MALA MAKATOTOHANANG PANGYAYARI
Akala mo totoo pero hindi pala at ang pinakamalungkot na parte ay kailangan mong gumising sa isang panaginip na sa maikling panahon ay nagbigay sayo ng kasiyahan.
Masakit? kasi umasa ka.
na ang isang bangungot ay sana totoo na lang pero hindi e kasi kinailangan mong harapin ang realidad na nagbibigay sayo na masakit na katotohanan
Ok lang yan atleast kahit papaano'y naramdaman mong nangyari na ang isang bagay na inasahan mo, pero hindi pa rin dahil sobrang naging mahirap para sayo na tanggapin na wala na, wala na talaga. kaya wag ng umasa.
Hindi ba pwedeng kusa na lang mawala yong hirap?
yong hirap na nakikita mo siya tapos hindi kayo ok.
yong hirap na titignan mo siya mula sa likod na masaya kasama ang iba
yong hirap na nakikita mo siyang nakakangiti ng malaki na hindi kayo ok.
at yong hirap na matutulog ka nga lang siya pa rin yong iniisip mo.ikaw ba tong sensitive o sadyang napaka insensitive nya lang ksi wala siyang paki.
Sana kusa na lang, kusa na lang naalis yong sakit na nararamdaman tuwing nakikita siya.
Tama na nga,
Tama nang umasa na maibabalik pa ang kahapon dahil ang kahapon ay kahapon.
madaya? hindi no, ikaw lang to hindi nakapaglet go habang siya ok na.