Tiffany's POV
"Hinalikan mo siya tapos wala lang yun sa kanya? Paano mo naman nasabing wala?"
"Parang walang ngyari." Tipid na sagot niya.
"O edi wala. Bakit para sayo ba meron?"
Tinignan niya lang ako ng matagal at huminga ng malalim. Balik ulit ang tingin niya sa harap.
Naku Rayler, ang hirap mo talagang basahin. Buti natitiis ka ni Jazmine.
Nandito pa rin kami sa kotse ni Rayler. Kung saan saan na kasi namin pinupuntahan si Ylliana wala pa ring signs tungkol sa kanya.
Hindi na din namin macontact si Jaz. Sabi ng mama niya, wala daw siya lagi sa bahay. At nung isang araw lang nakita namin siya sa isang newspaper. Typical Jaz. Sinabihan ko naman agad si Franks kasi siya lagi kasama kapag ganito si Jaz.
Tumigil muna kami sa isang mall. Kasama din namin si Ryan kumain, mineet namin siya saglit. Medyo late na din kami nakapag lunch.
Papark na ni Rayler yung kotse nung may na aninag akong babae na familyar.
"Si Jaz ba yun?"
Tingin lahat sila sa direksiyon na tinitignan ko. Pagkapark ni Rayler, minasdan lang namin sila na sumakay sa isang silver Citroen DS4.
"Dude, kakaiba talaga yang kaibigan niyo no? Nagiba agad ng taste. Pati tomboy pinapatos?"
Nagkatinginan kami ni Rayler. Kumuno't noo na lang siya.
Ako naman hindi ma-sink in yung sinabi ni Ryan sa amin. I mean, tomboy yung kasama ni Jazmine? I'm not even judging but god... ang lakas ng dating niya.
Ugh.
"Tss. Labas na. Gutom na ako." Lumabas agad si Rayler ng sasakyan.
Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa pockets ng sport jacket niya. At naglakad na parang nakalimutan na may kasama pala siya.
Pansin ko yung galit niya ng makita na may kasama si Jaz. Lagi siyang ganito kapag may bagong dinadate si Jaz. Laging wala sa sarili. Tapos sa huli susuportahan din lang naman tapos magiging stalker ng bagong boylet ni Jaz. Kumbaga sa pagiging kuya o pagiging tatay si Rayler na ata ang pinaka overprotective.
Ano nga ba talaga para sa kanya si Jaz? Minsan mapapaisip ka na lang.
Kumain na nga kami. Pinaguusapan namin kung ano na nga ngyari kay Ylliana.
BINABASA MO ANG
Heart Beat
RomanceA romance/humor story (Filipino/Tagalog/English) by NikkaGüzel. I'm this chick who gets anything she wants. I'm also this chick that every guy wanted. But I'm tired of playing games anymore, I want the real thing. I'm sure that HE's just somewhere...