Chapter Twelve

78 9 1
                                    

Yuri's POV

"Steve mag dahan dahan ka naman sa pag papaandar ng track, puros putik na ako oh!" Singhal ko kay Steve. Kasalukuyan kaming nakasakay sa isang mini track at nag jujungle trail. Nakakainis siya mag drive pasuray suray at ang bilis pa kaya puros talsik na ako ng putik.

"Walang thrill kapag mabagal eh!" Kalmado niyang sabi at patuloy parin sa ginagawa niya.

Tuwang tuwa siya sa gnagawa niya habang ako halos himatayin sa kanya. Pero ayos lang dahil naka yakap naman ako sa kanya at kitang kita ko na nag eenjoy at nasisiyahan siya sa ginagawa niya kaya ayos lang sa akin.

Matapos ang ilang minuto ay hindi ko namalayan na huminto na pala kami.

"Masyado ka atang nag eenjoy sa pag chansing sa akin!" Narinig kong sabi ni Steve.

Natauhan ako sa sinabe niya at dali dali kong tinanggal ang mga braso ko mula sa pag kakayakap sa kanya.

"Uy hindi ah!" Nahihiyang sabi ko sa kanya. Feeling ko tuloy namumula ako.

"Talaga lang huh!" Ngumisi siya at bumaba sa track sabay lakad papalayo.

Pag tapos ng aming jungle trail ay nag pahinga kami at nag meryenda at pasado alas tres ng hapon ay nag mangrove paddleboat kami sa sabang. Kung kanina ay walang ingat sya mag drive ngayon naman sobrang likot niya sa bangka.

"Pwede bang huwag kang malikot baka malaglag tayo eh!" Naka simangot kong sabi sa kanya. Natatakot kasi ako na malaglag hindi panaman ako marunong lumangoy.

"Ikaw nakakainis kana kanina kapa reklamo ng reklamo!" Sabi niya at inirapan ako na ikinagulat ko. Hindi ko alam na marunong siyang umirap ng ganuon.

"Muka kang bakla!" Sabi ko sa kanya.

"Ano ako bakla?" Bigla niyang inilapit sa akin ang mukha niya na ikinabigla ko at bigla akong natarantang ewan.

"Huh! Ano... Ahh.. Joke lang hehe!" Hindi ko alam kung paano mag papaliwanag sa kanya hindi ako mapakali dahil sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

"Kung halikan kaya kita diyan!"

Bigla akong kinabahan sa sinabe niya kaya agad akong umurong palayo sa kanya. Pero dahil sa ginawa ko bigla akong nalaglag sa tubig. Nag panic na ako nang malaglag ako sa tubig. Hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari at bigla nalang nag dilim ang paningin ko.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pag mulat ko ng mga mata ko nasa loob ako ng isang kwarto. Bumangon ako at inalala ang mga nangyari kanina. Naalala kong nalaglag pala ako sa tubig dahil sa kalandian ni Steve at nawalan ako ng malay. Tiningnan ko ang sarili ko at laking gulat ko ng iba na ang suot ko. Agad akong nag panic at kinabahan.

"Mabuti at gising kana!" Napatingin ako sa nag salita. Si Steve. Shet baka may ginawa siya sa akin habang wala akong malay.

"A-anong ginagawa mo dito?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya.

"Its my room! Nawalan ka ng malay kanina, bakit kasi hindi ka marunong lumangoy!" Sabi niya sa akin.

"Bakit iba na ang damit ko?? Dont tell me may ginawa ka sa akin?" Biglang kumunot ang nuo niya sa sinabe ko.

"Wala akong ginawa sayo bukod sa CPR wala na! Hindi kita type no wag kang feeling diyan! At humingi ako ng tulong sa house keeper na babae para palitan ka ng damit anong gusto mo  hindi ka mag palit at mabasa iyang kama ko?" Paliwanag niya habang naka taas ang kilay niya.

"Ah okay!" Sabi ko nalang habang iniimagine na binigyan niya ako ng CPR kanina. Saya wala akong malay ng mga panahon na nag dikit ang bibig namin na iyon.

"Bumalik kana sa unit mo 5:40 na ayusin mo iyang itsura mo mamaya 7pm may dinner date tayo sa sea side!"

Tumayo na ako at dali daling bumalik sa hotel room ko. Hanggang ngayon tulala ako at iniisip parin ang mga nangyari habang wala akong malay.

Wala akong ginawa sayo bukod sa CPR wala na!

