Chapter Nine

86 12 6
                                    

Yuri's POV

Eksaktong alasais ng gabi ay naisipan kong lumabas ng hotel room ko. Nagulat pa nga ako nang pag labas ko ng pinto ay palabas din si Steve sa kabilang pinto. So mag katabi lang pala kami ng hotel room napaka swerte ko nga naman talaga. Nag katinginan kami sandali tapos ay umalis na ako.

Nag punta ako sa blue bar at umoreder ng Orange juice. Oo hanggang orange juice lang ako sixteen years old palang ako so it means masyado pa akong bata para lumaklak ng alak kapag may problema. Nag stay lang ako sa isang sulok ng bar habang umiinom ng Orange juice ko.

"Hayss! Bukas na bukas talaga sisimulan ko na ang operation to Seduce Steve Hernandez" Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kawalan.

Habang busy ako sa pag inom ng orange juice ko biglang may tumabing lalaki sa akin at inakbayan ako. Nilingon ko kung sino iyon, hindi ko siya kilala. Wala naman akong kakilala dito actually except to my Steve.

"Hi miss ako nga pala si Gardo!" Sabi ng lalaki at inakbayan niya pa ako. Tinayuan agad ako ng balahibo sa itsura niya palang feeling ko mawawalan ako ng virginity pag hindi pa ako lumayo sa kanya ano mang oras.

"Ah! Sige mauna na ako!" Tumayo ako at akmang aalis na sana nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Sandali lang miss diba kinakausap pa kita wala namang bastusan!" Nag pupumiglas ako sa pag kahawak niya pero masyado siyang malakas para sa akin.

"Ano ba bitawan mo nga ako nasasaktan ako!" Singhal ko sa lalaking bwisit na ito.

"Lalo kang masasaktan sa akin kapag nag pabebe ka pa, huwag ka ngang maarte alam kong gusto mo rin naman eh!"

Wow! Shet lang, ang kapal naman ng mukha ng isang to, eh halos gwapo pa nga si Marlou ng Hasht5 sa kanya ng kaunti grabe lang. May karapatan akong mag pabebe dahil di kami talo si Steve lang ang nababagay sa akin hindi ang isang kutong lupa na ito.

"Ang kapal ng mukha mo bitawan mo ako!" Pinag hahampa ko siya gamit ang isa kong kamay.

"Bitawan mo siya!"

Sabay kaming napatingin nitong gagong Gardo na ito duon sa nag salita. Si Steve.

"Pare huwag kang makialam dito away naming mag jowa to!" Ang kapal ng mukha talaga ng isang ito, baka mamaya pumangit pa ang tingin sa akin ni Steve baka sabihan niya pa ako ng walang taste. Letcheplan naman oh!

"Ang kapal ng mukha mo hindi kita boyfriend bitawan mo ako halimaw ka!" Singhal ko kay Marlou wanna be at pinag hahampas ko siya.

"Babe naman huwag ka namang ganyan sa akin!" Shet nakakadiri hindi po ako baboy.

"Fvck Yov! Stay away from my girl, who the hell gave you a permission to touch her?" Bigla nalang sinuntok ni Steve si Marlou wanna be at bumulagta ito sa sahig.

Pero hindi ako nagulat duon. Ang hindi maalis sa akin ay ang mga sinabe niya.

Ano daw? I'm his girl?

Maya maya ay naramdaman ko nalang na hinawakan niya ako sa  wrist ko at hinila palabas ng blue bar. Napadpad kami sa dalampasigan.

"Tanga ka ba miss?" Sarkastikong tanong niya sa akin.

"H-huh?" Halos hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Ewan ko ba kung bakit siguro masyado lang talaga akong patay na patay sa lalaking ito.

"Hindi ka lang pala tanga, bingi ka pa!" Sabi niya ulit habang naka tayo siya sa harap ko at hinahangin ang buhok niya. Gravity! Ang gwapo niya talaga kahit kailan.

"Sa susunod huwag kang papasok sa mga bar ng mag isa ka lang, lalo na kung tatanga tanga ka lang, paano nalang pala kung hindi kita iniligtas sa panget na iyon edi sana bukas buntis kana?" Honestly wala akong naintindihan sa mga sinabe niya masyado akong busy sa pag titig sa mukha niya. That halos ayaw ko nang tanggalin yung pag katitig ko duon. Parang gusto ko nga umiyak sa mga sandaling ito, parang dati lang sa picture ko lang siya nasisilayan pero ngayon nasa harap ko lang ang sarap talaga sa feeling. Ganito pala pag taga hanga ka no? Makita mo lang sa malapitan ang idolo mo masaya kana kahit para sa iba isa lang itong kababawan.

Napa tigil ako sa pag titig sa kanya ng kaltukan niya ako sa nuo.

"Huwag mo ako titigan ng ganyan, wala akong dalang panyo pamunas ng laway mo!" Sabi niya sa akin at akmang tatalikuran na sana niya ako ng mag salita ako.

"Sabi mo kanina I'm your girl! Bakit mo sinabe iyon?" Walang hiya kong tanong sa kanya.

Napangisi siya sa akin.

"Huwag kang umasa hindi mang yayari iyon miss!" Kampanteng sabi niya sa akin.

"Paano kung mangyari iyon?" Lumapit siya sa akin.

"Let's see!" Sabi niya bago tuluyang umalis.

---------------------------------------------------------------

Steve's POV

"Let's see!" Sabi ko duon sa babae bago tuluyang umalis.

Alam ko ang plano nila ni daddy na paibigin ako at kumbinsihing bumalik sa bandang Jelly Bean. Aksidente kong narinig ang pag uusap nila kanina nuong pabalik sa hotel room ko. Mag katabi kami ng hotel room ng babaeng ito kaya narinig ko ang maingay nilang usapan ng tatay kong tanga.

Sisiguruhin kong hindi sila mag tatagumpay sa plano nila. Sasabayan ko ang larong sinimulan nila. Sisiguruhin kong uuwe ng Manila ang babae na iyan ng umiiyak kapag na fall siya sa akin.


A Tale Of A Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon