti kong sagot sakanila, siguro eto na yung pagkakataon para maging close yung tropa namin and no more conflict.
"Guys! Samin na kayo makigroup!" Natuwa naman ang mga batang pakawala. Jusko naman hahaha. Paano alam naman nila na pagkami kagroup panigurado maayos. Hahaha I love writing stories kaya. Hihihi.
"Anong plano" tanong ni ace. Yung pinakamakulit sakanila at babaero, psh. Hahaha
"Ganito na lang, kami ni cess magiisip ng plot ng story, then bibigyan namin kayo ng copy okay?"
"Uhm sweetheart, anong theme natin?"
Ano nga bang maganda? Ah! Lovestory kaya? Pero medj common, eh kung rom-com na lang? Ah yun na lang!
"Rom-com na lang. Then sino bida natin?"
Tinignan naman nila ako agad, naman eh! Gusto ko nga ako magsusulat eh para ako na director, ayoko na magact. Hays
"Kayo na lang ni alejandro!" Sabi ni mark
Pero dahil mapagturo siyang nilalang. Alam ko na kung sino bida.
"Alam ko na kung sino bida, kung saan ko kayo ilalagay, wala na dapat reklamo kasi ibabase natin sa character ng story na gagawin ko yun" HA-HA-HA oras na para ang tropa ni ando. Hmm.