Wala akong ginawa sayo bukod sa CPR wala na!

Wala akong ginawa sayo bukod sa CPR wala na!

Napatalon talon ako sa kama ko ng mapagtanto kong binigyan niya ako ng CPR. Nakakapanghinayang naman at tulog at wala akong malay nuong nag dikit ang mga labi naming dalawa. Hindi ko manlang naramdaman ang napaka lambot niyang bigbig. Omegesh! Ang landi ko na!

Nag bihis na ako ng simpleng maong short at white v-neck shirt hindi na ako nag abalang mag paganda pa dahil gabi naman hindi naman mahahalatang panget ako kasi madilim.

Pag labas ko ng kwarto ko tumambad sa akin si Steve na naka sandal sa pader. Naka three fourth na short lang siya at Polo shirt na black pero ang gwapo niya parin.

"Lets go!" Tipid niyang sabi at nauna ng maglakad. Sumunod nalang ako sa kanya.

Pag dating namin sa tabing dagat puro candle light ang makikita at may dinning table sa gitna na para sa aming dalawa. Umupo agad si Steve sa upuan niya hindi manlang ako pinag hila ng upo.Kainis!

Ang tahimik namin at walang imik sa isat isa habang kumakaen. Mukhang wala siyang balak kausapin ako kaya naman ako na ang kumausap sa kaniya.

"Ang sarap ng pagkain no!" Tumingin siya sa akin at nginitian ko siya tapos ay bumalik na ang atensyon niya sa plato niya. Nag salita parin ako ng nag salita pero hindi niya ako pinapansin.

"Mag salita ka naman baka mapanisan ka ng laway diyan!" Reklamo ko sa kanya. Ibinaba niya ang kutsara at tinidor niya at tumingin sa akin habang naka cross arm.

"Bakit?" tanong ko sa kanya. Napaka weird naman ng lalaking to!

"Tara duon tayo!" Hinila niya ako papuntang dalampasigan at naupo kami sa buhanginan.

"Bakit moko dinala dito! Hindi pa tayo tapos kumain duon eh!" Sabi ko sa kanya.

"Nawalan na ako ng gana kumain ang ingay mo kasi!" Sabi niya.

"Natural lang naman makipag usap sa hapagkainan ah! Sa bahay nga namin lagi kaming nag kukwentuhan habang kumakaen eh!"

"Masaya siguro kayo ng pamilya mo!" Sabi niya habang naka tingin sa dagat. Ako naman ay naka tingin sa kanya. Hinahangin ang buhok niya at ang cute niya.

"Oo naman! Sobrang saya!" Sabi ko sa kanya nang may himig ng lungkot. Bigla ko kasi silang namiss! Tumgin sa akin si Steve.

"Alam mo pamilyar sa akin ang mukha mo! Parang nakita na kita dati!"

"Oo nag kita na tayo no!" Inilabas ko ang cellphone ko at ipinakita sa kanya ang picture namin nuong concert!

"Ikaw pala iyong girl sa concert!" Tumango ako sa kanya.

"Alam mo ba nuong hinila mo ako papuntang stage feeling ko ako na ang pinaka swerteng babae nuong mga oras na iyon!" Napangisi siya sa mga sinabe.

"Talaga? Bakit naman?"

"Hindi mo alam kung gaano kita hinahangaan since day one ng Jelly Bean! Hindi ko alam kung bakit pero ikaw yung pinaka gusto ko sa banda!"

"Talaga?" Walang reaksyon niyang tugon.

"Oo! Kaya sobra akong nasaktan nuong umalis ka sa grupo! Ang dami kong inaksayang luha nuon! Bakit ka nga ba umalis?"

Tumingin siya sa akin! Tingin na may halong lungkot tapos ay ibinalik niya ang paningin niya sa Dagat.

"Gusto ko kasi ng simpleng buhay! Gusto kong lumayo! Buong buhay ko lagi nalang ako ginagamit ng mga tao sa paligid dahil sa kasikatan ko! Gusto ko maranasan ng simpleng buhay! Gusto ko maranasan kung paano mahalin ng totoo ng walang halong pag papanggap at walang kapalit!" Biglang nag hari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Nakatingin lang ako sa kanya habang naka tingin siya sa dagat. Akala ko dati alam ko na lahat sa kanya pero sa mga sinabe niya ngayon ko lang napag tanto na marami pa akong hindi alam tungkol sa kanya.

A Tale Of A Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon