Binatukan ko na lang siya, masyado siyang umaasa sa kuya kong panget! Charot. Natigilan kami ng may biglang may nagsigawan at nakatingala lahat.
Napatingin din kami sa taas, ang nakalagay ba naman sa banner "HAPPY ANNIVERSARY TRAVIS ARRON, I LOVE YOU SO MUCH BABY" tapos nasa taas yung girl, ngiting ngiti pa siya sa taas.
Lumingon ako kay kuya at ayun sumigaw ba naman ng "I LOVE YOU SO MUCH, WAIT MO KO DIAN BABY" nagpalakpakan.
Wow ano to? Teleserye? Talaga naman, sobra tong dalawang to. Feeling naman nila artista sila at may nagvivideo sila. Pft, mga baliw eh. Pagibig, pagibig pang nalalaman.
"Magbebreak din kayo!" Napatingin ako sa baliw na baliw kong kaibigan kay kuya, hinatak ko na lang siya paalis baka kasi mapatay niya pa sila kuya. Hahaha!
"Baliw ka talaga, baka may makarinig sayo" concern lang ako sakanya, baka ibully nanaman siya eh. Ang sakit makitang binubully bff ko.
"So? Ano naman. Bagay naman kami ni travis my loves, diba baby sister?" Ang kapal talaga!! Tinawan ko na lang siya, lakas kasi mangarap nito eh. Hahaha
"Ew naman! Maka baby sister ka dian!" Nagroll eyes na lang siya at dumiretso na kami sa room.
Pagpasok namin sa room, napatingin ang lahat.
"HI IYELLLLLL!!" Sabi ng mukhang adik kong seatmate forever, siya si william, wil for short. Nginitian ko na lang siya. Paano ba naman boses niya ang nangibabaw pero sa may dulo siya ng room nakaupo.
"HI CS" sabi naman ng group ng matatalino samin, naghello lang ako sakanila. At pinagpatuloy yung paglalakad ko papunta sa upuan namin.
"HI SWEETHEART" sabi naman ng mga feeling cool na boys pero mga sikat sila, hindi lang talaga sila cool para sakin. Para kasing trying hard magpaka-cool. Sobrang korni magmumukhang jeje na eh. Pero nginitian ko na lang sila ng matigil na.
Pero hindi pala, maslalo silang nagingay, "Ligawan mo na, Alejandro!!!" Tinaasan ko lang sila ng kilay nang magsitigil na sila.
Siniko din kasi ako ni Cess, napatingin ako dun sa mga chismosa ng classroom namin. Sila yung mga active sa iba't ibang org at pagnaging close mo doon nagsisilabasan ang ugali, I don't know pero I'm not into that.
Dati pinupush nila ako, sumali sa ganito ganian. Pero nung malaman ko na yung attitude, ayoko na kahit gaano ko pa gustuhin magsayaw and all. Dinaanan ko na lang sila, ayoko na lumaki pa ang gulo kahit alam ko, ako nanaman pinaguusapan nila.
Tumabi na ko agad kay Wil at sa kabila ko naman si Cess. Ganito na pwesto namin simula't sapul, kapag sa matatalino kasi kami tumabi, nako! Wala ng ibang paguusapan kundi grades, hindi ako grade conscious tapos dun naman sa mga feeling cool na boys, masasapak ko lang sila sa kahanginan nila, kapag sa mga chismosa naman, masasampal ko na bibig nila sa bawat issue. Hindi tulad kay wil, may sariling buhay.
"Kamusta kayo girls?" Yes ganian si wil, tinuturung na rin naming siyang friend, ayaw kasi ng iba makipagfriend sakanya.
"Ayos naman kami wil, ikaw ba? Kamusta bakasyon mo?" Sinagot siya ni cess ng nakangiti.
"Ayos lang din naman, sa bahay lang. Haha! Pero masnaging okay kasi kasama ko na kayo ngayon." Weh masnaging okay daw, if I know pinapatay na kami sa isip nito, sa isip siguro ni wil "bakit pa dumating tong dalawang to, tahimik buhay ko eh" charot lang syempre.
"Mabuti naman kung ganun! Namiss ka rin namin, don't worry" at nginitian ko siya, pero ako lang ba yun? Pero bat parang namula siya? Huh?!
"Nandian na si sir" sabi ni Alejandro sabay tingin sakin, ngumiti lang siya at umupo na.