PART THREE

21 2 0
                                    

CHAPTER THREE

"Hindi ko alam cess eh, wala kong mata sa likod" nagroll eyes na lang siya sa sinabi ko at pinagpatuloy na yung paglilipit ng pinagkainan namin. Inano ko ba siya? Wala naman kasi talaga akong mata sa likod eh.

After niya magligpit, umakyat na kami sa room pero isang tao lang andun at si wil yun, natutulog. Hala kawawa naman to, hindi pa nakain.

Tumabi kami sakanya pero first time hindi niya kami nilingon tila hindi man lang niya naramdaman presence namin. Kinalabit ko siya at pagangat niya ng ulo niya sumimangot lang siya.

"Gusto mong kumain? Bibilhan kita. Ano bang gusto mo?" Alok ko sakanya, ayoko kasi ng may nalilipasan ng gutom, magkakasakit tayo pagganun.

"May sarili akong pera pambili" at bumalik na siya sa pwesto niya na natutulog, hay! Ako na nga nagaalok eh, alam ko namang may pera siya pero nagastos na niya yun pambili nung pagkain niya kanina eh.

Hinayaan ko ba lang siya kasi mukhang badtrip talaga siya ngayong araw. Ayoko na makipagtalo pa, basta andito lang ako para sakanya.

Nagsimula ba umingay yung room dahil nagpasukan na sila at natahimik nung pumasok grupo ng mga feeling cool boys. Tinignan ko sila saglit pero dahil wala akong care sakanila, nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa ng lecture ni sir sese next meeting. Syempre dapat pakitang gilas ako kay sese.

Ayokong mapahiya kay sese, kelangan sa paningin niya ako pinakamagaling, kelangan ko na magseryoso sa pagaaral. Nakakaexcite naman to!

Dumating na yung prof namin, dati pa siyang teacher kaya introduction lang, hindi na kami nagpakilala pa. Naging teacher na namin siya last year, 30 minutes lang dinismiss na niya kami. Eto maganda kapag 1st-2days ng pasok, puro introduction lang. Tapos kapag onti lang kami may plus kami sa grade. Para bang bonus na ng mga prof samin kasi yung iba tamad na tamad pumasok tuwing first week. Mga pa-special eh.

"Ang boring naman, ba naman yan" reklamo ni cess, totoo naman kasi, paulit ulit lang pinagsasabi ng mga teacher namin. Nakakaloka sila!!

"Kaya nga eh, last subject naman na to, buti na lang 3 subjects lang tayo ngayon noh?" Yep, 3 subjects lang kami today the tomorrow mga 4 subjects ganun. Bukas na nga rin ata ipapamigay yung mga tablet namin.

"Kaya nga eh, pero naeexcite na ko sa tablet! Kyaaaah" aba ang baliw napalakas ang boses, napatingin tuloy samin yung teacher namin.

"May problema ba Ms. Guttierrez?" Nagsmirk pa yung teacher namin, hambog talaga to eh! Don't get me wrong, paghindi kagandahan yung sinasaway niya nagi-ismirk siya.

"Wala naman po sir." Tumahimik na lang si cess kaya tinapik ko na lang siya sa likod. Napalingon siya sakin at nginitian na lang ako.

Nung nagdismiss yung prof, inayos na agad namin yung gamit namin at lumabas na ng room.

Excited na ko umuwi!!! Pupunta si sese sa bahay. Hihi. Sana sabay na lang kami umuwi pero hindi pwede baka ma-issue pa kami. Sayang naman career niya, bago pa lang siya dito sa school.

Paglabas ko ng room, iniintay na pala ako ni kuya travis at nung girlfriend niya, naglakad na kami pero syempre nasa likod ako. Ayoko makipagsabayan sakanila sa paglalakad, ang awkward kaya.

Pagdating namin sa kotse, pumasok ako agad sa likod, sa harap yung girlfriend ni kuya. By the way, name nga pala ng girlfriend ni kuya ay Ma. Clarisse Smith. Ganda ng name diba? Maganda naman talaga siya, inside(?) and out.

Ang tahimik nila kuya, nagaway ba sila? Anniversary na anniversary eh. Weird.

"Pupunta si sese sa bahay ah?" Alam ni kuya? Baka nagkita na sila kanina. Amazing.

"Oo nga eh. Naeexcite na ko." With super happy voice yun kaya napalingon sakin si ate rise (ri-seh) at nginitian ako. First time niya kasi ako marinig na ganun yung voice tila tuwang tuwa.

"Ibaba na lang kita sa sm north ah?" HALAAAAAA magdadate ba sila?

"Magdadate ba kayo kuya?" Napa-pout na lang ako, magcocommute nanaman ako. Daddy car please!!!

"Yes but pagkababa mo andun yung car ni sese, sabay na kayo pumunta sa bahay." napa "YESSSSSSS" na lang ako ng sobrang lakas kaya napabiglang break na lang si kuya.

"Excited na excited iyel? Sobrang namiss mo ba si sese?" Napatawa na lang si ate rise habang hinampas ng mahina si kuya.

"Oo eh, ang tagal na kasi natin siyang hindi nakita. Ikaw ba kuya? Hindi mo ba siya namiss?" Ngumiti lang si kuya, pagdating namin nila kuya sa parking ng sm north, bumaba siya at kinatok yung isang car. Lumabas si sese dun at mukhang naguusap sila ni kuya. Sus, If I know, namiss din ni kuya yang si sese eh.

"Miss na miss mo si sese noh?" Nagulat ako kay ate rise pero dahil good mood ako ngayon nginitian ko siya at nagnod.

Binuksan na ni kuya yung door, hudyat na pinapalabas na niya ko.

"Magingat sa pagdi-drive sese ah? Mahal ko yang kapatid ko." Arte ni kuya! Pinagcocommute niya ko eh.

"Oo naman travis, umuwi ka rin ng maaga aga para makapagkwentuhan tayo sainyo" at binigyan siya ni kuya sese ng magandang ngiti. Hihi. Pinapasok na niya ko sa kotse at nagpaalam kay kuya.

"Akala ko hindi papayag kuya mo na ako ang maguwi sayo, grabe!" Buti na lang pumayag!!!!!

"Akala ko nga sa bahay na tayo makakapagkita eh, kasi alam mo na teacher kita tapos ako student mo lang" totoo naman eh, ganun lang status namin. Baka magkaissue! Yun talaga iniisip ko.

"Ang cute cute mo talaga iyel, alam mo bang sobrang namiss kita" teka pwedeng kiligin? Namiss daw ako ni sese oh.

Napalingon siya sakin at ngumiti pero agad din binalik yung tingin sa daan. Hindi ko lubos aakalain na ihahatid ako nitong lalakeng to.

"Iyel. Uy iyel, gising na" ugh! Sino ba tong nanggugulo sa tulog ko? Dinilat ko yung mata ko at ginala ko yung tingin ko. Shocks, nasa kotse pa rin ako ni sese. Nakatulog pala ko, sobrang smooth niya kasi magdrive.

Inayos ko na ang sarili ko at nginitian siya "Sorry ah? Nakatulog ako." Kinurot niya lang pisnge ko. Naka feel ako ng guilt, imbis na nagbonding kaming dalawa, tinulugan ko lang siya!!!

Lumabas na siya at pinagbuksan rin niya ko ng pintuan, sobrang getleman! Grabe wala akong masay, si kuya kasi pagnatripan niya lang. Hahaha.

"Ay atiii! Ang gwapo naman ng kasama ni iyel! Kaya pala ang tagal maguwi ng lalake nito" baliw talaga to si yaya babs, buti na lang tinawanan lang ni sese, nakahinga ako ng maayos dun.

"Sino ba yan? Dalaga na anak ko? Wag naman baby girl ko" sigaw ni mommy, pababa pa lang kasi siya ng hagdan. Pagnakita niya si sese, nako mahihiya yan.

Pumasok na kami sa loob nang biglang "AHHHHHHH! OH MY GOOOOOOOOD" napatingin kaming lahat sa stairs at ayun si mommy bumababa patakbo.

Twisted DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon