Chapter Twenty Eight

37 5 0
                                    

Yuri's POV

Apat na buwan na ang tiyan ko at lumalaki narin ito, pansin narin ang pag taba ko kaya naman maluluwang na damit na ang sinusuot ko upang hindi mahalata ang tiyan ko.

Sinamahan ako ni tita Lucy sa hospital upang mag pacheck up at mag pa ultrasound. Excited na akong malaman ang gender ng baby ko.

"Are you ready?" Tanong sa akin ng doctor na Australiano.

"Yes I'm very excited." Sabi ko ng nakangiti.

Inihiga na ako at ipinuwesto maya maya ay itinapat na sa tiyan ko ang isang device. Nakita ko sa monitor ang anak ko sa loob ng sinapupunan ko. Buo na ang parte niya ngunit hindi pa fully develop. Napangiti ako habang pinapanuod siya sa loob ng tiyan ko, ang likot niya.

"Doc what is the gender of my baby?" Tanong ko sa doctor.

"A girl." Nakangiting sagot niya. "Do you already think about its name?" Tanong niya sa akin.

"Not yet."

"Ang kulit ng anak mo Yuri, mukhang mag mamana sa nanay." Sabi ni tita Lucy sabay tawa. Napangiti nalang ako.

"At siguradong maganda rin to pag laki tita, mana sa nanay at hindi ko ipag kakailang gwapo yung tatay niyang gago." Natawa nalang si tita sa sinabe ko.

Paalis na kami ng hospital, kakatapos lang ng ultrasound nang biglang mag ring ang phone ko. Si Jerone ang tumatawag, agad ko naman itong sinagot.

"Hello Jerone, napatawag ka?" Tanong ko agad sa kanya.

"Punta ka ngayon dito sa Studio, nalapatan na ng tono yung ginawa mong lyrics punta ka dito para mapakinggan mo."

Agad naman akong dumiretso sa studio dahil excited narin akong mapakinggan na kantahin nila ang kantang sinulat ko.

Maganda ang kinalabasan ng kanta, bagay na bagay din ito sa boses nilang tatlo. May tono narin ag iba pang kanta na sinulat ko para sa kanila.

"Next week na ang flight natin papuntang Manila, kasama ka Yuri." Sabi ni ate Ellise.

"Ako?" Gulat na sabi ko.

"Yes! Masaya pag kumpleto tayo."

"Hindi po ako pwedeng bumalik pa sa Maila ngayon, kayo nalang po, maiiwan nalang ako dito."

"Bakit?? Ayoko gusto ko andun ka pag nag debut kami." Sabi ni Jerone.

"Oo nga Yuri, minsan lang kami mag dedebut hindi pwedeng wala ka duon."

"Sorry pero hindi talaga pwede." Sabi ko sabay lakad palabas, naramdaman ko namang sumunod sa akin si Jerone.

"Bakit hindi pwede Yuri? Sabihin mo sa akin." Sabi niya habag patuloy ang pag sunod sa akin.

"Hindi nga pwede huwag ka nang makulit." Iritadong sabi ko sa kanya

"Dahil ba kay Steve? Hindi kaparin ba nakaka move on sa kanya?" Napatigil ako sa pag lalakad at hinarap siya. Binanggit nanaman niya ang pangalan ng gagong iyon.

"Buntis ako si Steve ang ama, hindi ako pwedeng umuwe ng Pilipinas dahil hindi niya pwedeng malaman na may anak kami. Naiintindihan mo ba?" Mangiyak ngiyak sa sabi ko sa kanya. Kitang kita sa mukha niya ang pag kagulat sa mga sinabe ko.

"Buntis ka?" Sabi niya sabay hawak sa braso ko. "B-bakit hindi mo sinabe agad?"

Walang lumabas sa bigbig kong salita kundi iyak lamang. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa niyakap na ako ni Jerone.

Dinala niya ako sa isang park, naupo kami sa swing at duon ko sinimulang mag kwento sa kaniya ng mga nangyari sa amin ni Steve.

"Matapos ng mga nagyare sa amin, bigla nalang niyang sinabe na hindi na daw niya ako mahal at itigil nadaw namin kung ano man ang namamagitan sa aming dalawa." Sabi ko habang umiiyak. "Galit na galit ang papa ko, kaya pinasama niya ako dito kay tita upang makaiwas sa tsimis, makakauwe lang ako sa Manila pag tapos kong manganak." Paliwanag ko.

"Sasabihin ko kay ate Ellise na iurong nalang muna namin ang pag alis upang makasama ka, gusto kong makasama ka sa debut namin Yuri and that was final." Sabi niya

"Ikaw ang bahala." Sabi ko nalang.

Biglang nagkaroon ng katahimikan. Ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa lupa.

"Yuri!" Biglang tawag niya sa akin. Nilingon ko naman siya.
"Ano?"
"Gusto ko lang malaman mo na hindi parin nag bago ang pag tingin ko sayo dahil sa mga nalaman ko. And if you want willing akong akuhin ang bata." Diretsahang sabi niya sa akin.

"No! Hindi pwede Jerone, walang kahit sino man ang umako neto, bubuhayin kong mag isa ito. At unfair iyon para sayo Jerone hindi naman ikaw ang gumawa neto."

"Mahal kita Yuri, at lahat ng mahal mo mahal ko rin pati ang batang iyan."

"Ayoko Jerone." Napabuntong hininga nalang si Jerone.

"Okay. Ninong siguro naman pwede akong maging ninong niya?" Natawa naman ako sa sinabe niya.

"Oo naman kayong tatlo, pati si ate Ellise gagawim kong ninang." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"May naisip ka nabanh pangalan para sa inaanak ko?"

"Nag pa ultrasound ako kanina, sabi ng doctor babae daw ang baby ko at Ymori ang naisip kong pangalan para sa kanya."

"Nice name, maganda bagay sa inaanak ko, sure akong maganda rin iyan pag laki."

"Oo naman no, sakin ba naman mag mana." Nagtawanan kaming dalawa.

"Huwag lang sana siya matulad sa akin na maagang lumandi." Dagdag kopa.

"You know what Yuri, hindi ikaw ang nawalan, kundi si Steve sayang kung ako nalang sana ang makabuntis sayo." Binatukan ko siya sa sinabe niya.

"Gago ka kung ano ano sinasabe mo." Sabi ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin.

"Joke lang naman eh." Sabi niya sabay pout. Ngumiti nalang ako.

"Jerone?" Tawag ko sa kanya. Nilingon naman niya ako sabay tingin sa akin at taas ng isang kilay na parang sinasabi kong anong gusto kong sabihin sa kanya.

"Thankyou so much." Sabi ko sabay halik sa pisngi niya.

"For what?" Tanong niya sa akin.

"For loving me... But im sorry I can't love you back." Sabi ko sabay tayo sa swing.

Lumakad na ako palayo ng walang paalam. Hindi ko na priority ngayon ang pag mamahal masaya kong maging kaibigan lang si Jerone at hanggang duon lang iyon. Si Ymori na ang mundo ko ngayon.

A Tale Of A Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon