Chapter Three

606 8 4
                                    

Jazmine's POV



I never expected na aabot kami ni Derek ng two weeks na walang fight and misunderstandings. And... nag-eenjoy ako kasama siya. Hannah predicted na baka siya na ang the right one for me, pero siyempre I keep insisted na hindi mangyayari iyon, somehow kasi umaasa pa rin ako sa ibang tao.



He tells a joke, I fake a smile but I know all his favorite songs.


It's the song again.


And I could tell you his favorite's color is green,

He loves to argue, born on the seventeen.

His sister's beautiful; he has his father's eyes,

But if you ask me if I love him... I'd lie.



That song keeps reminding me of Rayler. Errr... disgusting. I don't love him, I never do, and I will never ever love, loved him.


"Hey!" Aah! Nakakagulat naman itong si Hannah.


"What in the hell are you doing here?"


"Hmmm... wala lang, miss lang kita."


"Hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka dito sa bahay."


"Gosh, kailangan pa ba iyon. Na-miss ko lang kasi ikaw... mga girl talks natin." Sabi ko na nga ba... tsismis na naman ang hanap nito sa akin.



Wala na akong magagawa sa babaeng ito. Ganyan na talaga ito magmula nung makilala ko siya, natural na madaldal at tsikadora. Magkasundo sila ni Franks. But when it comes to giving pieces of advice, hinding hindi ka magsisi na kinausap mo siya. Pareho din sila ni Franks na may sense kausap kahit ako eh, wala kung minsan. Mahilig siyang manghula kahit yung iba, predictable naman talaga.



Nung freshman pa kami siya unang naging ka-close ko bukod kay Rayler. Lumapit siya sa akin at sinabi niya na, "You're pretty... familiar ka din, anak ka ni..." tinakpan ko agad bibig niya and nakuha naman niya na ayaw ko talagang pinapangalandakan iyon sa maraming tao. Yung day na din iyon sabi niya sa akin na magiging popular ako dito sa school, at magsisimula iyon pag may nanligaw na sa akin, at pag nangyari iyon, sunod sunod na silang manliligaw. 



Ganoon daw kasi tumakbo ang isip ng isang lalaki, ang hilig nilang sumunod sa uso parang isang chain reaction theory... once na may nanligaw kay ganito makikiligaw na din sila. Una pag-uusapan nila munang magbabarkada yung girl at sasabihing, "Si ganito nililigawan ni ganito...", "Maganda kasi siya diba dude.", "Oo, pormahan ko din kaya. Ayos ba dude? Ano?" Mahilig sila sa competitions. Hanggang magiging flavor of the month na pag-usapan ang mga situation na ganoon then... siyempre ano bang mangyayari kapag pinag-uusapan ka, edi sikat ka na. Logically, if every pretty-slash-cool-slash-rich girl can be popular and Jazmine Ramirez is a pretty-slash-cool-slash-rich girl then she can also be popular.

Heart BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon