Chapter Thirty Two

36 7 0
                                    

Steve's POV

"Are you drunk?" Nakalabas na pala ng hospital ang tatay kong magaling.

"Oo uminom ako, nag paka lasing ako. Alam mo ba kung bakit?" Hindi siya sumagot sa akin nanatili lang siyang naka titig sa akin.

"Nag kita kami ni Yuri kanina. Sa loob ng mahabang panahon ngayon ko lang siya nakita muli. Pero hindi ko manlang siya nayakap." Pasigaw kong sabi sabay tabig ng mga babasagin na vase sa table, at napa upo nalang ako sa sahig habang siya ay naka tayo parin at walang tinag na nakatitig sa akin.

"Miss na miss ko siya, pero puta wala akong nagawa. Ayaw niyang makipag usap. Galit na galit siya sa akin, dahil sa mga sinabe ko na wala namang katotohana. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako ang gago gago ko, hindi ko siya pinag laban mula sayo. Masyado akong naging sunod sunuran sayo." Mahina pero puno ng sakit, galit at hinanakit na sabi ko.

"Im sorry Steve, masyado akong nakialam sa buhay mo." Biglang sabi niya. Tiningala ko siya sabag tawa.

"Wala na. Wala ng magagawa pa ang sorry mo. Sirang sira na ang buhay ko at hindi ko na alam kung maaayos pa to. Sana namatay na lang ako." Tumayo ako mula sa sahig sabay akyat sa kwarto. Hindi ko namalayan na nakatulog nalang ako.

Kinaumagahan nagising nalang ako at sobrang sakit ng ulo ko dahil sa hang over. Biglang tumunog ang cellphone ko, si Tyler nag text. Pinapapunta niya ako sa BigHit TV station my guesting daw kami sa isang show. Agad akong bumangon at naligo. Mukhang ngayon na kami mag oofficial disband.

Matapos kong maligo dumiretso na ako sa BigHit TV station. Papasakay na ako ng elevator nang makita ko si Yuri...... Kasama ang members ng Triangle. Si Jerone pala isa sa member nito yung classmate niya dati na nasapak ko.

Ang sweet nilang dalawa habang nag lalakad, nakahawak si Jerone sa balikat niya at nag tatawanan silang dalawa. Biglang kumirot ang puso ko sa mga nasasaksihan ng mata ko.

Maya maya ay nakita nila akong nakatingin sa kanila. Umiwas nalang ako ng tingin pero nakikita kong papalapit din sila sa elevator na sasakyan ko.

Pag bukas ng elevator ay pumasok agad ako, at pumasok din sila.

Isang napaka awkward na moment ang nararanasan ko ngayon. Nasa harapan ko pa silang dalawa. Feeling ko pinag kakaisahan ako ng langit.

Pag bukas ng elevator ay lumabas na kami duon lamg kami nag kahiwalay at duon lang din ako naka hinga ng maluwag.

Hindi ako nag kamali, duon na nga mangyayari ang pag didisband naming apat. Ang daming mga audience na nag iyakan, mga fans na patuloy paring sumusuporta sa amin. Pero hanggang dito nalang talaga ang karera ng Jelly Bean. Matapos ng guesting na iyon ay dumiretso kami sa isang bar at nag inom.

Bigla ko nanaman naalala ang pag kakita ko kay Yuri kanina. Hindi ko maiwasang mapa isip kung anong meron sa kanilang dalawa ni Jerone. Sila na ba? Si Jerone na ba ang bagong titilian niya? Ang bagong Idol niya na parati niyang pupuntahan sa mga concert? Ang bagong lalaking naka bihag sa puso niya. Ang lalaking kapalit ko.

Bigla nanamang napabagsak ang luha ko. Kay tagal ko rin itinago lahat ng sakit na nararamdaman ko kay tagal ko rin tiniis lahat lahat ng ito. Ibinuhos ko nalang lahat sa pag inom ng alak. Hanggang sa nawalan na ako ng malay sa sobrang kalasingan.

Kinabukasan nagising nalang ako nasa kwarto na ako ni hindi ko alam kung paano ako nakauwe, siguradong hinatid ako ng isa sa tatlo. Bumangon ako at dumiretso sa CR upang maligo. Pag tapos kong maligo hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Wala na ang Jelly Bean, wala na akong dahilan para pumunta ng studio. Wala na ang mall tour, wala na ang concert, wala na ang album signing. In short wala na ang isa sa pinaka malaking parte ng buhay ko. Unang nawala si Yuri, at ngayon naman itong banda.

Upang hindi mabagot ay pumunta nalang ako ng mall, gusto kong mag libang at gusto kong mag karoon ng bagong pag kakaabalahan.

Habang nag lalakad lakad ako ay namataan nanaman ng mata ko si Yuri. Mau kasamang bata? Agad akong tumakbo papalapit sa kanya. Medyo nagulat pa siya ng makita ako.

"Sinusundo mo ba ako?" Inis na tanong niya.

"Sino iyang kasama mo?" Sabay turo ko sa bata na naka stroller.

"P-pamangkin, at isa pa bakit mo ba tinatanong wala ka namang pakialam eh." Sabi niya sabay tulak sa trolley na dala niya.

"Sandali lang Yuri." Sabi ko sabay hawak sa kamay niya.

"Ano nanaman ba??" Iritadong sabi niya sabay kabig sa kamay ko.

"Kayo na ba ni Jerone?" Walang hiyang tanong ko, pero wala akong paki hindi ako mapapakali kapag hindi ko nalaman ang totoo.

"Ano bang paki mo sa buhay ko? Please lang huh? Tantanan mo na ako." Sabi niya at tinalikuran ulit ako at tulak sa trolley habang nag lalakad ng madali pero hinabol ko parin siya at biglang iniharap sa akin.

"Isang--" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng pag lingon ko ay malayo na ang trolley na kanina lang ay hawak hawak ni Yuri, mukang napalakas ang pag hatak ko sa kanga kaya hindi na niya nahawakan pang trolley.

Kinabahan ako ng padiretso ang trolley sa escalator. Agad na hinabol ito ni Yuri at sumunod rin ako sa kanya.

"Ymori." Tawag niya sa pangalan ng bata.

Dumiretso pababa ang trolley sa escalator hinabol ko ito sa kabilang escalator at napigilan ang pag kalaglag nito.

Iyak ng iyak ang bata kaya binuhat ko na ito. Niyakap ko ito ng mahigpit at tumigil siya sa pag iyak. Ang sarap sa pakiramdam habang yakap yakap ko siya. Maya maya ay nasa harap ko na si Yuri.

"Akin na si Ymori." Sigaw niya sa akin habang hagulgol sa pag iyak. Agad ko naman itong binigay sa kanya.

"Ymori." Tawag niya sa pangalan nito habang umiiyak. Mukhang nag alala talaga siya ng husto.

"Gago ka Steve kung may nagyarimg masama kay Ymori hindi kita mapapatawad!" Sabi niya na akala mo siya ang ina nito.

"I'm sorry!" Iyon nalang ang tanging kong nasabi. Kasalanan ko naman ito, hindi sana mapapahamak ang bata kung hindi ko siya kinulit.

A Tale Of A Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon