Yuri's POV
"YURI!!!!" Halos mabingi ako sa sigaw ni Maiko at Jaira agad silang lumapit sa akin nang makita nila akong pumasok sa loob ng classroom. Oo pumasok na ulit ako ng school nuong una ay nag alangan pa ako dahil baka ibash ako ng mga fans ni Steve dito sa school. Pinakilala niya na kasi ako sa publiko bilang babaeng nag mamay ari ng puso niya at syempre kinilig ako duon.
"Bakla ka! Sikat kana kwentuhan mo kami anong nangyari paano mo nagayuma si papa Steve? Tell ng magayuma ko rin si Tyler Tyrone at Derrick." Sabi ni Maiko sa akin. Binatukan ko nga siya.
"Gaga hindi ko siya ginayuma ah! At syaka pa hindi niyo manlang bako muna papaupuin bago niyo ako kwestyunin diyan."
"Ay sorry na agad sige na be upo ka muna." Sabi ni Jaira at umupo na ako sa dati kong pwesto. Napatingin tingin naman ako sa mga kaklase ko at nakatingin din sila sa akin. Haynako Steve kasalanan mo to eh instant famous tuloy ako ngayon.
"Be! Alis ka diyan." Biglang sabi ni Maiko sa akin na katayo sa harap ko. Napakunot ang noo ko.
"Bakit?" Takang tanong ko sa kanya.
Bago paman niya masagot ang tanong ko ay may isang boses lalaki ang nag salita sa likod ko.
"Excuse me miss pwede bang umalis ka diyan sa upuan ko!" Agad ko itong nilingon.
"Huh? Upuan ko to eh!" Sagot ko sa lalaking naka tayo na nakatingin sa akin. PS ang cute niya po.
"Ang kulit mo naman eh ako nga sabi ang naka upo diyan kaya umalis ka na!" Galit niyang sabi sa akin. Sa sobrang takot ko ay agad akong napatayo sa upuan.
"S-sorry!" Sabi ko sa kanya.
"Tss!" Iyan lang tangi niyang sinabe bago umupo sa upuan at nag takip ng libro sa mukha.
Umupo nalang ako duon sa upuang nasa harapan nila Maiko at Jaira. Maya maya ay dumatin na ang first period teacher namin kaya hindi na kami nakapag kwentuhan nina Maiko. Mamayang uwian nalang siguro.
Nang matapos ang klase agad akong kinulit ng dalawa kong kaibigan na mag kwento tungkol sa mga nangyari nuong naruon ako sa sheridan.
"Oy beh mag kwento kana kasi, paano mo nabihag ang puso ni papa Steve." Pangungulit sa akin ni Maiko habang nag lalakad kami palabas ng campus.
"Wait ako muna pwede, sino ba yung masungit na gwapo kanina sa room natin?" Tanong ko sa kanila.
"Ah iyon ba? Si Jerone iyon transfer siya dito siya iyong pumalit sa iyo nuong nawala ka, bakit crush mo?" Sabi ni Jaira. Nanlaki ang mata ko sa ibinintang niya sa akin.
"Hoy anong crush ka diyan, umayos ka Yuri nasayo na ang puso ni Steve lalandi kapa?" Sabi sa akin ni Maiko na may kasamang batok.
"Ano kaba Maiko hindi ko crush iyon no, ang sungit sungit nun eh nag tanong lang naman ako eh!"
"Mabuti naman, naninigurado lang ako syaka hindi naman masungit si Jeron baka beast mode lang iyon kanina kasi nakita iyong mukha mo!" Sabi niya sabay hagalpak ng tawa.
Nang mapahinto kami sa harap ng main gate isang itim na sasakyan ang huminto sa harap naming tatlo.
"Ay oh! kaninong car ito?" Bulaslas ni Maiko.
Biglang bumaba ang tinted window glass ng sasakyan at si Steve agad ang bumungad sa amin na ikinagulat ko.
"Steve anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
"Sinusundo ka!" Nakangiting sabi niya. Tumingin ako sa magkabilang gilid ko ang dalawa kong kaibigan ngiting ngiti kay Steve kaya pinag sisiko ko sila."Ayt! Steve hiramin muna namin sa iyo si Yuri tutal matagal mo naman siyang nakasama sa palawan diba? Namimiss lang kasi namin siya eh!" Paawang sabi ni Maiko kay Steve. Real talk nakakatawa iyong itsura ni Maiko for sure nag lalaway na to ngayon sa sobrang gwapo ni Steve, paano pa kaya kung si Tyler na ang kaharap niya.
"Be! Ngayon ko lang narealize kung bakit patay na patay kayo ni Maiko sa Jelly Bean!" Mahinang sabi ni Jaira sa akin habang nag lalaway katititig kay Steve. Napatawa nalang ako ng mahina sa sinabe niya.
"Okay, saan ba kayo pupunta ako na ang mag hahatid sa inyo!" Suhestiyon ni Steve.
"Huwag na Steve!" Pagpigil ko.
"Pakidala nalang kami sa mall!" Walang hiyang sabi ni Maiko sabay bukas ng pinto sa back seat."Pasok na Jaira, ikaw Yuri dun ka sa tabi ni Steve umupo para sweet!" Pilyang sabi niya sa akin at napa iling iling nalang ako bago pumasok sa kotse ni Steve.
Habang nasa biyahe kami ay chinika ng chinika ng dalawang magaling kong kaibigan si Steve habang ako dito ay parang tuod na nakikinig lang sa kanilang tatlo. Grabe pa maka hagikhik yung dalawa parang pusang kinikilig.
"Oy Yuri bakit ang tahimik mo ata? Di ka naman ganyan ah!" Puna ni Maiko.
"Hayaan mo na be baka kinikilig lang iyan kasi katabi niya si Steve!" Sabat naman ni Jaira.
"Baka naman mamaya nag seselos kana sa amin niyan ah, possesive ka panaman pag dating kay Steve, huwg kang mag alala sayong sayo na siya!" Halos mamula ako sa mga pinag sasabi ni Maiko.
"Maiko para kang baliw!" Naka pout kong sabi sa kaniya nakita ko naman si Steve na ngiting ngiti.
"Oo nga pala, Steve minsan ipakilala mo ako kay Tyler ah?" Sabi ni Maiko kay Steve, ang kapal talaga ng babaitang to.
"Ikaw lang? Pano ko?" Sabat naman ni Jaira.
"Huwag kana, bakit fan kaba? syaka na pag fan kana ng Jelly bean!" Pang ookray ni Maiko kay Jaira, napatahimik nalang tuloy ito habang naka busangot.
Maya maya ay huminto na kami sa tapat ng mall nag paalam na kami kay Steve sinabi nito na itxt ko nalang daw siya kung kailangan namin ng sundo. Pumasok na kami sa loob ng mall at nag ikot ikot.
Pumasok kami sa Quantum at nag laro ng kung ano ano. Masyado naming namiss ang ganitong gawain kaya sinulit na namin, kumanta rin kami sa videooke as usual kanta ng Jelly Bean ang kinanta namin ni Maiko.
Maya maya ay bigla akong nai-ihi kaya nag paalam ako kina Maiko at Jaira na mag C-Cr muna ako.
Nang bumalik ako sa quantum matapos kong mag cr ay wala na sila ruon medyo tahimik na ang paligid at kaunti nalang ang nag lalaro. Naagaw ang atensyon ko nang kumakanta sa video oke kaya naman lumapit ako duon upang makita ang mukha ng kumakanta. Si Jerone. Ano naman kaya ang ginagawa ng isang ito dito. Pero in all fairness ang ganda ng boses niya tapos Born Singer pa ng Jelly Bean ang kinakanta niya. Pinanuod ko lang siya hanggang sa matapos siyang kumanta.
"Why are you staring at me like that?" Hindi ko alam na nakatulala na pala ako sa kanya. Tapos na pala siyang kumanta napagtanto ko lang nang mag salita siya.
"Ay! Sorry sorry ang ganda kasi ng boses mo eh!" Natatarantang sabi ko sa kanya. Bigla naman siyang tumawa ng mahina na ipinag taka ko. Paano ba naman kanina lang ay galit siya sa akin tapos ngayon ay napatawa ko siya. Siguro nga totoo iyong sinabe ni Maiko na hindi naman talaga siya masungit.
Bigla siyang lumapit sa akin at inilahad ang kamay niya.
"Jerone Magtangob! And you are Yuri Servantes Right?" sabi niya na ikinagulat ko.
"Paano mo nalaman ang buong pangalan ko?" Tanong ko sa kanya.
"Sikat ka kaya! I think you're a great lady because you captured Steve's heart in a short period of time!" Tinap niya ang balikat ko bago ako iniwan.
BINABASA MO ANG
A Tale Of A Fangirl (Completed)
Fiksi PenggemarDie Hard Fan si Yuri ng Sikat na boy group sa pilipinas ang Jelly Bean. At Patay na patay siya sa leader nito na si Steve. Dahil sa malaking pag kakautang ng papa niya mapipilitan siyang paibigin ang lalaking pinaka idolo niya.