PART SIX

1 0 0
                                    

Sumakay na kami ng kotse nila pero syempre binati ko muna driver nila, siya pa rin pala si mang boy. Hindi nila pinalitan to, simula bata kasi siya na ang driver nila.

"Mabuti naman ma'am iyel sumabay po kayo kay sir ando" see? Close kami. Hihi

"Nako mang boy, pinilit ko pa kamo yan" luh? Pinagsasabi nito, hinampas ko tuloy siya.

"Hindi mo po mang boy, akala ko lang po kasi siya ang magdadrive" natawa na lang si mang boy saming dalawa.

"Ma'am iyel?"

"Yes mang boy?" Bakit kaya?

"Halos 2 years din po noh? Hindi kayo sumasabay samin?" Nalungkot ako sa tono ni mang boy obviously pati sila naapektuhan sa pagkaawkward ko kay ando.

"Oo nga po eh, namiss ko nga po kayo eh. Hahaha." Naglighten up yung mukha ni mang boy at ni ando. Hinampas ko naman siya

"Hindi ka kasali!" Pangaasar ko sakanya, aba ang ginawa ba naman sakin. Kinilit ako.

"Ando, tama na please. Andoooooo" hindi ko na kaya, nawawalan na ko ng hangin sa kakatawa. Hindi niya pa rin ako tinigilan kaya ang ginawa ko inuntog ko ulo ko sakanya. Dun napatigil siya, huhu sakit.

Ngayon pareho kami namimilipit sa sakit, huhu bakit ko ba naisip yun? Hindi na kasi talaga ako makahinga kanina eh.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya sakin. At nilapit niya ko sakanya tila tinitignan kung nagkaroon ba ng bukol o kung ano man.

"Mga kabataan nga naman" sabi ni mang boy, agad naman ako napalayo kay ando. Nakakaloka.

"Okay lang naman ako, ikaw ba?" Napayuko siya at sinabing

"Yung ulo ko matibay pero miss na miss na kita" hay. Sorry talaga, sorry ng sobra.

FLASHBACK*

Andito kami sa may park nagiintay kay mang boy. Lagi kasi ako sumasabay sakanila, si kuya kasi laging nasama sa tropa niya.

"Uy, ando tara dun sa swing" aya ko sakanya

"Ano ba to, parang bata" nagpout ako sakanya, naman eh! Bata pa naman talaga kami. Kaka-highschool pa lang namin kaya. Hmp.

Hinatak niya ko papuntang swing at umupo na ko. Yehey, nagwagi ang pagpapakaawa ko. Tinulak niya yung swing pero hindi ganun kalakas.

"Iyel."

"Uhm?" Nilalasap ko yung hangin, ang sarap kasi talaga sa feeling na ganito lang, parang sobrang peaceful.

"Kasi ano, gusto kita. No, I love you already" ha? Tama ba tong narinig ko kay ando? Pero gusto ko din siya pero masyado pa kaming bata sa love.

"Ha? Anong sabi mo?" At prineno ko yung swing. Ang tahimik ng paligid wala kasing tao ngayon nagsiuwian na sila. Ang tagal naman ni mang ando kung kelan ang awkward ng moment.

"I love you brielle alessandra, pwede mo ba kong payagan na ligawan ka?" Seryoso ba tong lalakeng to? Gustong gusto ko siya, nagseselos nga ko pagmay katabi siyang babae. Pero hindi pa pwede, baka magalit din family namin.

"Sorry ando, pero hindi pwede. Masyado pa tayong bata saka hindi ka pa naman sigurado dian sa nararamdaman mo diba?"

"Sigurado na ko iyel. Hayaan mo naman ako ligawan ka." Pagmamakaawa niya sakin pero hindi talaga pwede kahit gaano ko pa siya kagusto. Siguro sa tamang panahon, pwede na.

"Sorry ando, hindi talaga pwede" sabay ng pagtalikod ko sakanya ang pagtawag samin ni mang boy.

"Tara na ma'am iyel at sir ando" tumakbo na ko papunta kay mang boy at sumunod lang siya sakin. The whole trip namin pauwi, tahimik lang kaming dalawa. Natingin tingin si mang ando samin pero hindi rin siya kumikibo tila nakaramdam din siya.

Pagdating sa bahay, nagpasalamat na ko kay mang ando at pumasok na ko agad sa bahay. Hindi na ko lumingon pa sa kotse nila.

End**

Simula nung pagamin sakin ni ando hindi na ko sumabay pa sakanila at naging ilag ako sakanya sa school namin. Ikaw ba naman sabihan ng mahal ka niya at kakasimula pa lang namin nun as first year high school anong ieexpect niya?

Nung elementary kami, kami ang magkaibigan pero nung nangyari yun nagkaroon siya grupo na tawag rookies yung mga feeling na cool, maslalo kong naging ilag sakanya yun kasi alam niya na ayoko sa mga pa-cool. At doon ko rin nameet si Princess, ang naging silbing bestfriend ko nung hindi kami okay. Yung feeling ko alone na ko.

"Uy, lalim ng iniisip ah? Wag mo ng pansinin yung sinabi ko." Nakakaguilty naman to, ang tagal ko bang nagisip isip?

Nginitian ko siya at sinabing "Namiss din kita" niyakap niya ko ng sobrang higpit tila ayaw na niya kong pakawalan. Pinalitan ko din ng yakap yung ginawa niya.

"Bati na tayo iyel?" Nakangiti niyang sabi

"Oo naman" nagpinky promise pa kaming dalawa.

"Hay salamat, tong mga batang to pinaabot pa ng taon saka nagbati. Mabuti naman hindi niyo basta tinapon na lang sa limot ang pinagsamahan niyo."

Natawa na lang kami sa sinabi ni mang boy, nandito na pala kami sa bahay ko i mean bahay namin ng ocampo. Sila naman isang kanto ang pagitan namin.

"Maraming salamat po sa paghatid mang boy, thank you din ando" I gave them my sweetest smile and wave them goodbye.

"Aba babaita, tinutwo time mo ba si sir sese?" Baliw na ba tong si yaya babs? Tinawanan ko lang siya at pumasok na sa loob.

"Mommy, I'm homeeee" sinalubong agad ni mommy at hinalikan ako. Yes super close kami ng family namin.

"Sino naghatid sa baby ko?"

"Mom hindi na ko baby. Si mang boy" ayoko ko kasi sa lahat tinatawag akong baby, ang laki laki ko na eh. But Princess find it cute, ewan ko ba.

Napansin kong nanglaki ang mata niya tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"You mean Mang boy ng pamilyang cruz" nagnod ako sakanya at ngumiti.

"Oh my god, okay na kayo ando?" Niyakap niya ko ng sobrang higpit, alam ni mommy kung gaano ako nalungkot noon.

"Yes mommy, sarap nga po sa feeling eh"

"Yayain mo siya minsan dito sa bahay, icelebrate natin yang pagiging magkaibigan niyo ulit"

Twisted DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon